Ilan na lamang kaming natitira hanggang sa tinawag na si Isabel. Tumayo ito at pumunta sa harapan tapos bigla na lang nagkaroon ng snow sa paligid pero umaaraw tsaka biglang may mga snow na umulan pagkatapos ay sumunod ang ulan pero hindi naman kami nababasa. Maya maya ay biglang nagkaroon ng rainbow at biglang nag form doon yung pangalan ni Isabel. Lahat ay nagpalakpakan. 'Its really beautiful and so magical.' Sumunod naman ay si Donna na kung saan ginamit niya ang pagiging illusionist niya. Biglang nagkaroon ng apoy at lahat ay napasigaw dahil sa laki ng sukat ng apoy idagdag pa na sobrang init nito, maya maya ay biglang sumabog yung apoy at nilabas nun ay si Donna. Tsaka ulit nagkaroon ng apoy sa itaas niya at nakasulat doon ang pangalan niya. Lahat naman ay napasigaw dahil sa ginawa n