"Monic please tumahan kana, halos nakapikit na ang mata mo kakaiyak!" Saad ni Rona. Nang umalis siya sa Hacienda ng mga Lucario dito siya tumuloy sa apartment ni Rona ayae niyang umuwi sa kanila na ganito ang kalagayan panigurado mag tatanong ang kaniyang mga magulang. "Napakawalang kwenta naman ng kapatid ni Doktora Leziel." Ani pa nito. Na ikwento na niya ang lahat-lahat tungkol sa kanila ni Dion at kung paano siya nito binalewala ng gano'n kadali. Marahas itong bumuntong-hininga at mataman na hinahagod ang kaniyang likuran. "Ang sakit, Rona pagkatapos ko s'ya mahalin gano'n lang niya ako itapon na para bang basura na walang pakinabang." Anas niya at hindi naman mapigilan mag unahan ng mga luha niya. "Sss– tahan na best nandito ako hindi kita iiwan dadamayam kita hanggan sa makaka