Teaser
TEASER
Phoebe's POV
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” matapang kong tanong.
Nanatili siyang nakatalikod sa ‘kin. Nagbibingi-bingihan sa mga bagay na sinasabi ko sa kaniya.
Hinila niya ako papunta rito sa may bandang likod ng unibersidad. Inilayo niya ako mula sa mga kaibigan niya. Gusto ko lang naman siyang makausap, pero pilit niya akong tinataboy.
“I already made myself clear before…I don’t like you.”
Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang kutsilyong tumatama sa aking puso. Ganoon na lang ba talaga? Hanggang dito na lang ba talaga kami?
Wala naman akong nagawang mali sa kaniya. Pero bakit kung itrato niya ako ay parang napakalaki ng naging kasalanan ko sa kaniya.
Hinila ko siya paharap sa ‘kin. Gusto kong sabihin niya mismo sa harapan ko habang nakatitig sa aking mga mata na hindi niya ako gusto.
“I don’t believe you, Stephen. Hindi mo matatagalan ang ugali ko kung hindi ka nahulog sa ‘kin. You’re not that type of person.”
Matapang niyang sinalubong ang mga tingin ko. Ang akala kong pagmamahal na makikita ko ay naglaho na sa kaniyang mga mata.
There were no emotions in his eyes but indifference. It felt like I didn’t exist in his world at all.
He smirked at me. “Do you really think that you can sweep every man off their feet?” Tinawanan niya ako. “Not every man would fall for your dirty little tactics, Phoebe.”
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Para akong nanliliit sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Besides your branded clothes and accessories, nothing is special about you, Phoebe. You’re just a spoiled brat hiding behind your family’s wealth,” pang-iinsulto niya sa ‘kin.
I’m not that kind of person, Stephen. And I knew that you also know that.
Binalewala ko ang lahat ng mga sinasabi niya. Itinatak ko sa isip ko na galit lang siya. Tama… galit lang siya kaya niya nagagawang sabihin sa ‘kin ang mga ‘yan.
Kahit na gaano pa katalim ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ay kaya kong tanggapin. Basta ba’t sa huli ay ako pa rin ang pipiliin niya.
Tinalikuran niya ako. Kasabay ng pagtalikod niya ay ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata.
Nanatili akong nakatayo sa likuran niya. Kahit na ang totoo ay nanghihina na ang mga binti ko. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ito.
“This will be the last time that I’ll ask you, Stephen. If you continue to walk away from me, I’ll have no choice but to let you go and stop chasing you.”
Iwinaksi niya ang mga kamay ko. Hinakbang niya ang kaniyang kanang paa.
“This will be the last time,” banta ko na may halong pagmamakaawa.
Natigilan siya. Hindi pa rin siya lumingon.
Paglipas ng ilang segundo ay walang pagdadalawang-isip siyang nagsimulang maglakad palayo sa ‘kin.
Napaupo ako sa sahig. “This will be the last time,” paalala ko sa aking sarili.
Sunod-sunod ang naging pag-agos ng mainit na likido sa aking pisngi. Gusto ko siyang habulin.
Gusto kong sabihin na bibigyan ko pa siya ng isang pagkakataon para pag-isipan ang mga bagay-bagay.
Pero gusto ko ring itatak sa isip ko na hindi dapat ako nagmamakaawa ng ganito. Hindi dapat ako nagpupumilit na mahalin ng isang taong may iba nang tinitibok ang puso.