Lanie's Pov: "Nanakit leeg ko don ah." Mahinang sabi ko habang tinutungo ang direksyon ng cafeteria. White lies. Iyon ang ginawa ko kanina sa harap ng buong Journalism Club. In order to learn everything behind that scary clip, I need to create a path. A path that full of white lies. At hindi naman ako sanay na magsinungaling kaya halos manakit ang leeg ko kakasalubong sa tingin nina Sir at ng mga kasama namin. Ni kahit isang segundo yata ay hindi ako nagbaba ng tingin kaya pakiramdam ko ay ngalay na ngalay ang leeg ko ngayon. Hindi naman ako ignorante. Alam kong hindi lang basta-basta ang bagay na inaalam ko. Danger. Noon pa lang ay kinukutuban na ako. Pinagwalang bahala ko lang dahil hindi naman makatotohanan at akala ko ay sa TV at aklat ko lang makikita ang mga ganitong pangyayari pe