ANGELA’S POV Nitong mga nakalipas na araw ay panay ang sakit ng ulo ko. Magaling na rin ang mga sugat ko ay naka-adjust na ako sa paligid ko. Sa totoo lang masaya naman dito at payapa pero hindi pa rin ako tinatantanan no’ng Alixia. Para syang may sapi na hindi mo maintindihan at hindi nya magawang magpatalo at umamin na mero’n syang kasalanan. Papasok kami ngayon at mero’n daw gaganapin na laban mamayang hapon. Hindi ko alam kung anong laban ‘yon pero ne-excite ako. “Kasali nga pala sila Gio sa laban mamaya kaya dapat, i-cheer natin sila!” Nakangiting sabi ni Olivia. Sobrang masiyahin nya at gusto ko ang liwanag ng aura nya. “Sige,” sagot ko naman. Nang makapasok na kami sa klase ay kasunod lang din namin ang guro. Agad na nagsi-ayos sila ng upo at agad na umupo kami ni