WALANG salitang mahanap si Count upang sabihin sa babae. Humigpit ang pagkakayakap ng babae sa kaniyang baywang at isinandal ang ulo sa kaniyang likuran. Makailang ulit siyang napalunok ng sariling laway, hindi malaman ang dapat gawin. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mayroon isang babae ang nakiusap na mahalin niya, at ibang-iba si Serenity… hanggang sa huling katagang binitawan nito kanina ay hindi iyon pakiusap. Isa iyong utos. She wanted him to love her. Bumitaw ang babae at humakbang palayo sa kaniya. “Face me,” muling utos nito. Tumango siya at marahang humarap dito. He gulped again as he saw her body only wrapped with a towel. Kitang-kita niya ngayon kung gaano kaputi at kakinis ang balat nito, na hindi niya akalaing ganoon dahil nakatago ang babae sa mahahaba at itim ni