“Miss, mayroon pa kayong box set ng mga libro ni Nicholas Sparks?”
“Ay naku, Ma’am! May isa na lang kanina pero nakuha na ni Ser—”
“Ngayon lang? Saan siya nagpunta?”
“Baka nag-bayad na po—”
“Sige, salamat ah!”
Tinali ko nang mabuti ang sintas ng white sneakers ko at pagkatapos ay mabilis na tumakbo papunta sa cashier.
Nagpunta ako sa pinakamalaking book fair dito sa Maynila na taon-taon lang nangyayari para mabili ang book collection ni Nicholas Sparks. I’ve been dying to have one ever since I’ve watched their movie versions. Ang hirap na kasing makahanap ng book set na ‘to na naglalaman ng 19 na libro kaya sinubukan ko na ang swerte ko rito. Malas nga lang at may nauna sa 'kin!
Natigilan ako nang matapat sa cashier. Paano ba naman ay napakaraming tao rito at nasa iba’t ibang pila pa sila. Kung wala lang talaga akong pasok ngayong araw, malamang kagabi pa lang ay nandito na ako’t naghihintay gaya ng iba. At malamang sa malamang, kanina ko pa nabili ang mga librong gusto ko.
Habang naghahabol ng hininga, tinalasan ko ang mga mata ko para mahanap ‘yong lalaking tinutukoy ng attendant kanina. Kaya lang ilang minuto na ang nakalipas, sinuyod na ng mga mata ko ang bawat pila, pero hindi ko pa rin ito nagawang mahanap.
“‘Wag ngayon, please!” sigaw ko nang maramdaman ang vibration ng phone ko. Naiirita na ako kasi kanina pa ako tinatawagan ni Ate Lea. Siguradong hinahanap na niya ako dahil hindi ko sinipot ‘yong nirereto niyang engineer sa akin.
I just don’t like to meet my lifetime partner through a blind date. Masyadong predictable. Walang espesyal.
Tyaka isa pa, hindi dahil lahat ng mga kaedaran ko ay nagpapakasal na, kailangan ko na ring tumulad sa kanila. Dapat ba ay may sinusundan talagang timeline? Do I really have to settle down just because I’m already 27?
Naiinis sina Mama at Ate Lea kasi hinihintay kong mangyari ‘yong perfect scenario na nasa isip ko to be in a romantic relationship. Simple lang naman ito: one rainy afternoon, habang nasa coffee shop ako at nagbabasa ng libro, may darating na lalaki. May slow motion. Uupo ito sa tabi ko, makakausap ko at makakasundo tungkol sa maraming bagay. Sobrang gaan lang ng lahat. And from there, love will start to bloom and he will be that man I’m meant to be with for the rest of our lives.
Pero masyado raw akong idealistic. Kinain na raw ako ng mga romance novels na binabasa ko. Inis na inis sila sa tuwing nangangarap ako dahil hindi raw ito posible sa totoong buhay.
E anong magagawa nila? Writer ako at hopeless romantic pa. Tingin nila dahil ganito ako, laging mali ang mga desisyon ko sa buhay. Kaya gustong-gusto nila na sila ang nagdedesisyon para sa akin.
Kung tutuusin, sina Mama at Ate Lea lang naman kasi ang may gusto na magkaroon na ako ng boyfriend. Ako ngang may katawan ay hindi nagmamadali pero sila itong pilit ng pilit sa akin.
Sasagutin ko na sana si Ate Lea nang may makasanggi sa braso ko kaya nabitawan ko ang phone ko. Bumagsak ito sa sahig, at nang subukan kong pulutin, nasipa na ng mga taong dumaraan.
Kinabahan ako sa takot na maapakan nila ito! Hindi ko pa tapos bayaran ang plan nito!
“Excuse me. Excuse me po.” Panay ang hawi ko sa mga taong kasalubong. Nagmadali ako palapit sa phone ko, at dapat kukuhanin ko na naman ito pero naulit lang ang nangyari kanina!
Kung hindi ba naman ako minamalas ng sobra ngayong araw. Habang pilit kong kinukuha ang phone ko, mas maraming tao ang sumisipa rito. Nagkasundo ba ang mga tao rito na sirain ang araw ko?!
I groaned loudly in frustration. “Pati ba naman ikaw papahirapan ako?”
I was already muttering curses when I saw my phone under a shopping cart. Hindi na ito gumagalaw kaya naman nagkaroon ako ng pag-asang makukuha ko na ito sa wakas!
Bumuntong-hininga ako. Pagkatapos ay binilisan ko ang takbo papunta sa shopping cart ‘di kalayuan sa akin. Kaya lang nang yumuko ako at sinubukan itong damputin, napa-aray ako nang 'di sinasadya'y may nakauntugan!
Nauna nang makuha ng taong kaharap ko ‘yong phone ko kaya hinimas ko na lang ang ulo ko habang patayo.
Dahil mas matangkad sa akin at mukhang six footer, kinailangan ko pang tumingala para makita ng mabuti ang lalaking kaharap ko na sobrang tigas ng ulo.
“Sorry, nasanggi kasi-” Umurong ang dila ko pero napirmi ang mga mata ko sa lalaking may hawak ng phone ko ngayon.
I was suddenly lost for words. He looks like a man who came straight out of a romance novel. He has black hair with shaved sides, chiseled jawline, and strong facial features. I didn’t expect to see an insanely handsome man who is also in good shape.
Ooh lala! Kulang na lang ipa-frame siya at isabit sa pader para pagmasdan buong magdamag.
I’m rarely attracted to someone’s appearance. Kaya ngayong ganito na lang magkagulo ang mga paruparo sa tyan ko ay nakakapanibago.
“Is this yours?” The man asked in a low, masculine tone.
Napalunok ako. Dito ko lang napansin na natulala na pala ako sa kanya, kaya nag-iwas ako ng tingin bago binukas-sara ang mga mata ko.
Tumawa ako kahit wala namang nakakatawa bago nagsalita. “Yes! It’s mine! Sorry sa abala ah.”
At akala ko iaabot na niya ang phone ko sa akin nang manigurado pa siyang akin nga ito. Binuksan niya ang phone ko, tumitig sa screen nito sandali na para bang may natanggap siyang kumpirmasyon dito bago inabot sa akin.
Tuloy, sinilip ko agad kung ano ‘yong posibleng nakita niya sa screen ng phone ko.
Well, it’s just a photo of me and one of my favorite authors in a book signing.
“Nito lang ‘yan! Mahilig talaga akong magpunta sa book signing-”
“I should get going,” He interrupted after looking at his wristwatch.
Gwapo sana kaya lang suplado.
Nagkibit-balikat na lang ako. Sinundan ko ng tingin ‘yong lalaki at nang dapat sana’y tatalikod na ako, nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang laman ng kanyang cart!
Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil nandito ‘yong book set na kanina ko pa hinahanap!
Agad akong humabol at humarang sa harapan ng kanyang cart kaya natigilan na naman siya. Nakita ko ang pagsasalubong ng kanyang kilay. Hindi niya kailangang magsalita para malaman kong naghihintay siya ng paliwanag kung bakit ko siya pinahintong muli.
“Question!” Abot tainga ang ngiti ko, ramdam ko ang pag-angat ng cheekbones ko. “I’m not a weirdo but... But I just want to ask, matagal ko na kasi hinahanap ‘to, baka pwedeng mahingi ko na lang ito sa ‘yo?” Pinatong ko ‘yong kamay ko sa ibabaw ng book set at hindi pa man ito napapa sa akin, I already feel so thrilled.
“You can ask a copy from one of the attendants,” masungit niyang tugon.
“That’s the problem. Wala na raw e. I think you have the last book set. Matagal ko na rin kasing hinahanap ‘yan para sa collection ko ng books.” Binukas-sara ko ang mga mata ko. Sinubukan kong magpa-cute para makuha ang matamis niyang oo pero walang nagbago sa malamig na ekspresyon ng kanyang mukha. He looks so heartless.
Nabaling ang atensyon ko sa kanyang cart at dito napansing marami siyang kinuhang magagandang libro. Ang ilan ay higit pa sa isa ang kopya.
Naisip ko tuloy na baka balak niyang ibenta ang mga librong bibilhin niya rito sa book fair. Uso kasi ngayon ‘yong bumibili ng mga librong naka-sale tapos binibenta ng original prices. Baka isa siya sa mga nagri-resell ng mga libro online. Mukha pa naman siyang businessman kaya malaki ang chance na tama ang kutob ko.
“I can’t,” simpleng sagot niya kaya nalaglag ang panga ko. Aalis na sana siya nang hawakan ko ulit ‘yong cart. Saktong nahawakan ko ang kamay niya. Animo nakuryente, bumitaw agad ako at umatras bago muling tumawa.
“Kung ibebenta mo rin naman ito, bilhin ko na lang sa ‘yo ngayon din mismo.” Sinimulan ko nang kalkalin ang bag ko para kumuha ng pera pero nahinto ako sa ginagawa nang magsalita siya.
“I’m not selling this.” Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Oo’t gwapo siya at may magandang katawan pero hindi naman mukhang mamahalin ang polo at jeans na suot niya. ‘Yong rubber shoes niyang may check hindi ko alam kung imitation lang.
“Sure? Kahit may tubo ayos lang. Sure buyer naman ako kuya! I-mine ko na!”
Nagdilim na ang awra niya kaya ngumisi ako bago muling nagpaliwanag. “Matagal ko na kasing hinahanap ‘to. Na-late lang ako ng dating dito kaya hindi agad ako nakakuha ng kopya. Birthday gift ko sana sa sarili ko.”
Pero imbes na pakinggan ako ay nagtuloy-tuloy lang siya papunta sa cashier.
“Uy kuya! Sige na, i-mine ko na ‘yan! Sure buyer ako!”
Kaya lang kahit na anong sigaw ko ay hindi na niya ako nilingon pa. Napatadyak ako sa inis. Ang damot!
May ibang libro rin naman akong nagustuhan dito sa book fair pero dahil hindi ko na talaga makita pa ‘yong librong hinahanap ko, nawalan na ako ng gana maglibot-libot.
Iyon lang naman kasi kung tutuusin ang ipinunta ko rito para iregalo sa sarili ko ngayong birthday ko. Oo’t kaarawan ko pero wala naman akong inaasahang surpresa o handa dahil taon-taon, ‘di naman binibigyang pansin ng pamilya ko ang araw na ‘to. Kung mayroon mang excited sa tuwing birthday ko, si Sunny na iyon - ang best friend ko.
Nagdesisyon akong lumabas na ng venue. Dito ko nakitang umuulan na pala ng malakas. Kanina’y madilim lang kasi ang langit.
And I hate it. Ayoko sa lahat kapag ganito ang panahon. Ayoko ng umuulan.
Tumayo ako sa hintayan ng taxi nang muling mag-vibrate ang phone ko. Napilitan na akong sagutin ito.
“Hello, Ate Lea—”
“Ano bang balak mo sa buhay mo, June?! Hinahainan ka na, tinatanggihan mo pa?” Inilayo ko ang phone sa tainga ko dahil nakasigaw na naman ang kapatid ko. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
“Nagpunta lang ako rito sa book fair kasi may hinahanap akong book set matagal na-”
“Book! Book! Puro ka book! Makakain mo ba ‘yang mga libro mo? Mabubuhay ka ba nyan?” Sasagot na sana ako pero wala siyang preno. “Kailan mo ba titigilan ‘yang pangarap mong maging writer?! Mana ka talaga kay Papa e!”
Malaking sampal na naman ito sa akin. Pero sanay na ako kaya nanahimik na lang ako at pinakinggan lahat ng sermon ni Ate Lea hanggang sa siya mismo ang mapagod.
Nakakalungkot dahil kung sino pa talagang pamilya mo, sila pa ‘yong pilit na nanghihila sa ‘yo pababa.
I don’t want to go on that stupid blind date. Pero hihingi na lang ako ng sign. Kahit anong sign para pigilan ako sa pagpunta sa blind date na gusto ng pamilya ko.
Pagkababa ng tawag, naramdaman ko na lang ang pagtakas ng luha sa gilid ng mga mata ko. May tumabi sa akin kaya pinunasan ko agad ang luha ko dahil baka sabihin pa ng makakakita ay nagdadrama ako.
Pagtingala ko, sa gilid ko'y nakita kong ito na naman pala ‘yong lalaki kanina! Nakita kong marami siyang bitbit na libro, isa na rito ‘yong bookset na pinagdamot niya sa akin. Nakaramdam na naman tuloy ako ng inis kaya napairap ako sa kawalan.
“Yes. Pauwi na ako, babe. Nabili ko na lahat ng nasa listahan mo.”
Para sa girlfriend niya ‘yong mga librong binili niya? Ang swerte naman ng girlfriend niya kung ganuon. Sana all may boyfriend na kasing considerate niya - 'yong sinusuportahan 'yong pangarap at mga hilig mo.
Hindi pa siya napapatingin sa akin pero nakatitig ako sa kanya habang may kausap siya sa phone. Mukhang nagaabang din siya ng taxi at may balak pa yata akong unahan!
Nang matapos ang pakikipagusap niya sa phone, tumalikod agad ako nang magawi sa akin ang kanyang tingin. Sa gilid ng mga mata ko, binantayan ko kung may hihinto ng taxi. I have to be alert this time!
Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan. Narinig ko ang pagtikhim niya nang maya-maya’y nakita kong may papahintong taxi sa peripheral vision ko. Saktong paghinto nito, nagmadali ako sa paghawak sa pinto. Muntikan pa akong mapatalon sa saya nang maunahan ko ang lalaking ‘to!
Binuksan ko ang pinto ng taxi at sumalubong sa akin ang kanta ng paborito kong banda na pinapatugtog ni manong driver.
~ Tatawa na lamang o bakit hindi ~
Sasakay na sana ako nang may kamay na pumatong sa ibabaw ng kamay kong nakahawak sa pinto ng taxi.
~ Ang aking damdamin, pinaglalaruan ng baliw at ng... ~
Paglingon ko para tingnan kung sino ito, nanlaki ang mga mata ko nang mainit na halik ang sumalubong sa labi ko. Para itong matutunaw sa sobrang lambot. Hindi ako makakilos. Nakakapanghina ng tuhod.
~ Ulan... At sino'ng 'di mapapasayaw ng ulan ~
Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha nung lalaking nagdamot sa akin kanina! Nakapikit siya at mukhang hindi pa nakuntento dahil dumausdos pa ang kanyang kamay at braso sa beywang ko!
~ At sino'ng 'di mababaliw sa ulan ~
Nang subukan ko siyang itulak papalayo, hinawakan niya ako sa batok at mas nilaliman pa ang paghalik sa akin. I couldn’t follow his every move kaya para akong tuod sa kanyang harapan. Nakakapaso ang mga kamay niyang nakahawak sa katawan ko.
Kung 'yong libro pinagdadamot niya, 'yong labi naman niya ay libre niyang pinapamigay?
Huli na nang mag sink in sa akin ang nangyayari.
I can’t believe I'm letting a stranger steal my first kiss! It’s supposed to be perfect and romantic! Dapat ay ibibigay ko ito sa lalaking una kong mamahalin!
Bago ko siya maitulak papalayo ay siya na ang unang pumutol ng halik.
Napahawak ako sa dibdib kong naghuhuromentado ngayon. Naghahabol ako ng hininga pero parang kalmado na kalmado lang siya sa harapan ko.
“Para sa’n ‘yon?!” pabulyaw kong tanong lalo na’t yumuko siya at biglang itinuon ang atensyon sa ibang bagay. Tingin ba niya ay maliit na bagay lang ang kanyang ginawa?!
Pagtayo niya nang maayos, sisigaw pa lang sana ‘ko ulit nang may paperbag siyang inabot sa akin kaya natigilan ako. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
“Keep this,” nangungusap ang mga mata niya nang sabihin ito sa akin. “I’m sorry.” Ako naman itong tulala at lutang kaya hindi ako nagprotesta nang igiya niya ako papasok at paupo sa loob ng taxi. Hinimas niya ang ulo ko na para bang alagang aso ako na gusto niyang amuin. Sinarado na niya para sa akin ang pinto pagkatapos.
What the hell just happened?!
I was left dumbfounded. Dapat sana ay aapila pa ako nang makita kong nakalayo na ‘yong lalaki!
"Ano ba 'to?!" Inis na inis kong sinilip ‘yong inabot niya sa ‘king paperbag habang nanggagalaiti pa rin ako sa nangyari!
To my surprise, it’s the book set!
Napalunok ako at napahawak sa labi kong ramdam pa rin ang diin at init ng naranasang unang halik. Hindi ko alam bakit dumoble ang t***k ng puso ko.
Well, in all honesty, it's not that bad for a first kiss - plus, I got what I wanted.
Fine. Bumuntong-hininga ako at pumikit bago tinitigan ang hawak kong libro.
I got the sign. Hindi ko na kailangan pang siputin ang date kong engineer.