CHAPTER 35

2337 Words
NATHAN'S POV TUMAKBO AKO NANG sobrang bilis nang makarating ako sa bahay. Nadatnan ko naman silang naglalaro ng baraha kasama si Leexiya ganda. Mga sugarol! Gusto kong sumali kaya lang may ibabalita ako na maganda kay bossing. Pass muna sa ganiyan. "Uy! Nathan sali ka na tig-sampong piso 'yung taya sa gitna!" aya sa akin ni Leexiya. "Oo mamaya, may gagawin lang ako saglit. Ba-bye!" Nagmamadali akong tumakbo papuntang hagdan, nasa kalagitnaan ako nang pagtakbo ko nang hindi ko mapansing may tubig pala sa naapakan ko kaya naramdaman kong na out of balance ako at hindi na naabot ng kamay ko ang hagdanan. "Aray!" Ramdam ko ang pag yanig ng buong katawan ko at pag-ikot ng paningin ko dahil sa pag-gulong gulong dito sa hagdan. Mas lalo akong nakaramdam ng sakit nang biglang tumunog ang mga buto ko at biglang napa-tumbling Naramdaman kong lumapat ang buo kong katawan sa sahig at pati na rin ang bibig ko. "Pwe! Pwe! Bwesit!! Malas!" Pinipilit kong tumayo pero pakiramdam ko namanhid ang mga tuhod ko, hindi ako makatayo ng maayos. "Hala?! Bakit ka nakahiga riyan? Hindi mo na ba kaya 'yung antok mo?" Bungad ni Prince Claver sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi! Trip ko lang dumapa," napanguso ako dahil nahihirapan akong tumayo ngayon. Argh!! Sa kakamadali kasi ito 'yung napala ko, bawas sa kaguwapuhan. Lumapit sa akin si Claver, "Tulungan na kita," itinayo naman niya ako at napa-akbay ako sa kaniya, ipinagpag naman niya ang pwetan ko at nakaramdam ako ng kiliti. "Hoy, manyak ka!" "Ang kapal mo! sa guwapo kong 'to manyak ako?! Bahala ka riyan! Tumayo ka mag-isa mo!" Bigla naman niya akong binitawan kaya napasalampak na naman ako sa sahig. "Aray! Bossing! Ivo! Help!!" Sakto naman nakita ko si bossing pababa, ang lamig ng awra niya. "What the hell is happening here, Salcedo?" Aba ang formal ni Bossing, ah! Nakadagdag ng pagiging cool niya sa lagay na yan, pero nahihirapan na ako sa lagay ko. "Pakitayo mo nga ako bossing! 'Yung kakambal mo kase e binitawan ako, lalo na akong hindi makatayo." "Inuutusan mo ba ako?!" Ays!! Jusko! Mamamatay na ako rito makikipagtalo pa yata ako sa kaniya. "S-Sige na bossing, p-patulong na." "Hala? Anong nangyari sa 'yo, Nathan? Hoy! Sinaktan mo ba siya?!" Bungad naman ni Leexiya ganda at dinuro-duro pa si bossing. Nako po! Lagot na. Alam ko na kung saan 'to patungo. "What!? Hoy 'wag mo 'kong idamay sa nangyaring katangahan ng isang 'yan baka pag-umpugin ko 'yang ulo niyong dalawa," duro rin na sabi ni bossing, pero nag-crossed arms lang si Leexiya. Ano ba?! Tutulungan ba nila ako o hindi? Sobrang sakit na ng likod ko! Hindi ba nila ako nakikita?! Ano, hangin ako, ganoon? "Eh, kung hindi mo siya tinulak bakit hindi mo man lang siya tinutulungan, ha?! Heartlesss ka talaga!" "What?! Heartless?! Iniinis mo na naman ba ako babae ha? Gusto mo na naman ba ng away sa pagitan natin? Kaka-ayos lang natin sisimulan mo na naman!" "Oh, eh, ano ngayon?!" "Talagang sinusubukan mo ako?!" "Oo---" "ANO BA!!!" Halos mawalan na ako ng boses sa sigaw ko, hinarap naman nila ako ng masama ang tingin, aba kasalanan ko pa?!! "MASAKIT NA 'YUNG LIKOD KO PLEASE PATULONG!" Parehas naman silang lumapit sa akin at ang sama ng tingin nila sa isa't isa. "Aray!" Takte!! Kung makahawak sila parang bakal ang katawan ko, ha?! Ramdam ko rin ang pagtunog ng mga buto ko sa sobrang sakit ng paghawak nila sa akin. "Alis nga riyan! Ako na lang mag-isa! Kayo 'yung pipilay sa akin, eh! Ituloy niyo na 'yung awayan niyo!" "Fine!" "Oh, edi ikaw na lang!!" Sa ikalawang beses, binitawan nila ako at napasalampak ulit sa sahig, "Aray ko!" parehas naman nila akong iniwan dito. Juskooo!! Ayoko na talagaa! Pinilit kong tumayo at humawak na lang sa pader, hirap na hirap na maglakad ang guwapo kong mga paa, wala man lang ni isang tumulong sa akin! Naiiyak ako! Hindi na ba nila ako tinuturing na kaibigan? Ka snob-snob ba ako? Kahate-hate ba ako? Bakit?! Ayoko na magpapakamatay na lang ako! Paika-ika akong lumabas papuntang terrace, sakto naman at nandoon si bossing na may kinakalikot sa laptop niya, "B-Bossing!" Lumingon naman siya sa akin. "Oh? Are you okay now?" "Hindi! Matapos niyo kong bitawan r'on tapos tatanungin mo ako?!" Naupo ako sa tapat niya. Ito talagang si Bossing puro business minded. Walang panahon sa lovelife. "Tss." "May ibabalita ako sa 'yo," sambit ko. Ngumisi ako sa kaniya, siya naman ay nagtaas ng kilay nang hindi ako binabalingan ng tingin. "It's all about Sandoval." Napatingin naman siya sa akin, nakita ko naman kung paano niya iyukom ang kamao niya. Alam kong naiinis siya kasi nakatakas si Sandoval noong laban namin. Masuwerte nga siya noon, pero bigla naman siyang minalas ngayon. "Pinatalsik siya sa UOK, tinanggalan na rin siya ng mga tauhan at kapit sa hari, hindi ba ito na 'yung chance para pabagsakin siya ng tuluyan? Mukhang naghihirap na rin siya." Nag-iba naman siya ng postura sa pag-upo at tumingin naman sa ibang direksyon. "Really? How pathetic he is. I'll let him get stronger before I finally kill him. I don't fight with people who have no strength and special things unless they are hungry to fight with then I will kill them easily. I'll follow him to Delfin too, just wait Sandoval, just f*****g wait," galit niyang sabi. Kilala ko si Bossing, mahilig siya makipaglaro sa kalaban niya, marunong din siyang dumiskarte kung ano ang dapat gawin at hindi siya marumi makipaglaban. Kaya nga lagi siyang nananalo. "I received a message from Velasquez, he's challenging me." Dugtong niya. "Huh? For what?" Ayan tuloy napapa-english na ako kay Bossing! "He just wants to test his new members, we will fight one by one in the arena, no weapons." Magandang laban 'yun, ah! Madudurog lang minsan sa kamao ni Bossing 'yung mga 'yun! Mga walang binatbat, pwe! At saka proud ako kasi ako ang nagturo ng mano-manong laban sa kaniya. Sa lahat ng tinuro ko at training namin ni isa wala siyang palpak at hindi ako nahirapang nagturo sa kaniya. Isang instruct lang at alam na niya ang gagawin. "Tatanggapin mo ba? Sasama kami kung sakali mang mandaya sila," baliw pa naman 'yung mga taga-UOK tulad ng dati nilang Leader, si Reyco'ng ulul. "Oh well, Velasquez is not like that, he never cheated on the game that he started, when he said that's all that will happen. I will accept his challenge, I also want to meet his proud new member, as if that they can beat me," ngisi niyang sabi. Nginisian ko rin siya, parang excited akong manood sa laban, ah. "I want you to know the real identity of Alfonso. Some of his information are fake, he's good at that part. I just found out suddenly, since his son died." "Okay, Bossing, hintayin mo na lang bukas, pero paanong namatay 'yung anak niya? Sino roon?" "Gino, I killed him. The eldest of his children. Next time it's the other one, I'll let them bond first." "Ah, natira ba 'yung bunso? Hindi ba bata pa lang 'yun?" "Hell yeah, I don't care." Ibinaling na niya ang atensyon niya sa ginagawa niya. Nagbuntong-hininga ako at umayos ng umupo, napatingin ako sa paligid. May gusto lang akong i-kuwento kung bakit nasama ako kina Bossing at kung bakit nagpursigi pa akong magpakatatag at magpakalakas kasabay nila. Nagpalakas ako hindi dahil sa namatayan ako ng magulang o mga kapatid. Napag-alaman ko na ginahasa at pinatay ang girlfriend ko, hindi ko alam kung sino ang may gawa. Limang ko nang hinahanap ang suspect pero hindi ko pa rin siya mahanap-hanap. Minsan gusto ko na lang maiyak dahil wala man lang akong magawa. Hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng girlfriend ko. Miss na miss ko na siya, hindi ko man lang siya nabigyan ng isang regalo na gustong-gusto niya, ang isang kwintas na may pangalang GiNath ang gusto niya kasi magkasama ang mga pangalan namin. Pero malakas ang kutob ko na nasa paligid lang ang gago'ng 'yon. Naniniwala naman ako sa walang lihim na hindi nabubunyag, lalabas at lalabas din 'yon. VELASQUEZ'S POV "All you can do is to prepare, hindi basta-basta si Del-Vago pagdating sa loob ng arena, para siyang isang asong lobo. Bilib ako sa batang 'yon, manang-mana sa tatay niya," wika ko sa aking mga tauhan na ngayo'y nasa aking harapan. Sa ngayon, sa nakikita ko ay tuluyan na nga talagang bumabagsak ang pinaghaharian ko at kagagawan 'yon nina Arthur at Jerico. Balak ko pa sanang ipapaslang si Jerico ngunit naisip ko naging mabuti rin siyang kanang kamay sa akin kaya mas minabuti kong patalsikin na lang siya rito. "King," tawag pansin sa akin nitong bago kong kanang kamay. Nginitian ko siya, sigurado ako sa isang 'to. Siya si Damon. Matagal na siyang parte nitong UOK, siya ang napili ko kapalit ni Arthur. "Sigurado ka bang wala tayong gagawin kay Del-Vago kapag pumunta siya dito?" Tanong nito, umiling naman ako. "Hindi tayo puwedeng gumawa ng aksyon sa paraang pandaraya, matalino si Del-Vago, kung tutuusin kaya na niya akong pabagsakin ngayon pero hindi niya ginagawa dahil ayaw niyang mauna sa paglusob. Matinik siyang tao. Kilala ko ang ugali niya, kapag nauna kang gumawa ng isang aksyon laban sa kaniya, ibabalik niya 'yon sa 'yo, at sa huli ikaw lang ang talo." Pero kailangan ko pa ring alamin kung ano ang kahinaan niya. Sa lahat ng nakalaban ko, siya ang pinakamalakas. Hindi rin ako makapaniwala, sa tanda ko na 'to, masasabi kong mas malakas pa siya sa akin. "Wala ba kayong balita kay Sarmiento?" Si Sarmiento ay isa ko ring kalaban na nais agawin ang aking trono, balita ko ay nasa ibang bansa siya at binantaan niya pa ako na kapag bumalik siya ay susugurin niya ang teritoryo ko. Alam ko rin na nagpapayaman siya sa ibang bansa para magkaroon ng lakas kung pera man ang labanan. "Wala pa po king, ito nga po pala 'yung list ng mga pangalan ng grupo ng mga kalaban natin, may nadagdagang isa. Base sa impormasyon napakadami nila at pinamumunuhan sila nina Ivo Lim, Nathan Salcedo, Rudy Agoncilio, Joshua Gonzales at Philip Mariano." Base sa sinabi niyang impormasyon ay pinamumunuhan ni Del-Vago iyon, kilala ko ang kaniyang mga kasamahan lalo na 'yung lima niyang kasa-kasama na palagay ko ay hindi rin mautukan. "Hindi ako makapaniwala, nagkaroon siya ng maraming tauhan, kailangan talaga nating maghanda. Ito lang 'yung masasabi ko sa inyo, 'wag na 'wag kayong gagaya kina Delfin at Sandoval na hindi gumamit ng utak, naiintindihan niyo? Kung mahal niyo talaga 'tong UOK pag-isipan niyo muna ang mga ikikilos ninyo," sambit ko sa kanila, lahat naman sila ay nagsi-yukuan sa akin. "King," rinig kong tawag ng isa ko pang kanang kamay. "Renie Alfonso, kumusta ka?" Kita ko naman ang lungkot at galit sa mukha niya, hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya, tiyak na hihingi siya sa akin ng tulong. Siya ang napili ko dahil nagmakaawa siya sa akin, pinatunayan naman din niyang may kaya siya sa pakikipag-laban at magaling din siya sa pag-iisip ng iba't ibang bagay tulad ng paggawa ng mga plano. Dati ko lang siyang tagalinis dito, pero hindi na 'yun mahalaga, mas mahalaga sa akin ngayon ay kung paano nila maipapakita ang lakas nila. "Pinatay ni Clever Del-Vago ang anak ko! Tulungan niyo po ako para makaganti sa kaniya," mangiyak-ngiyak nitong sabi, sinenyasan ko siya gamit ng aking kamay. Hindi ko kailangang pakialaman ang sarili niyang problema, hindi ko kailangang sirain 'yung mga planong gagawin ko para lang sa paghihiganti niya. "Pupunta si Del-Vago dito para kalabanin kayong tatlo gamit ang inyong mga kamay, hindi ko hahayaang magkaroon ng pandaraya sa arena. Kapag nangyari 'yon kayong lahat ay mananagot sa akin. Sana nagkaintindihan tayo roon, Alfonso." Nakita ko naman nagyukom ang kamao niya kaya sinamaan ko ito ng tingin. "'Wag mo akong kakalabanin Renie, baka nakakalimutan mo kung sino ako. Baka gusto mong bumalik ulit sa dati mong trabaho." "Pasensya na po kayo, King, masakit lang talaga sa akin ang nangyari," nagbuntong-hininga siya. "Kailan ho ba ang Finale na labanan gamit ang mga armas sa loob ng main arena ng nga Mafias at Gangsters?" Tanong naman ni Miller na leader ng mga magagaling sa espada. "Matapos nitong ensayo ninyo, iisa lang ang kalaban niyo walang iba kundi si Del-Vago at ang mga kasamahan niya. Hindi ko rin alam kung may dadagdag pa, nitong mga nakaraang araw, tahimik ang iba nating mga kalaban, tanging si Del-Vago lang talaga ang madalas nating nakakaharap," paliwanag ko. Napansin ko naman ang pag-ngisi ni Alfonso. "Pwes, itatapat ko si Asher sa kanya," sambit nito. Asher? 'Yun ba 'yung bata na anak niya? Bakit niya ipangtatapat? baka gusto na niyang mamatay ang anak niya. "Masyado pang bata si Asher sa ganyang bagay, hasahain mo muna siya hanggang sa magbinata na siya." "King, papatunayan ko po sa inyo ang galing niya, alam kong kaya niya si Del-Vago, sina Sandoval nga nakuha niyang talunin bagkos ang tatanda ng mga 'yon at ang tagal na nila sa Organization." Tama nga ang sinabi nya, wala naman pala sa edad ang pakikipaglaban. "Paano kung mapahamak ang anak mo?" "Hindi po siya mapapahamak, King, malaki tiwala ko sa anak ko," sagot naman nito ng hindi mawala ang ngisi. "Renie, siguraduhin mo lahat ng desisyon mo, hindi ba't nawalan ka na ng isang anak? Papayag ka pa bang pati 'yung bunso mo mawawala?" Sa palagay ko, wala siya sa tamang pag-iisip, para lang makapaghiganti, gagamitin niya pa ang anak niya. "Tulad nga ho ng sabi ko, King, malaki ang tiwala ko kay Asher. Makikita niyo lang ho siya na maliit ang katawan pero ang lakas niya, base din sa pinapaensayo ko sa kaniya wala siyang nagiging sablay, hanga ako sa kaniya," sabi nito. Wala na akong maisagot pa, bahala siya kung ano ang magiging desisyon niya, hindi naman ako 'yung magsisisi. Masyado siyang masaya sa magiging laban nila ni Del-Vago, masyado siyang mayabang sa lagay niya, akala siguro ng isang 'to matatalo niya nang basta-basta si Del Vago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD