Chapter 13 TANYA POV "May masakit ba?" Tanong niya at halata ang pag-aalala sa mukha. Hindi ko tuloy maiwasang mapailing at mapangiti na lamang dahil sa pag-akto niya. Sa pinapakita niya ay parang pinaparamdam niyang normal ako kagaya nila, but sadly I’m not. "Wala naman," sagot ko ng patuloy pa rin ang kaniyang paninitig sa akin. "Gusto mo ba ng prutas?" Tanong ulit niya tsaka pinakita ang ilang prutas na nasa basket na mukhang dinala nila Ziah para sa akin. "Hindi," maikling sabi ko at napangiti ng kaunti dahil sa pag-aalala nila para sa akin. "Komportable ka ba?"tanong ulit at ngayon ay ako naman ang napatitig sa kaniya. He’s showing too much concern for me and I don’t even know if it is a goof news or what. Nagiging makulit na rin siya. Kanina pa siya tanong ng tanong but I appre