Chapter 19 TANYA POV “Ilang taon na ba ang lumipas mula ng makita kita, Reitanya,” nakangiting sabi ng matanda sa akin habang hinahalo ang laman ng kaniyang tasa. Hanggang sa inilagay niya sa aking harapan ang isang tasa na may lamang tsaa na tinanggap ko naman. Saka pasimpleng inilibot ko ang aking paningin sa loob ng tempo. Pakiramdam ko ay nasa loob na naman ako ng pinakapamilyar na lugar na kung saan ako lumaki. Napabuntong hininga na lamang ako. “Wala pa rin namang pagbabago sa buhay ko,” simpleng sagot ko sa kaniya sinabi at humigop ng isang mainit na tsaa. “Wala nga ba talaga Reitanya?” tanong nito habang seryoso akong tinitignan dahil para bigyan rin siya ng mas seryoso pang tingin. “Anong gusto mong palabasin Cielo?” malamig kong sabi sa kaniya habang paunti unting lumalami