HEAVEN "Grace please give me the measuring tape, please!" tawag ko sa aking mananahi. Tinutulungan ko ang aking junior designerssa kanilang design. Kailangang perfect ang mga gawa nilang damit, para ipanglaban sa mga sikat na designer sa buong mundo. Konti na lang naman ang kailangan naming e-adjust at maaari nang ilaban ang mga gawa nila. Hindi ko nga namalayan ang mga araw, at isang linggo na pala ako dito sa lungsod matapos namin magkaroon ng long weekend. "Miss Hear, may taway po kayo mula sa Paris Headquarter," pagbabalita sa akin ng aking secretary. "Si Anne-Marie ba ang tumawag, Sus?" tanong ko sa kanya habang patuloy sa pagsukat sa aking model. "Opo, Miss! Urgent daw po sabi ni Miss Anne," tugon ni Susie. Napalingon ako sa aking secretary at hininto ang aking ginagawa. Ib