Pang labing-tatlo: Selene's Anger

1359 Words
Selene's Anger "Kasalanan mo naman talaga lahat! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito," Napahawak ako sa aking ulo at napamulat ng bumangon ako mula sa isang panaginip. Hinilot ko ang akung sentido dahil naramdaman ko ang pagkirot no'n dahil sa hindi malamang dahilan. I sleep very late, dahil sa humihingi ng tulong sa akin kagabi na hindi ko na nakita pa kung sino iyon. Day by day mas lalo akong natatakot mag patuloy. Ang gusto ko lang naman ay makauwi sa mundo ko. Napatingin ako sa may pintuan ng makitang pumasok si Lawson dito aa kwarto. Lumapit siya sa akin at may inabot na papel kung saan nakasulat doon ang isang blue print ng palasyo? "May naisip na akong plano. Ngayon ang araw ng paghahatol sa kanya. Hindi tayo maaring manahimik." Napatingin lamang ako sa ibinigay niya. Hindi ako sumagot. Ako ang puno't dulo nito. Kung hinayaan ko lang sana na makasal at umayon sa lahat at hindi na ako tumakas noong una pa lang ay hindi mangyayari ang bagay na 'to. Everything is my fault. "Hindi na natin kailangang gawin 'yan, ako lang ang gustong makuha ni Cliffton. Sasama na ako sa kanya," sambit ko at ini-abot sa kanya muli ang bagay na ipinakita niya sa akin. "Kumain muna tayo bago bumalik sa Faerun," sambit ko at tumayo mula sa pag kakaupo sa kama at naramdaman ko ang biglaan niyang pag hawak sa palapulsuhan ko. "Sigurado ka ba?" tanong niya sa akin. I nodded. "Ito lang ang paraan para sa ikatatahimik ng lahat, ako ang dahilan kung bakit nangyayari ito ngayon," sagot ko sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko at tumitig sa mga mata ko. Why is he acting like this? "Hindi ka sasama sa kanya, sa'kin ka lang." My jaw dropped. Mali ba ako ng dinig? "A-ano?" "Hindi ka sasama sa kanya Euphrasia, ililigtas natin si Affianna at sisiguraduhin ko rin na ligtas ka," aniya. Hindi ko alam ngunit, biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Ang mga titig niya sa akin na bumabaon sa buong pag katao ko. I never felt this kind of feelings before. This feeling was very new to me. And I admit na ang saya sa pakiramdam. Dahan-dahan akong tumango. Binitawan niya ang pagkaka hawak sa akin at inilagay ang kanyang kamay sa buhok ko at dahan-dahang hinimas iyon pababa sa mahaba kong buhok. "Mababaliw ako Euphrasia kung patuloy kitang nakikita," aniya. Napalunok ako at umatras sa kanya. Shit! Wag kang marupok Euphrasia. Gwapo siya pero hindi naman pwedeng mag pa apekto ka kung hindi pa sigurado sa totoong nararamdaman. He noticed what I did at pumungay ang mga mata niya sa akin. "Sumasang-ayon ako sa kung ano man ang plano mo," sambit ko at nagmadaling lumabas para mag pahangin. Nag stay ako sa labas ng ilang oras at nakaramdam ako ng paparating kaya naman agad kong hinanda ang aking sarili at nakahinga ng maluwag ng makitang si Selene at Drix 'yon. Mabilis na lumapit sa akin si Drix. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "Nag alala ako para sa'yo," aniya at umalis ako sa pagkakayakap niya. "Ayos lang ako Drix," sambit ko. Selene look at me at ng makalapit siya sa akin ay niyakap niya ako at niyakap ko rin naman siya pabalik bilang tugon. Nakita kong napatingin si Drix sa likuran at agad sinalubong ng suntok si Lawson na nag pagulat sa akin. "Drix!" Selene shouted at agad pumagitna sa ka nilang dalawa. "Binalewala mo ang sulat na pinadala ko dito? Anong ginawa mo kay Constance ha?" sigaw ni Drix. "Sinadya mo ba na hindi kayo agad umuwi ng palasyo?" muling tanong ni Drix. Hindi umimik si Lawson. "Anong ibig mong sabihin Drix?" tanong ko sa kanya. "Si Lawson lang ang hinahanap dahil ang mukha lamang niya ang nakilala noong sumugod kayo. Nag padala ako ng liham na maari na kayo umuwi ngunit ilang araw na kayong narito? Anong ginawa sa'yo ni Lawson, sinaktan ka ba niya?" tanong ni Drix. "Drix, ayos lang ako." pagpapakalma ko sakanya. "Manahimik na kayo, maayos ang kalagayan ni Euphie kaya naman tama na. Kuya Lawson, naayos na ni