NAGISING si Count nang bahagyang lumundoy ang ibabaw ng kama. Pagmulat niya ng mga mata ay nakitang nagsusuot ng roba ang kaniyang asawa. “What time is it?” Inilibot niya ang paningin sa buong silid, tumingin sa bintana; tiyak siyang napakadilim pa sa labas. “Three thirty,” maiksing tugon nito at binuksan ang pintuan sa balkunahe ng silid at pumasok doon. Nagkusot si Count ng mga mata at bumangon sa kama. Hindi na siya masiyadong inaantok. Siguro ay dahil maaga silang nakatulog kahapon at lagpas na saw along oras silang natutulog. Sinundan niya ang babae sa balkunahe. “Bakit ang aga mo? May pupuntahan ka ba?” Pinagmasdan niya ang likuran nitong nakatalikod sa gawi kung nasaan siya. He leaned on the door frame. “Hindi na ako makatulog, you can go back sleep.” Nagsindi ito ng sigarilyo