NARAMDAMAN ni Count ang pagkainip habang nananatili sila sa Cebu nang wala man lang ginagawa upang mag-enjoy at sulitin ang kanilang naturang honeymoon o bakasyon. Nais niya sanang lumabas at gumawa ng ilang activities sa taas upang mabuhayan siya ng dugo subalit nahihiya naman siyang ayain ang babae dahil tila mas gusto nitong manatili sa loob ng silid. Hinayaan niya na lamang ito hanggang sa sumapit ang kinabukasan. Pareho na silang sanay na sanay gumising nang maaga, ngunit palaging nauuna si Count sa hindi niya malamang dahilan. Pagmulat niya ng mga mata ay ang maamong mukha ni Serenity ang kaniyang nabungaran. Wala itong kahit na anong makeup. Sa ikalawang araw ay nakita niya nanaman magandang mukha nito nang walang kahit na ano. He really adores her beauty. “Good morning,” wika niya