CHAPTER 19

2242 Words
PHILIP'S POV I LOOKED AT THE time. It's five o'clock in the afternoon. I looked around. Walang tao sa sala. This is my chance, I got dressed quickly. I run to the garage. I took my car and hurried away. I opened my tracking screen to see where Delfin was. "Nice." Nandoon sila sa isang sikat na building. I just don't know where exactly they are headed. It looks like they are still walking, the red light keeps moving. I slowed down the engine of my car when I saw them walking, Delfin is with his son, Hiro. I parked the car, and saw them enter a street. I quickly got out and secretly followed them. They are not far from me, I can still hear them talking. "Dad, sa tingin mo anong sasabihin ni tito?" "I don't know, son, mukhang pag-uusapan natin about Myla's death." Oh, that Myla. "H-Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na 'yung girlfriend ko." Lols. I want to kill Arthur now, thinking about what he did to my mom, my blood is boiling. Pasalamat siya hindi ako gumagawa ng eksena in public. I could no longer understand what the two of them were talking about, the important thing was that they didn't notice me and they couldn't sense that I was following them. I hid in a trashcan and peeked at them. I could see that they were going to enter a tall building, this was SKC. Pag-aari ni Sandoval. A guard came out and he scanned them before they enter. They disappeared from my sight, I ran to the back of this building. I looked up, good thing there was an open window. It's a bit dangerous but it's fine, this is the job of spies. I climbed slowly, the open window wasn't that high until I got there, it was good and the father and son also went there. Shit! I can't hear them here! Mahihirapan ako. Then the force of the wind, nabibingi ako. I went down again and thought of a way. I wandered around the place. May nakita akong isang nagdadala ng pagkain, sakto lalaki siya na may facemask at kulay black ang uniform. Nagpalinga-linga ako at wala namang ibang tao, mabilis ko itong hinatak. Namilog ang mga mata niya pag-baling niyq sa akin. "Teka anong kailang-" Malakas ko siyang sinuntok at nawalan siya ng malay. Dinala ko siya sa isang gilid kung saan walang makakakita, pinalitan ko ang suot ko sa suot niya. Kinuha ko rin ang facemask, pati na rin ang card na dala-dala niya. Baka kailangan 'to sa pagpasok. Mabilis kong kinuha ang pagkain na naka-cart at dumiretso sa loob ng building, iniscan ako ng guard at kinuha ang card na hawak ko. Napangisi ako ng papasukin ako nito. Maswerte talaga at may dumaan na isang delivery man. Sa-sideline muna ako. I looked for the room where Delfin was. I went through each door one by one until I could open where they were. I slowly entered and bowed, because they might recognize my forehead and eyes. If I could just put these foods on their faces I would have done it. Until they can't breathe. Annoyingly, they're both ugly. Inilapag ko na ang mga pagkain. "Good day, sir! Here's your food, enjoy!" It's not fun to do a plastic attitude but it's necessary. I secretly picked up the recording device on top of the cart. I pretended to drop a fork, I quickly knelt and I also quickly stuck a small recording device under the table. "Hay nako, tatanga-tanga." Yumuko ako dahil hindi ko pinakita ang pagkagigil ko sa anak ni Delfin. Sarap niyang tanggalan ng ulo. Mabilis akong umalis doon at bumalik kung saan ako nakatago kanina, sinuot ko ang earpiece na nakakonekta sa voice record. Medyo malapit naman ako kaya aabot pa 'to. Sa una'y boses ni Delfin ang naririnig ko at ang kanyang anak pero bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses. Si Sandoval. Kilalang-kilala ko ang boses niya. I frowned as they talked about Clever. I became even more interested. So, they thought there was nothing left of the Del-Vago family? Doon sila nagkakamali. Malapit na nilang harapin ang natitirang Del-Vago. I also found out about their plans. They will join forces together to increase their power, huh? What the heck?! I suddenly thought, there are only six of us! Can we handle them? I'm worried about tomorrow. Alam naman naming malakas kami, pero walang kasiguraduhin para bukas. I also heard about Leexiya. What?? Will they use Leexiya? No! They can't do that. Leexiya just parted in his plan. I don't think that's right if we let her involved. We won't let them hurt her. Clever will know about this, I want him to know what their plans are and how we will prepare for tomorrow. I made sure to save everything they said first. I'm still thinking about our situation tomorrow, what about Leexiya if we're so busy fighting? It's hard, they are now targeting Leexiya. I won't let that happen. Kinabukasan... LEEXIYA'S POV Sobrang sama ng loob ko ngayon. Inaamin ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa, nakikita ko ngayon ang mukha ko sa salamin, eh. 5:36 p.m na, at hindi pa ako naghahanda para mamaya. Habilin niya kaninang umaga na dapat maayos na ako bago mag alas-sais. Ayoko nga kasing pumunta roon sa party. Naiinis ako! Sana lang talaga madapa siya kung nasaan man siya ngayon! Nakakagigil. Napatingin ako sa tabi ng pintuan kung nasaan 'yung malaking mannequin, kitang-kita ko ang tingkad ng gown. Ito ba talaga yung susuotin ko? Ang ganda. Inaamin ko gusto ko talaga 'yang suotin. Sayang naman kung d'yan lang 'yan. Bahala na. Nagbuntong hininga ako hinarap ulit ang salamin. Marunong naman akong mag make-up, tinuruan kasi ako ni Keshly Melissa, 'yong bestfriend ko simula elementary. Make-up artist kasi siya, balita ko next next month pupunta na siyang ibang bansa para do'n siya maka-build ng sarili niyang parlor. Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Miss na miss ko na siya. Magfu-four weeks na akong nandito. Sa one week na 'yon medyo hindi ko naman sila nakakausap. Si Claver lang talaga 'yung nangungulit sa akin kaya nasanay na rin siguro ako sa kanya, minsan hinahayaan ko nalang. Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang sarili ko sa salamin. OMO! is that me? I'm so beautiful! Jusko, ang swerte ko sa mukha ko! Ang gwapo kasi ni papa eh, kaya nagmana ko sa kaniya. Maganda rin naman si mama. Nakangiti kong inayos ang mga ginamit ko sa make-up. Naglakad ako papunta sa gown. May napansin naman akong envelope sa table. Ang ganda ng design, sa palagay ko invitation card 'to. Mabuksan nga. Prince Clever and Leexiya Celebrating their engagement party April 16-7:00 p.m on Del-Vago's Blue House Venue. We are inviting you to join and to give a wish on our best couple for Tuesday night. Napangiwi ako sa nakasulat. Best couple? Pwe! Walang magiging best sa couple kung si Killer lang ang ipapartner sa akin, malaking sumpa 'yon for me! Napatingin naman ako sa isang box na nakapatong sa table. Kulay purple rin 'yung box, maliit lang siya. May nakita din akong note sa ibaba ng box. Wear that ring. Napanguso ako at nanlalaki ang butas ng ilong. Kailangan pa talaga may singsing? Ang daming alam ni Killer. Binuksan ko naman ang box, napatakip ako ng bibig. OMO! Diamond ring! Ang alam ko madalang na madalang lang 'yung ganito sa Pilipinas, sobrang kintab pa. Hala! Totoo ba 'to? Sana sa akin na lang! Pambabae naman kasi, hindi puwede kay Killer 'to. Dapat 'yung singsing niya 'yong alambre. Dahan-dahan kong isinuot yung singsing sa daliri ko at itinaas 'yun sa may tapat ng bintana. OMG! ang ganda talaga! Bagay na bagay sa daliri ko. "So pretttyy!" Teka, bakit ang saya ko naman yata? e bigay 'to ni Killer! psh, pero maganda naman 'yung singsing, kahit papaano nabawasan ng 1% 'yong pagkainis ko sa kaniya. Naalala ko bigla sina mama, bukas pwede ko na silang puntahan. Kaya lang mukhang sasama sa akin ang demonyo. Pwede naman 'yung mga kaibigan niya 'yung sumama, bakit siya pa? Hindi ba siya nakakahalatang naiirita ako sa mukha niya? Ano kayang sasabihin ko kina mama kapag nakita nila si Killer? Sasabihin ko ba na engaged kami? Sasabihin ko ba na partner ko siya? No! No! Sasabihin ko na lang na butler ko siya, tama-tama. Mukha naman kasi siyang utusan. Pero baka lalong magalit si mama sa akin, natatakot pa naman ako sa kanya kapag nagagalit siya. Minsan kasi napagsasalitaan niya ako ng masakit, pero kahit ganun naman love na love ko pa rin silang tatlo. Sina ate, tito at lalo na si mama. Mamaya na lang siguro ako magbibihis. Lumabas muna ako sa kwarto. Bakita ko si Nathan na parang may kinakalikot sa harapan niya. Malapit lang kasi 'yung hagdan sa mga sofa at table. Kahit nakatalikod siya, kilala ko kung sino. May tattoo kasi siya na dragon sa batok niya. Nabigla ako nang makita kong baril ang hawak niya. Bakit siya may baril?! Aanhin niya 'yon? Sino babarilin niya? Lumapit pa ako ng bahagya, at hindi lang baril! May kasama pang malalaking patalim! "Ano yan?!" Mukhang nagulat naman siya nang magsalita ako. "Wow!!! Ang pretty naman ng girl na 'yan kahit nakatalikod!" Lumingon ako sa likuran nang marinig ko ang boses ni Claver. Bakit ang hot yata niya? Naka sando siya, litaw na litaw 'yung maputi niyang balat. Yung mga muscles niya, ang la-laki. Sumasabay pa 'yung berde n'yang mata. "Binu-bola mo na naman ako 'no?!" Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa hips ko. "Bakit naman kita bo-bolahin? Nagsasabi ako ng totoo!" Ngumuso siya habang palapit sa akin. Napairap ako sa kanya. Araw-araw ganito niya akong kulitin, napapapayag niya akong makipaglaro sa kanya sa pamamagitan ng pambobola niya sa akin. Ako naman 'tong uto-uto go lang ng go, ang ganda ko raw eh. "Alam mo, Li..." Muntikan akong mapatalon dahil sa paglapit niya at pag-akbay niya sa akin. "Huy!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya. "Ano ba! 'Yung kili-kili mo dumidikit na sa mukha ko!" Buti na lang talaga walang amoy, kung mayroon baka nahimatay na ako rito. "Aysus! Ang liit mo kasi, eh, hanggang kili-kili lang kita, wahahahaha!" kinurot ko ang tagiliran nya. "Pwede ba, tigilan mo ako?!" "Pshh!! 'Wag kangang masungit! Mas maganda ka kapag nakangiti o tumatawa," sabi niya at ngumiti ng napakalapad. Nginiwian ko siya at akmang babatukan pero agad siyang umiwas. "Bakit? Nakita mo na ba akong ngumiti o tumawa sa harap mo?! Kahit sino makakita sa mukha mo talagang mapapabusangot eh!" Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Grabe ka sa akin! Ang guwapo-guwapo ko nga eh. Hindi mo ba alam na pinag-aagawan ako ng mga kababaihan ha?! Baka nga may crush ka sa akin hindi mo lang maamin!" Ngumisi siya, tiningnan ko naman siya na may pandidiri. "Lakas ng tama mo e 'no? 'Yong pangarap mo kasing taas na ng Statue of Liberty! Hindi ka naman kasi guwapo! At saka ako? Crush ka? Asa! Mas mabuti pang i-crush ko na lang 'yung aso kaysa sa 'yo eh!" Bigla naman niyang hinawakan ang dibdib niya na para bang nasaktan sa sinabi ko, inirapan ko lang siya. "S-Sobra ka na talaga, Lili!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Lili?" "Oo! Lili! Lili-pad, kasi ang lapad ng bunganga mo kung ano-ano 'yong mga lumalabas diyan! You're hurting my feelings!" Nagkunwari pa siyang nagwalling. Bakla ba talaga 'to? Ang sagwa, promise! "Ang corny mo ano? Baliw ka na talaga." "Baliw na baliw sa 'yo, Lili, yiee," bigla naman niyang pinagdikit ang dalawa niyang palad at ngumiti ng malapad. Napatampal ako sa noo ko. "Buwesit ka talaga! Sinisira mo araw ko!" irita kong singhal sa kaniya, at ang bwesit naman tumawa lang, masayang-masaya pa talaga siya sa pang-aasar sa akin! Hinarap ko ulit si Nathan at kita kong wala na siyang baril sa harapan niya. Napansin ko namang nakatitig siya sa mukha ko at nakanganga. "Ang ganda mo!!" I know, right. Charot. "Oh, hindi ba? Ang ganda ni Lili girl wahahahaha!" Sinamaan ko naman ng tingin si Claver. "Nako! matutulala niyan si bossing sayo, pustahan tayo Claver oh!" Yun? Matutulala? Asa! Baka nga irapan o kaya samaan lang ako ng tingin ng isang 'yun! Okaya bigla niya akong sampalin o sabunutan! Baliw 'yon e, ang sama ng ugali. "Ano 'to? Wowwww!!" Bigla namang hinablot ni Claver ang kamay ko kung nasaan 'yung singsing. "Aba, real fiancé na ba this, Nathan?" "Baka may namumuo ng kakaiba, Clave, nako! Inuman na!" Inis kong hinablot ang kamay ko, "Tumigil nga kayong dalawa! Alam niyo bagay na bagay talaga kayong magsama e 'no? Pareho kayong nakakainis!" Hindi na sila nagsalita at tumawa lang. Kumuha ako ng unan sa sofa at pinagbabato sila. "Hahahaha! Si Lili pikon, pikon!" May narinig naman akong tunog ng mga kotse, mukhang nandito na sila ah. Nandito na 'yung kinaiinisan kong tao sa balat ng lupa. Makikita ko na naman ang mukha niya. Kung sabagay kanina ko pa nakikita ang mukha niya kay Claver. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla akong hilain ni Clave. Inis kong inagaw ang kamay ko. "Ano ba?!" Singhal ko sa kanya pero tumawa lang siya. Hinablot niya ulit ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong yakapin, hindi lang basta yakap! Sobrang higpit pa. Oo at halos hindi ako makahinga! Anong trip nito?! Nakashabu ba sya!? Baka nakakalimutan niyang nandito si Nathan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD