MANGHANG-MANGHA si Count habang pinagmamasdan ang kaniyang asawa. Kanina pa niya nakikita ang mga labi nito na nakangiti at dahil sa ganda nito ay hindi niya na rin mapigilan na mapangiti. Nakahahawa ang matamis nitong ngiti habang sila ay namamasyal. Ngayon niya lamang ito nakasama nang hindi binubunot ang baril o hindi naman kaya ay walang emosyon ang mukha. Ngayon ay kitang-kita niya na masaya ito sa kanilang pamamasyal. Huminto sila sa paglilibot nang mapagod at naupo sa damuhan upang magpahinga. Hinubad ni Serenity ang suot na loose jacket maging ang sombrero nito at inilapag sa damuhan. “Are you hungry?” tanong nito sa kaniya at nilanghap ang preskong simoy ng hangin. “Hindi pa naman, ikaw ba?” Pinakiramdaman niya ang tiyan, hindi pa talaga siya nagugutom. Siguro ay dahil nakapag