ANGELA’S POV Nagising ako kinabukasan na mero’ng pagkain sa may side table ko. Nang tingnan ko ang labas ay mataas na ang sinag ng araw. Tumingin ako sa may veranda at no’n ko lang nakita sina Jepoy, Ivan, Louie, Angelo, Daryl, Rea, Sheen, Clarisse, Yanna, Janne at Hazel. Pero hindi ko nakita si Shasha at Callifer. Tinignan ko ang pagkain at saka ako lumapit do’n. Hindi ko napansin ang sulat at nakaipit pala sa knife. “I prepared this breakfast for you, once you awake eat this. Don’t worry, I didn’t do anything to you. Walang lason ‘yan, see you later.” -Callifer May naka-drawing pang demon angel sa tabi ng pangalan nya. Hindi napangiti ako dahil sa simpleng sulat na binigay nya. Gano’n pa man tinikman ko ang luto nya at do’n ko nalasahan ang sarap pala no’n. Habang kumakain