Chapter 3

1068 Words
Chapter 3 Kaya siguro pilit kong sinisingit sa isipan ko sa tuwing gusto kong mag-enjoy- na dapat school-family-at school lang ang focus ko. Wala nang iba pa. Study first, family is the next, graduate and find a job, then enjoy later. Iyon ang goal ko, siguro . . . na labag- hindi naman sa labag sa kalooban ko pero iyong pakiramdam na hindi ka naman masaya at sang-ayon doon. Isipan ko lang ang bumubulong pero iba ang dinidekta ng puso ko. Ang dami ko na namang iniisip. Hindi ko na tuloy natapos ang essay ko. Dalawang paragraph pa lang ang nasusulat ko. Puyat na naman ako nito mamaya. Napakurap-kurap ako ng ilang beses nang pumitik nang ilang ulit si Locsy sa aking harapan. Napatingin ako sa mesa at nandoon na ang ulam na ini-order niya kanina. Hindi ko namalayan dahil naglakbay na naman ang isip ko sa kung saan. "Kain na tayo, Lumi . . . naku! Kulang na kulang ito mamaya kapag mag-umpisa na ang convention sa Amphi. Isipin mo't tatlong oras tayong uupo roon," ani niya habang inaayos na ang kanyang lunch box na may lamang kanin sa mesa. Iyon pala ang kukunin ko sa aking bag kanina pero hindi natuloy dahil iba ang kinuha ko. Mas naisip ko ang essay kaysa sa kanina. Lutang na naman ako, hayst. "Oo nga, at least nakapag-attendance tayo. Mahirap na at markahan tayo ng absent at may penalty pagkatapos ng semester," sagot ko naman habang hinahanda ko na rin ang kanin sa plato. Sumubo siya saka ngumuya. Dinuro pa sa akin ang kutsarang hawak niya. "Sinabi mo pa, 'day! Ewan ko kina Gwen . . . kung sabagay, may pera naman ang mga iyon. Sana all na lang!" Napatawa na lamamg ako sa reaksyon niya. "Kumain ka na nga. Mamaya na lang tayo magkwentuhan." "Buti pa nga! Tsismis ang gagawin natin mamaya roon nang hindi naman tayo makatulog sa gitna ng convention na 'yan! Mukhang hahaba yata ang bangs ko nang wala sa oras! Stressed na agad ako!" histerya niya na ikinailing ko. ** ANG TSISMIS na sinasabi kanina ni Locsy ay hindi na natuloy dahil nakatulog na siya sa kanyang inuupuan. Napa-facepalm na lamang ako habang iiling-iling. Hindi na yata kinaya ang boses ng speaker dahil sa mahina na nga ang boses ay parang nagpapatulog pa ang tono ng pananalita nito. Maski ako ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng antok at ang humikab nang ilang beses. Napabaling ang tingin ko kay Almira- isa sa mga kaklase ko. Nandito kaming lahat na department sa Amphi Theater sa may bleachers nakaupo. Kaya't may attendance kasi USC ang may hawak ng event na ito. Pero kahit na may penalty ay may ilan pa rin talagang estudyante na sumusuway at hindi nag-a-attend ng pulong. "Samahan mo naman ako sa rest room, Lumi, o? Please?" Tumango ako bilang tugon sa pakiusap niya. Mabuti naman nang makatayo ako at nangangalay na ang pwet ko sa kakaupo. Sumunod ako sa likuran ni Almira nang tumayo na siya at tumungo sa may itaas ng Amphi. May daan kasi roon papuntang Mini Baguio Park o kaya ay Meditation Park na nakakonekta sa mga banyo ng campus. "Hintay na lang ako rito sa gazebo, Almira. Magpapahangin na lang ako." Paalam ko sa kanya nang makita kong may bakanteng gazebo sa Mini Baguio. "Sige, Lumi. Wait mo 'ko diyan, a. Saglit lang 'to!" Ngumiti at tumango ako sa kanya pagkatapos niya iyong sabihin. Hinintay ko muna siyang makapasok sa women rest room bago ako tumungo sa bakanteng gazebo. Ang Mini Baguio Park o Meditation Park ng ASU ay pinalilibutan ng mga nagtataasang punong kahoy. Mas tanyag ang tawag na Mini Baguio ayon sa mga estudyante rito dahil parang nasa Baguio raw- na nagpakunot ng noo ko. Kasi malayo naman ang itsura sa Baguio. Maganda ang ambiance rito kapag tatambay o kaya naman gagawa ng mga report o mag-review. Lalo na at tahimik, malamig at presko ang hangin. Bukod sa mga gazebo ay may iilang nga malalaking bato na pwede pang upuan. Sa gitna ng pagmumuni-muni ko ay may isang lalaking bigla na lamang pumasok at umupo sa bakanteng upuan. Napatingin ako sa kanya. Agaw pansin kasi ang uniporme nilang t-shirt na green na may itim sa magkabilang gilid. Tapos iyong black pants nila at makintab na black shoes. Naka-earphone siya habang abala sa pagbigkas ng kung ano'ng salita na hindi ko naman maintindihan. Marahil ang kinakabisado niya ay ang mga scientific name, hindi na iyon iba sa kanilang mga agriculture students. Sabi ng ilan, madali lang daw at pipitsugin ang kurso na iyon- kasi nagtatanim lang sila at wala namang mapapala balang araw. Pero hindi nila alam na mas nakakadugo ang mga inaaral nila kaysa sa mga ibang courses. Halos yata lahat na may kinalaman sa Mathematics at Science ay napunta na sa kanilang lahat. Idagdag pa ang pag-memorize nila ng isang daang scientific names. Isa pa, halos ilan sa mga milyonaryo at bilyonaryo sa bansa ay kursong agriculture ang tinapos. Mga magsasaka ang nagtatanim ng mga kinakain ng mga mayayaman; ng mga mamayan sa bansa. Imagine na lang kapag walang mga nagtatanim, nagsasaka at nangingisda na under sa agriculture na kurso, paano na ang mga Pilipino- I mean ang mga mamayan ng isang bansa? Mukha yatang naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya kaya't umangat siya ng tingin sa akin, mula sa module niyang hawak. Moreno siya. Medyo messy ang buhok niya na may pagkakulot. Sumabog iyon sa kanyang mataas na noo. Kapansin-pansin sa kanya ang singkit niyang mga mata na binagayan pa ng makapal niyang kilay. May maliit pa siyang nunal sa pagitan ng kanyang mg kilay. He has brown mystic eyes, and pinkish lips. Iyong titig pa lang niya ay nakakamatay. Hindi ko mapigilan ang pagpigil sa aking hininga nang mapansin kong mukhang magsasalita siya. Ngunit halos atakehin ako sa puso dahil sa boses na nangibabaw mula kay Almira. "Lumi! Tara balik na tayo sa loob." Aligaga akong tumango sa kanya saka tumayo at lumabas na ng gazebo. Napalingon pa ako sa Agri-guy na pinagpatuloy ulit ang pag-m-memorize, bago kami tuluyang pumasok sa loob ng Amphi ni Almira. Isa yata sa mga hindi um-attend ang lakaking iyon sa convention. Mas pinili ang pag-m-memorize kaysa makinig sa nakakaantok na pulong. Ano kaya ang pangalan ng lalaking 'yon? Na-curious tuloy ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD