CHAPTER 25

2453 Words
HINAMPAS NAMAN NIYA ako na ikinatuwa ko. Aba! Siya pa lang 'yung babaeng gumagawa sa akin nito at saka 'yung pananaray niya! Pasalamat siya fiancé siya ng kuya ko eh! "Si ano nasaan?" Tanong niya at inilibot ang paningin. "Sinong ano? Walang ano rito!" "Baliw! 'Yong kuya mo!" Oo nga 'no? Nasaan si kuya?? Nilibot ko ang paningin ko. Tanging mga kalalakihan lang ang naglilinis at nasa tabi naman namin sina Philip. Wala si kuya. "Umalis siya, dinala niya yata si Danica sa hospital," sagot naman ni Nathan. Napakunot naman ang noo ko. "Dinala?? Anong nangyari kay Danica? Nabaril?" baka nag-o-oa-oa lang siya para magpapansin sa kuya ko, gawain niya 'yon, e. "Baka...duguan kasi kanina eh," sagot ni Ivo. "Ah, kawawa naman!" "Mukhang bumabalik na naman si Clever sa dati, ah. Nagiging care-person na naman siya," sabi ni Philip, tama-tama! Kwento sa akin heartless 'yan ni kuya eh! Palibhasa mas guwapo ako sa kaniya. "When it comes to Danica, nagiging malambot siya. Anong nagustuhan niya roon? I don't like Danica for him," sabat ni Ivo at tumango-tango rin ako. "Tama! Tama! Ayaw ko rin sa kaniya, talande 'yon." Natawa naman sila sa comment ko at napapailing. Maganda naman 'yung Danica, mukha lang lalakero. Ay judgemental ba ako? Slight lang naman, ah! Base lang naman sa kwento nila. Eh, syempre pinaniwalaan ko na, minsan ko na rin nakita 'yan si Danica at nakasama ng isang linggo, tapos nakilala ko 'yung ugali niya. Napatingin ako kay Lili na nakatulala. Natanga na yata sa nangyari. Winawagayway ko ang kamay ko sa harap nya. "Hoy! Anong nangyari sa 'yo?" Tawag pansin ko sa kaniya, tiningnan naman niya ako. Ang pretty niya po, oo. Sarap niyang ibulsa. Buti pa 'to okay e, gusto ko siya para sa kuya ko. "Anong nangyari sa akin? Naalala ko nawalan ako ng malay matapos akong takpan ng panyo ng isang lalaki," nagtatakang tanong niya. Aba! Gago naman pala 'yung gumawa no'n sa kaniya! Tss tss siguro pinag-i-interesan siya. Kung sabagay, ang ganda niya tapos sexy. Swerte-swerte ni kuya inggit tuloy ako! "Mamaya o bukas na lang siguro natin 'yan pag-usapan, halina kayo't magsiuwi na, kailangan nating magpahinga." Paano si kuya? Kung nasa hospital siya edi babantayan niya si Danica 'landi? Aba! 'Wag niyang sabihing babalikan niya 'yon? Subukan lang niya! Iiwanan ko talaga siya at babalik ako sa Australia! 3RD PERSON'S POV "MGA GUNGGONG!" When Mico Hasero Velasquez discovered about what had happened in the past evening, he was angry because he could not accept that his people had been reduced by hundreds. Sandoval is currently bowed down in front of King Velasquez's throne. There were some UOK members watching them from behind Sandoval. Nevertheless, they are hunched over out of fear for when King Velasquez is furious. "Pinairal niyo ang katangahan niyo! Hindi ba kayo nag-iisip?! Lalo ka na Jerico! Sumugod-sugod kayo kay Del-Vago na walang pasabi sa akin! Hindi ko ba kayo sinabihan na bago kayo gumawa ng aksyon ay dapat sabihan niyo muna ako?! Ano? Naghahari-hari ka rito?!" Napayuko na lamang si Sandoval dahil ayaw niya ang mga sermon na pinupukol sa kaniya. Sobrang inis niya sa sarili niya dahil hindi niya inaasahan na napakarami pala nila Del-Vago. "Hindi ba ay nawala na rin sina Reyco at Matyete?! Hindi ka ba nangamba'ng mangyari rin 'yon sa inyo, ha?!" hindi sumasagot si Sandoval. Nanginginig ang mga kamay niya, pero nagpapasalamat pa rin siya dahil nabuhay pa siya, kahit siya na lang ang natitira. "Nang dahil sa ka-gunggongan mo nawala pa si Delfin na tanging kasa-kasama mo sa mga misyon! Anong klaseng pag-iisip ang mayroon ka?!" Dugtong pa ni King Velasquez. Sandoval stood up and quickly approached King Velasquez, he kneeled and held his hands. Velasquez looked away and pursed his lips. He did not listen to Sandoval's beg. King Velasquez got to his feet to grab a whip. Sandoval looked and he felt nervous. He knew what would happen to him. "King! Patawarin ninyo ako, parang awa niyo na! Hindi na po mau---" "Tumahimik ka! Marami ka ng perwisyong naibigay sa akin. Dencio! Hawakan niyo siya at itali!" Mabilis naman nilang hinawakan si Sandoval sa magkabilang kamay. "Bitawan niyo ako!!" Hindi siya tumigil sa pagmumumiglas, tanging ngisi lang ang iginawad ng mga nanonood sa kaniya. Sa totoo lang ay napakaraming may ayaw sa kaniya sa UOK dahil sa kaniyang kayabangan at pagiging sipsip kay King Velasquez. Kaya marami rin na naghahangad na pantumbahin siya ngunit naatasan siya na maging kanang kamay ng kanilang hari. Naka-dapa ngayon si Sandoval at nakatali ang kaniyang paa at kamay. Nasa gitna siya at pinalilibutan siya ng buong miyembro ng UOK. "King patawarin niyo ho ako! Hindi ko ho ginusto ang nangyari, nabulag lang ako sa galit ko dahil sa nangyari sa anak ko, pinatay siya ni Del-Vag---AHHHHH!" Malakas siyang pinalo sa likod ni King Velasquez, agad-agad naman itong nasugatan at dumugo. Ganito si King Velasquez, wala siyang awa sa mga pinaparusahan niya, hindi niya rin pinapakinggan ang mga daing nila. "You made a big mistake! Lalong lalakas ang loob batang 'yon para kalabanin ako! Wala kang pinagkaiba kina Reyco, Matyete at Delfin! isa ka ring walang kwenta!" Sigaw nito at hinampas ulit ang kaniyang likod. Sandoval was very weak and anytime he would lose consciousness because he was so tired, when King Velasquez was satisfied with the beating, he untied the rope and left him alone. When Velasquez entered a room, a nine-year-old kid appeared out of nowhere, and he glanced at him. "Where is your father?" King Velasquez asked the boy. His father Alfonso is a cleaner here in the palace. King Velasquez always orderes Alfonso so he is always by his side when he is not doing anything. "Umalis po siya," the boy replied. King Velasquez nodded and sat down, he ordered the boy to massage him. "What's your name again?" "A-Asher po." "Buti nandito ka? Sinama ka ng tatay mo?" "O-Opo, help ko raw po siya," tumango si King Velasquez. "Tinuturuan ka na ba ni Renie sa paggamit ng mga armas? O sa pagsusuntok?" Nakabilang na si Renie Alfonso sa UOK. Usapan nila sa rules na kapag may mga anak sila na lalaki na kaya naman silang palitan sa pagtanda nila ay dapat may marunong silang makipaglaban kahit basic attack lang. "Opo, tinuturuan niya po ako sa pagsusuntok 'tsaka next time daw po 'yung baril." Velasquez just smiled at him. The kid was very cute and very handsome, and his eyes were green which made Velasquez even more attracted to sharpen him in various types of fighting moves. He wasn't like this with his other members, he also didn't know why he couldn't even drive this child away. "B-Bakit po?" Tanong ng bata nang mapansing nakatitig ang hari sa kaniya. "Nothing, continue." King Velasquez was thinking of nothing else but how to defeat Calvin's son. Only now he had a very strong opponent even though he was still a young for him. He also didn't think that the boy was too strong. He knows that strength, talent, and intellect are inherited, the same is true of him especially in his family before. Ito lang 'yung nagsasabi na hindi dapat maliitin ang isang kalaban base sa kanilang kaedaran. LEEXIYA'S POV Five days had passed, sa five days na 'yon hindi ko nakita si Killer. Hindi pa rin siya umuuwi hangga'ng ngayon simula n'ong nagkagulo nung engagement namin. Napag-alaman ko rin na siya 'yung nagligtas sa akin noong tangkain akong ihulog ng mga kalaban niya kaya kahit papaano ay natutuwa ako sa ginawa niya. Kahit papaano nabawas 'yung galit ko sa kaniya, kung hindi niya ako niligtas baka patay na ako. Medyo magaan naman sa pakiramdam na hindi ko siya nakikita. Pero ewan ko ba kung bakit ko siya hinahanap, siguro nasanay lang ako na siya ang bubungad. Hindi pa ako nakakapasyal sa amin. Ito na sana 'yong pagkakataon pero wala siya, sabi niya kasi ay tutulungan niya ako. Saan naman kaya siya pumunta? "Bulaga!" "Wah! Bwesit ka!!" Pinaghahampas ko sa braso si Joshua dahil sa ginawa niya, muntik pa akong masubsob dahil sa pag-talon ko dahil sa gulat. "Wahahahaha! Ayan, kape pa!" "Eh nagmumuni-muni ako tapos manggugulat ka?!" Tumawa siya nang malakas. "By the way, halika!" Bigla naman niya akong hinatak. "Ano ba!? Madadapa ako!" Bulyaw ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako binibitawan, "teka! Josh??" Ano na naman gagawin niya? May dala pa siyang pandilig. "Magdilig tayo!" "Seryoso, may garden dito? Kita mo nga masukal tapos ma-puno eh!" "Uh! 'yon ang akala mo!" Hinila niya ako papuntang side ng mansyon. May mga palat do'n na ang tataas, biglang hinawi ni Joshua 'yun. Laking gulat ko naman nang makita kong napakaraming bulaklak. "Wow!!" Inikit ko ang paningin ko dahil sa mangha. Tumakbo ako papunta sa isang Rose Pink. "Ang ganda! Bakit ngayon mo lang sinabi 'to?" Hinawakan ko ito at sininghot, ow, so bango... "Paano ko sasabihin eh sinusungitan mo ako!" Reklamo niya at kita ko naman pag-nguso niya, pinalo ko siya ng mahina. "Oh, syempre hindi tayo pa close! At saka masakit yung loob ko sa inyong lahat! Pero dahil pinakita mo itong flowers sa akin sige friends na tayo." "Sorry na! Nagpakilala na kaya ako sa 'yo! I thought close na tayo that time, e." "Akala mo lang 'yon!" Hinawakan ko ang isang lavender at inamoy 'yon. OMG! Ang bango talaga!! "'Wag mo lang sisirain 'yan ah, pagagalitan tayo ni bossing. Remembrance 'yan, garden pa 'yan nina Tita Carissa at ate Claire." "Huh?? Sino sila?" Hindi pamilyar sa akin ang mga pangalan. "Mommy at ate ni kuya Clever." "Ah." Nacurious tuloy ako. Ano kaya 'yung attitude nung ate niya? Katulad din ba siya ni Killer o kasing daldal ni Clave? Sana nga katulad na lang siya ni Clave, pangit maging kagaya ni Killer. "Alam mo ba, araw-araw nandito si bossing n'on umiiyak. Hindi namin siya malapitan," kwento niya. Napatingin naman ako sa kanya habang siya ay nagdidilig pero nakangiti. Luh? Totoo? Si killer umiiyak? Weh? Papamisa ako kapag nakita ko 'yon na umiyak. Hindi nga marunong maging malungkot 'yon at maawa! Iiyak pa? "May mga ikukwento lang ako sa 'yo, since medyo tumatagal ka naman na rito. Alam mo ba na hindi pa alam ni kuya Claver na wala na 'yong parents at kapatid nila?" Sabi niya na ikinagulat ko. Luh? Seryoso? So totoo ngang patay na 'yung parents and siblings nila? Hindi ko pa naman siya pinapakinggan, nagiging heartless na ba ako tulad niya? Kung wala na yung parents at mga kapatid niya, tapos hindi alam ni Claver, nako! Hindi maganda 'yon! Nag-aalala ako sa mararamdaman niya masasaktan siya panigurado. "Nakakagulat 'di ba? Itinago ni bossing kay kuya Claver 'yon, ayaw niyang maranasan ng kakambal niya ang sakit na naranasan niya n'ong mga panahon na nawala ang pamilya niya pero parang sa tingin ko mas masasaktan si kuya Claver ngayon." Napatungo naman ako at hinaplos-haplos ang mga bulaklak. Wala akong masabi. Mag-iisang buwan na ako rito at nakilala ko na agad si Claver. Kung makikita mo nga naman siya, para siyang walang problema sa buhay. Lagi siyang tumatawa, lagi kaniyang pinagtitripan, may side rin naman siya na mabait at sweet. Madalas nga lang na asarin ka. Pero kung makita mo siyang malulungkot parang hindi ka masasanay. Kasi hindi ba, usually kapag nakilala mo ang isang tao kung ano ang ipinakita niya sa 'yo syempre roon ka masasanay. Sana matanggap niya ang totoo kapag nalaman niya, m pero alam kong mahirap. Wala man akong experience sa ganoon, pero sobrang sakit mawalan kaya ng mahal sa buhay. Kahit nga lang umalis sila at pumunta ng malayo masasaktan ka na. "K-Kawawa naman sila, paano 'pag nalaman 'yon ni Claver? Palagay mo hindi magiging doble 'yung sakit?" He pursed his lips and looked down. "Syempre, masakit 'yon, sobra. Lagi niyang sinasabi sa akin na isusumbong niya kami sa daddy niya kapag inaasar namin siya, patago lang kaming nagkakatinginan at nagse-senyasan. Naaawa na kasi kami sa kaniya. Akala niya buhay pa sina tito at tita. Gusto man namin aminin sa kaniya ang totoo pero wala kami sa lugar para makialam sa problema nila. Nandito lang kami para damayan silang mag-kambal," pag-kuwento niya. Napaupo naman ako sa wood chair at napanguso. "A-Ano bang nangyari?" "Mahabang kwento, pero ito lang 'yung masasabi ko. Ilang taon nang wala ang parents ng mag-kambal. Sila na lang 'yung natira tapos nawala pa 'yung mga yaman nila, saksi kami kung paano napagdaanan lahat ni kuya Clever noon. Hindi siya nag-kukwento kung ano ang nangyari, lately lang namin nalaman na sinadya talagang patayin ang parents niya." Grabe pala ang pinagdaanan nina Killer, hindi ko yata kayang mawala 'yung isa sa mga pamilya ko, kahit na siguro kaaway ko pa 'to. "At ang masakit pa rito, bumili pa si Claver ng isang kwintas para kay baby Clayden," dugtong nya. "Ahm, pinakita niya kasi sa akin, winawagayway niya pa tapos pinaiinggit ako, hindi na lang ako nagsalita." "A-Ah, ang hirap naman 'yon. Sino naman si Clayden?" Baka isa sa mga kapatid nila siguro. "Bunsong kapatid nila, 'yong baby," sagot nya, unti-unting pumasok sa isip ko yung litrato, oo nga sila 'yun! 'Yung kahawig ni killer. Hala? Pati 'yung baby wala na siya? Bigla naman akong nakaramdam ng pag-iinit sa mukha at mata ko. "Oh bakit ka umiiyak?" Pinunasan ko ang mukha ko, totoo nga na mayroong luha. "W-Wala, naiyak lang ako. Abg baby pa kasi masyado para mamatay, hindi ko ma-imagine," nagbuntong hininga naman siya at tinabihan ako. "Kaya nga nung mga panahong bago palang kami magka-kilala nina kuya Clever gusto niya nang magpakamatay, nakaposisyon na nga 'yung lubid at tatalon na lang siya, buti na lang nakita siya ni Kuya Ivo." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon, sobrang lungkot pala ng pinagdaanan ni Killer. Kaya pala ganyan siya kung makatingin, parang hindi mo na gugustuhin pang tumingin. Parang may ibig-sabihin sabihin kasi ang tingin niya. Galit at lungkot ang nangingibabaw. "Ilang buwan din nagiging tulala si kuya Clever no'n. Si Claver naman parang wala lang sa kaniya syempre dahil hindi naman niya alam na wala na 'yung parents nila. Buhay pa sina kuya Paul at baby Clayden no'ng time na 'yon pero hindi nila alam kung saan sila nag-punta, nabalitaan na lang nila na pinatay na raw si baby Clayden at mas mahirap pa nahuli si kuya Paul at pinabugbog kay Arthur Delfin." Lalo akong napanguso sa sinabi niya. Bakit naman nila gagawin 'yun? Bakit dinamay pa nila 'yung baby? Wala naman siyang kasalanan. Ano bang malay ng isang 1-2 years old na baby? Ang tanga nang may gawa n'on. "A-Ang sama naman nila, hindi na sila naawa pati sa baby," malungkot na komento ko at nagbuntong-hininga. Kumuha ako ng isang kahoy at inihagod ko iyon sa hita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD