“ARE WE going to buy some breakfast?” tanong ni Count habang naglalakad sila ng asawa sa hallway. Kalalabas lamang nila ng kanilang silid at hindi niya alam kung ano ang dahilan at bakit sila lumabas. Siguro ay bibili na lamang sila ng makakakain dahil hindi nito gustong magluto siya ulit. Hindi kaya nito nagustuhan ang luto niya? Hindi naman siguro. Kinakausap niya na ang sarili sa tagal tumugon ng babae. “Yes, but we will meet someone first before anything else.” “Here?” “On the lobby.” Bigla siyang napaisip. Mayroon pala itong kakilala rito sa Cebu? “Sino?’ hindi niya na tuloy napigilang itanong. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang naging interesado sa kung sinong kikitain nila ngayong araw. “I’ll tell you later.” Malalim siyang napabuntong hininga nang pumasok