CHAPTER 33

2424 Words
"OH, PROBLEMA NIYO? Bawal ko siyang kausapin?" Nakapameywang na sabi ni mama at umirap kina ate, hinarap niya ulit si Killer. "Kaano-ano ka ng anak ko, ha?! Kaya mo ba siyang palamunin? Matigas ulo niyan! Tapos tamad pa walang alam sa pagluluto!" Napayuko naman ako. Nakaramdam tuloy ako ng pag-iinit sa mukha, nakakaramdam ako ng hiya. "Mariel!" Pagbabawal ni tito sa kaniya pero parang wala siyang narinig. "Oh! Sumagot ka! kinakausap kita! Bingi ka ba?!" Napahawak ako sa kamay ni mama. "Mama..." Inagaw naman niya ang kamay niya sa akin at saka ako inirapan. "I'm her husband po, tita," namilog ang mga mata ko sa sinabi niya, sinikuan ko siya nang patago. Naku! Hindi niya kilala si mama, lalong magagalit 'yon! "Ano?!" "S-Sorry if we didn't say about this to you po, tita, w-we just have many reasons that we can't tell you po, h-hope you understand," yumuko naman si Killer. Pansin ko, ang galang niya, ah. Po nang po. Cute. Bigla naman akong binalingan ni mama na ikinagulat ko, "Ikaw babae?! Dahil sa pagkawala mo nag-aaway kami lagi ng tito mo tapos nag-asawa ka nang hindi mo sinasabi?! Bigla ka na lang nawala?! Ano, wala kang pamilya rito ganun?! Ha?!" Napayuko ako. "Sorry po, mama." "Mariel, tama na," pagpipigil ni tito sa kaniya, umirap lang si mama. "Eh, kuya ikaw nasa sitwasyon ko bilang nanay, matutuwa ka ba na biglang umalis ang anak mo tapos magpapakita sa akin may asawa na?! Nang hindi man lang namalahe?! Nang hindi man lang nagsabi?! Nakakatuwa, ha?" Napakagat ako ng labi ko, bahagya akong napatingin kay Killer. Nakaiwas pa rin ang tingin niya kay mama, pero hindi mo naman nababakas na natatakot o naiinis siya. "Mariel, hinaan mo ang boses mo, tinatakot mo mga bata, e." Hinawakan ni tito si mama para ilayo siya samin. "At ikaw! Asawa ka ng anak ko, eh, bakit tita ang tawag mo sa akin?! Ayaw mo ba akong maging biyenan?! Hindi ko ba deserve na tawagin akong mama?!" Akmang susugod si mama kay Killer nang mabilis akong pumunta sa harap niya. "Mama!!" "Sorry po, Ma," mahinanong sabi ni Killer at nagkamot-batok pa, teka bakit ang cute niya?? Mukhang kumalma naman si mama, inayos niya ang postura niya at bigla siyang ngumiti. "Ayan! Ganyan! Kailangan pa talagang pagrarat-ratin kayo, ano?" Bigla siyang lumayo sa amin. "Oh, magsiupo na kayo, kukuha ko kayo ng miryenda, hoy! Yan-yan samahan mo ako rito 'wag kang maharot sa asawa ng kapatid mo!" "Grabe naman si mama ang galing mag-realtalk!" Sagot ni ate kaya hinatak naman na siya ni mama, natawa naman ako sa kanilang dalawa. Ang kukulit! "Anak," tawag ni tito kaya hinarap ko siya. Sinakop ng dalawa niyang buong braso ang katawan ko at ramdam kong idinikit niya ang baba niya sa balikat ko. Napayakap ako ng pabalik sa kaniya. "Miss na miss ka namin," bumitaw naman siya sa yakap, nginitian ko siya. Bigla naman niyang binalingan ang katabi ko. "Iho," tawag niya rin kay Killer kaya tumingin din siya kay tito. "Po, pa?" papa?! tinawag niyang papa si tito? Ngumiti naman si tito na tila gusto niya 'yung tinawag ni Killer sa kaniya, "Ingatan mo 'yung Sha-sha namin, ha? Ipagkakatiwala namin siya sa 'yo, kung may hindi kayo sana pagkakaunawaang dalawa 'wag mo siyang pagbubuhatan ng kamay, ha? pwede mo siyang ibalik sa amin." Napaiwas ng tingin si killer sa kaniya. Mukhang na-guilty. Agad din niyang ibinalik ang tingin niya kay tito at ngumiti ng bahagya, tumango rin siya. "Yes po." Tumingin naman siya sa akin. Bakas sa mata niya na humihingi siya ng tawad. Kung alam niyo lang po pinagbuhatan na niya ako ng kamay, marami ng beses, pero alam ko naman