Hindi ko maiwasan mapangiti, habang bumababa sa hagdan, tama nga si nanay Susan medyo nabawasan na ang pagsusungit ni Senyorito Dion. "Hmm, marunong naman pala humingi ng sorry. Ang masungit at suplado lalaking 'yon?! Bulong ko pa sa aking sarili. Nasa kusina na at hinugasan ang pinagkainan namin. Ng maramdaman kong may tumabi sa akin at kinalabit ako sa aking likuran. "Ui, Ate Monic!" Boses ni Finya kaya humarap ako rito. "Bakit?" Tanong ko pa sa dalaga. "Mukhang ang saya natin ah?" Punang tanong pa sa akin ni Finya. "Ang, ngiti natin ohh, hanggan sa tainga?" Natatawa pang saad ng dalaga. "Hindi, ba mainit ulo ni Senyorito, Dion?!" Pagtatanong pa ng dalaga sa kanya. Umiling siya rito. "Hindi naman!" Aniya ko rito. "Bakit, may problema ba?!" Salubong ang kilay kong tumingin pa