AILEEN’S POV Ilang araw ang lumipas at ngayon ay wala kaming pasok kaya pupunta kami ni Malice sa isang bahay ampunan to give them a foods. Marami akong pinamili para sa mga batang iyon at t’yak akong matutuwa sila sa mga dala ko pati na rin ang mga laruan. Alam kong konti lang ang mga laruan nila dito at ang iba ay warak na at hindi na malalaro pa. “Masyado kang mabait, Aileen baka kunin kana ni Lord n’yan,” sabi nya at saka ko sya binatukan. “Ikaw wala kang matinong sinasabi minsan ‘no?” inis na sabi ko. “Oo nga naman po Ma’am Aileen. Alam nyo po ba natuwa po ang anak ko sa bagong bigay nyong cellphone sa kanya. Hindi nya inaakala na magkakaro’n sya ng gano’ng cellphone,” ani ng driver namin. “Opo Ma’am. Pati rin po ang anak ko, maraming salamat po Ma’am Aileen,”