Kuya Wheyt ang gusot at nagkasundo narin na hindi na papatawan ng kaparusahang kamatayan si Affianna," ani ni Selene na isang maganda balita. Selene's P.O.V "Sa akin ka na sumakay Euphie, hayaan mo silang dalawa jan," sabi ko kay Euphie na nakatingin lang sa kawalan na tila may malalim na iniisip. Hinawakan ko siya sa balikat kaya naman natauhan siya at nag tatakang tumingin sa akin. "Huh?" tanong niya. I smiled. "Tara na," sagot ko na lamang at sumunod siya sa akin kahit sa tingin ko ay hindi niya alam ang nangyayari. Sumakay ako sa kabayo at maging siya ay sumakay rin, mabilis kong pinatakbo ang kabayo at naramdaman ko naman ang pag sunod ng dalawa kong kapatid. Madalas talaga silang mag away na dalawa. Mukhang iyon na ata ang naging lambingan nila. Ngunit hindi, may naging alitan sila noon na hanggang ngayon hindi parin nila napatawad ang isa't isa. "Selene..." tawag sa akin ni Euphie. "Hmm?" sagot ko sa kanya at medyo hininaan ang pag papatakbo ng kabayo. "Si Drix ba... Matagal na niya akong kilala?" tanong niya sa akin. Hindi ako agad umimik. "Oo," sagot ko sa kanya. Dinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga. Dinala ko muna si Euphie sa Faerun dahil hindi naman siya maaring sumama papunta sa Anchrome. "Sa silid ka lamang Euphie," bilin ko sa kanya. Tumango siya at sinamahan naman siya ng mga katulong sa pag akyat sa silid. Mabilis akong sumampa sa kabayo at pina-andar iyon ng mabilis. Malakas na humampas sa akin ang malamig na hangin at kasabay nito ang pag papatakbo ko sa kabayo. Nakarating ako sa Anchrome. Bumaba ako at inayos ang mahaba kong buhok at ini-abot ang kabayo sa isang kawal. Lumapit ako sa aking dalawang kapatid, tumingin sila sa akin at nag umpisa na kami mag-lakad papasok sa loob ng palasyo. Tumambad sa akin ang Hari at ang prinsipeng si Cliffton na sobrang yabang. "Nasaan si Affiana?" mabilisang tanong ko. Ngumisi si Cliffton at mariin lamang nakatingin sa akin ang hari. "Napaka-galang Selestina Florencia," napairap ako ng tawagin niya ako sa buong pangalan ko. "Ilabas niyo si Affiana," ani ng hari at agad akong tumingin sa mga kawal at nakita kong hawak nila si Affiana na puno na ng sugat sa kanyang buong katawan. Halos manlumo ako sa nakikita. Isa akong malakas na babae. Kilala rin ako dito sa Faerun na hindi basta basta matitinag ng sinuman. Pero habang nakikita ko si Affianna ngayon ay dinudurog na ang puso ko. Itinulak ng kawal si Affianna sa amin. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan siya. "Affiana..." sambit ko. Tumingin siya sa akin at dahan-dahang ngumiti sa akin. "Umalis na kayo, ngunit bago kayo umalis gusto kong malaman niyo ang isang regalo," ani ni Cliffton. Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi ng baliw na 'to? "Bakit hindi niyo tignan kung may dila pa si Affiana?" sambit ni Cliffton at ngumisi. Agad akong tumingin kay Affiana. "Affiana..." Tumingin siya sa akin at umiyak. "Hayop ka!" sigaw ni Lawson. Susugod na sana si Lawson ng mapigilan siya ng hari. "Kung gusto niyong maging tahimik at maayos ang pag u-usap natin. A-alis na kayo dito at tatangapin ang binigay naming kaparusahan sa kanya dahil iyon ang batas dito aa aming bansa," sambit ng Hari. Nag pupuyos ang puso ko sa galit. Napaka hayop! Binitawan ko si Affianna. Inilabas ko ang sandata ko at mabilisang itinutok ang sandata ko sa Hari. "Ikaw ang unang hindi tumupad sa usapan." may diing sambit ko. Ngumisi ang hari. "Kayo ay hindi rin tumupad sa usapan kaya't tama lamang 'yan," "Anong ibig mong sabihing hayop ka?! Tumupad kami sa usapan!"sigaw ko sa kanya. "Talaga? Si Wheyt ang gusto kong makausap tungkol dito. Umalis na kayo kung ayaw niyo mag karoon ng labanan sa pagitan natin," Nangigil akong ibinaba ang sandatang hawak ko. "Tandaan mo ang araw na 'to. Pababagsakim namin ang kahariang ito. Ako mismo ang mag lilibing sa'yo sa lupa," sambit ko at dinurahan siya sa mukha at mabilis na lumapit kay Affianna
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD