"Oh, ate Monic ano nangyari sayo bakit ang dumi ng likuran mo?" Maang na tanong ni Finya habang mataman siya nitong pinagmamasdan at napatingin sa kanyang likuran. Hind muna siya makasagot dahil umiinom pa siya ng tubig. Nilagok muna niya ang ininom at pagkatapos tumingin sa dalagita bago sagutin ito. "Ay nako, Finya mahabang kwento!" Sagot ni Monic sa dalagita. "Di ikwento mo na ate para umikli na." Natatawa nito wika sa kanya. "Hay nako ikaw talagang bata ka!" Natawa turan niya rito. "Para kasi humiga ka sa lupa eh? Sambit pa nito. "Nakakainis kasi, si Senyorito Dion!" Saad pa niya. Kita niya ang pagtakip ni Finya sa bibig nito. At makahulugan siya nito tinitingnan. "Ui Finya mali ka ng iniisip ah, alam ko ang mga ganyang tingin at nasa isip mo ah!" Saad pa ni Monic rito, kahit