HEAVEN Lumabas ako ng bahay at naglakad patungo sa kwadra. Ilang minuto ang lumipas natanaw ko na ang dalawang malaking kwadra. Sa harap, naroon si Miguel, brushing his horse, Hades, habang nakikipag-usap siya kay Tatay Naldo kaya lumapit ako. Itim na itim talaga ang mga buhok at balahibo ng kanyang Arabian horse. Binili niya si Hades noong nasa Middle East siya at dinala dito sa isla. "Good morning, everyone!" bati ko sa kanila. Magiliw din akong binati pabalik ni Tatay Naldo at kinamusta ako. Magalang ko siyang sinagot at nakipag-usap sa kanya. Napatayo ng maayos si Miguel at ibinigay ang brush sa isang katiwala ng mga kabayo. "Good morning, Heaven Louise. Mabuti narito ka na." Bumaling ito kay Tatay Naldo. "Handa na po ba ang kabayo ni Heaven?" "Oo, Miguel. Siguradong pinapalabas