Chapter 16 "Tanya, nasaan na nga ba kasi tayo?" tanong ni Ziah sa akin dahilan upang magpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ang tanong na iyon ni Ziah kaya hindi ko rin maiwasang mapailing. Kaya naman nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at hindi na siya sinagot pa. “Kailangan nating hanapin ang daan papuntang bayan, so please, just endure it and extend your patience,” pagsagot ni Aeron na nasa harapan ko. “I know! It’s just that, I can’t help but to wonder, okay!” pabalang namang sagot ni Ziah sa kaniya kaya maski kami ay napailing na lamang. Maya maya, parang nagiging maayos na yung daan at ang ibig sabihin lang nito ay nasa malapit na kami papuntang bayan na kung saan nakalagay ang templong hinahanap namin. Kaya naman nakahinga