na labas 'yun sa usapan namin ngayon. Isa lang naman 'yung tanging naiisip ko na nangyayari ngayon, ang pagsisinungaling naming dalawa. "Salamat anak," ngumiti sila sa isa't isa. Dumating naman sina ate, inihapag naman nila ang pagkain. "'Yung cellphone mo sissy nandoon sa kabinet! Naiwan mo, hindi ka namin ma-contact," sabi ni ate kaya tinanguan ko lang siya. "Kukunin ko mamaya." "Edi rito ka na matutulog??" Tumango ako bilang sagot. "Oh, anong balak niyo niyan? Buti ngayon lang kayo nagpakita sa akin ha?" Si mama habang nagsasalin ng juice sa baso. "K-Kasi po mama..." Wahhh anong idadahilan ko?! Wala akong maisip! "We actually do the marriage in other country, mas maganda po roon at mas malinis na lugar," biglang sagot ni Killer kaya nakahinga ako ng maluwag, woah! Saved by Prince Clever talaga. "Ano?! Sa ibang bansa??" Si ate. "Eh bakit hindi niyo kami sinama??" "Sayang, gusto ko pa naman sumakay sa eroplano," sabi ni tito, napanguso ako. "Sorry po, ma, pa," sagot na lang ni killer kaya nagbuntong-hininga si mama. "Oo na! Tinatanggap ko na 'yung pagiging mag-asawa niyo basta pasyal kayo minsan! Pasalamat ka Sha-sha cute 'yang asawa mo, eh, pero kuya ko siya. Si kuya Marvin, pero okay lang naman kahit i-papa mo siya, wala rin namang tatay 'yung mga 'to." Kagat-labing tumango si killer sa kanila. "Babaero kasi amputa." "Pfft...mama naman!" "Mura ka nang mura, nandito yung asawa ng anak mo," sermon ni tito habang umiiling. Pansin ko si mama para siyang pumayat, na-stress yata sa kakahanap sa akin. Matapos ng ilang oras, kwentuhan lang ang nagawa namin. Kung paano 'yung pamumuhay ko kay Killer, paano kami nagkakilala at kung saan daw kami ngayon nakatira. As usual, syempre si Killer ang sumasagot, wala kasi akong masagot, hirap kaya magsinungaling. Napatingin naman kami kay Killer nang bigla siyang tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya, ngumiti muna siya. Humarap siya kina mama. "Maiiwan ko ho muna saglit 'yung asawa ko sa inyo, pupunta lang ho ako sa Columbarium in Memorial Park para dalawan ang parents ko," pagpapaalam niya. Kita ko naman ang paglungkot nila sa mata. "C-Condolence iho." "Our Condolences, brother." Tumango naman si Killer, yumuko muna siya bago siya tuluyang lumabas. Nakatingin lang ako sa kanya, parang malungkot yata siya. "Oh, sundan mo siya, balik na lang kayo mamaya," sabi ni tito. "A-Ahh." "Samahan mo asawa mo, kawawa naman kung mag-isa lang siya sa Sementeryo," tumango ako kay mama. Lumapit muna ako sa kanilang tatlo at niyakap sila. "Namiss ko po kayo!" Abot tainga ang ngiti ko habang hinihigpitan ang pagyakap sa kanila. "Kami rin, sissy!" "Sundan ko muna siya ah," tumango naman sila at tumakbo ako para mahabol si Killer, sakto pasakay siya sa kotse. "Clever!" Tawag ko sa kaniya at humarap naman sya. Tinaas naman niya ang dalawa niyang kilay. "Sama mo ako," nakangiti kong sabi, tumango siya kaya sumakay na ako sa kotse. Ilang minuto kaming tahimik dito sa kotse nang bigla niyang basagin. "Y-You know...it's good for you to have someone to whine to, someone to shout at, someone to scold you. It's my dream, I hope so, that I also have a mother who will preach to me about my antics. Someone will control me. Most importantly, someone will hug me and make me feel real love when it comes to family. Do you know that after seven years, I just called someone 'Mama' and I'm very happy about that. I missed that, I missed my parents." Napatingin ako sa kaniya, nalulungkot siya, mababakas mo talagang ulilang ulila siya. Wala akong masabi, wala akong magandang maisasagot sa kaniya. Isang bagay lang ang magagawa ko, ang hawakan ang kamay niya. "A-Alam mo, normal lang naman 'yung mainggit sa ganyan, lalo na kapag naiisip mong wala ka n'on, pero bakit ka ba maiinggit kung alam mo namang may natitira pa sayo? Nandiyan si Claver, 'yung kakambal mo." Base sa kwento ni Joshua nung isang araw, sila na lang dalawa 'yung natitira. Sobrang nakakalungkot, 'yung tipong maiisip mo pa lang sa isang tao na wala siyang pamilyang makakasama, kahit ako mararamdaman ko ang pighati ng isang naiwanan. "B-But I'm talking about parents." "K-Kung nasaan man sila ngayon, alam kong iniingatan nila kayong dalawa," nginitian ko siya, bigla ko namang naisip si Claver. "Paano nga pala si Clave?" tanong ko sa kaniya, kawawa naman kasi 'yung kakambal niya. "Hindi niya alam na wala na yung parents niyo." "How did you know about that?" Bigla naman nanlaki ang mata ko nang marealize ko na 'wag ko daw sasabihin, nako! lagot kami ni Josh nito. Aamin na ba ako? Wala naman sigurong masama! Baka sagutin niya pa ang ilan kong mga tanong, pero baka magtanong siya kung sino 'yung nagsabi? Naku, ayokong ipahamak si Joshua. "S-Sorry, medyo na-curious ako kaya nagtanong ako sa kanika." "Tsk, damn your curiosity, alam mo 'yan yung ikakamatay mo, ano? oh maybe, chismosa kalang talaga," luh, grabe naman 'to, at saka si Joshua naman kaya una nagkwento! "Hehe, surii! Pero sagutin mo 'yung tanong ko, papaano na 'yung kakambal mo?" Sa nakikita ko parang gusto na nilang sabihin 'yung totoo sa kaniya, sa isang buwan naming pagsasama sa iisang bahay parang nakikilala ko na ang mga ugali nila, masasabi ko naman na ang babait nila, though minsan ay sinusungitan nila ako pero nangingibabaw pa rin 'yung bonding namin sa bahay kapag wala si Killer. KJ po kasi siya, pangit niya ka-bonding kasi masyadong seryoso tapos ayaw niya pa sa maingay. Takpan na lang kaya niya 'yung tainga niya ano? "I don't know what exactly time that I will tell the truth to him, I'm afraid that he might get angry with me and I'm more afraid that he might experience worse than me," sabi niya na may lungkot ang tono. Nagbuntong-hininga siya at ganoon din ako. Dahan-dahan ko naman inabot ang kaniyang braso at hinawakan ito. "M-Magiging maayos din ang lahat." Nakarating kami sa Columbarium. Napakalaki ang silungan at mayroon pang nakasulat sa taas na DEL-VAGO FAMILY, kulay cream ang tiles, puno din ng iba't ibang flowers na mukhang plastic. Nakakamangha! Lumapit naman ako at tiningnan sila isa-isa. Bawat puntod may mga urn na mukhang ashes 'yung laman, every lapida sa taas ng Niche ay mayroong picture, mayroon din sa wall na malaking picture ng pamilya nila, kasama 'yung magkambal. "Ito ba 'yung parents mo?" Turo ko sa magkasamang urn sa isang Niche. Tumango naman siya. Ang ganda at ang guwapo nila! Hindi na nakapagtataka kung bakit nabinyayaan ng kaguwapuhan ang magkambal. Nauna ng 1 month ang pagkamatay ng daddy niya sa mommy niya. Pumunta ako sa tatlong Niche na sunod-sunod na may mga urn sa loob. Princess Claire, Peter Clone and Patrick Cloud. Same date 'yung si Peter at Patrick, tapos 'yung Princess ay nauna sa kanilang dalawa. Grabe, hindi ko talaga ma-imagine 'yung nakikita ko ngayon, parang gusto ko yatang maiyak, grabe naman pala 'yung napagdaanan ni Killer dito. "I don't know when Cloud died. Pero alam ko naman na ang araw na kung kailan pinaslang si Clone, ay siya rin ang araw na pinaslang si Cloud. They tortured our brothers in front of us." Tumitig ulit ako sa dalawa. Ang popogi nila. Kamukhang-kamukha nila yung daddy nila. "Isa lang ba 'yung kapatid niyong babae?" Tanong ko sa kaniya at tumango ulit siya, nagsisindi siya ngayon ng kandila. Binalingan ko ulit ang iba pang Niche at nakita ko ang dalawang magkasamang cremation urns sa isang Niche. Paul and Phoenix Ang dami niyang kapatid tapos nawala lahat. Nakita ko namang may hinahaplos siya, lumapit ako sa kaniya. "Ano 'yan?" Ipinakita naman niya sa akin. Isang bracelet 'yon, star sa labas at moon naman sa loob. "Mom gave it to me, she had it too, we're the same. She gave it to me before she died," napangiti naman siya ng mapait. Napanguso na lang ako, wala akong masabi. Bigla ko namang naalala si Claver. "Hindi naman sa pangingialam..ahm... Clever, karapatan ni Claver 'yung malaman ang totoo, oo magagalit siya kasi may dahilan, hindi mo nga naman sinabi sa kaniya 'yung totoo, e. Masasaktan siya oo talaga kasi pamilya niyo 'yan eh. Hindi mo naman mapipiglan ang nararamdaman niya, mas lalo siyang masasaktan kapag naiisip niyang buhay pa ang pamilya niyo pero ang totoo wala na pala. Sana Clever masabi mo sa kaniya agad ang totoo habang hindi pa huli ang lahat, the more na iniisip mo 'yung kalagayan niya the more na mas nahihirapan kang aminin sa kaniya ang totoo. Maiintindihan mo 'yung mararamdaman niya kasi naranasan mo na 'yan noong una pero nakayanan mo, siya pa kaya?" Napayuko naman siya at hinaplos-haplos niya ang litrato ng parents niya. "Okay, ganito, for example Clever, ako 'yung nasa sitwasyon ni Claver. Nalaman ko bigla ang totoo, magagalit ako kasi bakit mo tinago? bakit hindi mo sinabi sa akin? bakit ikaw lang ang nakakaalam at bakit ako hindi ko alam? bakit hindi ko man lang naramdaman na wala na sila? Syempre, Clever, mag-iiba na 'yung takbo ng isip ni Claver. Mag-o-overthink siya at kung ano-ano na ang mga negative thoughts na papasok sa utak niya na nailalabas niya, hindi ba?" Bigla naman siyang umiyak na ikinabigla ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa likod. Jusko, kawawa naman siya. "I-I can't, I get weak when the important person in my life gets mad at me, I don't want him to get mad at me. I'm afraid Leexiya," iyak niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko, hindi niya rin mapigilan ang pag-nguso niya. Hindi ko alam kung sino nagtulak sa akin para lapitan siya lalo at yakapin siya. "Magiging maayos din ang lahat. Hindi kita pinipilit na sabihin ngayon mismo ang totoo pero sana hangga't maaga pa masabi mo na, tutulungan ka namin nina Ivo at saka si Claver siguro hindi naman la-laki 'yung magiging galit niya sa 'yo kasi ikaw na lang ang mayroon siya, mautak din si Claver katulad mo. Mas iisipin niya siguro na tanggapin na lang ang lahat. Tulad nga ng sabi ko, oo sa una masasaktan siya, magagalit, pero 'di ba ikaw nakayanan mong lagpasan 'yun? Kaya sana intindihin mo siya, intindihin mo rin kung ano 'yung mararamdaman niya." Naramdaman ko naman na humigpit ang yakap niya sa akin. "Hindi ba nabanggit mo rin sa akin na galit ka sa mga taong may gawa niyan? Ano pa kaya si Claver? Katulad mo, nagalit at nasaktan ka rin. Kung ano ang napagdaanan mo, 'yun din ang pagdadaanan ni Claver, intindihin niyo ang isa't isa, magkapatid kayo dapat kayo ang magkaintindihan dahil kayo ang parehas na nasa sitwasyon." "That's what I meant. Ayokong maramdaman niya ang naramdaman ko." "Pero Clever karapatan ni Claver malaman ang totoo. Maghanap ka lang ng tamang tiyempo para masabi sa kanya. Huwag mong madaliin pero 'wag mong patagalin." "Thank you, Leexiya, thank you," tanging nasabi niya lang at sumiksik pa siya lalo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD