ANGELA’S POV Nagising ako kinabukasan na mero’n nang pagkain sa lamesa ko. Buti at walang pasok ngayong lunes at hindi ko pa nagagawa ang ibang pinapagawa sa ‘kin. Bumangon ako at saka tinignan ang pagkain at mero’ng papel na nakaipit do’n. Nang makita ko kung kanino nanggaling ay napangiti ako. Tinikman ko ang luto nya at napataas ako ng kilay ko. Parang med’yo nakakainsulto dahil mas marunong syang magluto kaysa sa akin. “Hindi na masama,” sabi ko sa sarili ko at saka inubos ‘yon. Matapos kong nag-almusal ay naligo na ako at nag-asikaso para gawin ang mga kailangan kong gawin. Natutuwa akong hindi naparusahan ng malubra si Janne gano’n pa man ay kailangan nyang gawin ang binigay sa kanya na pangalawang pagkakataon. Nang matapos ko na ang mga gagawin ko’y saka ako tumayo at