“Stay for dinner daw!” paguulit ni Sir MJ sa sinabi ni Mr. Valderrama na para bang siya pa ang mas masaya para sa akin. But I was actually left dumbfounded. Hindi ko inasahang hahayaan ako ni Mr. Valderrama sumabay sa kanilang hapunan. Siguro ay malaking tulong din ang pagdating ng kanyang kapatid para mapalambot ang puso niya. “Don’t worry, June. Welcome ka rito sa bahay, anytime!” sabi pa ni Reign. Tinalikuran na nila ako ni Mr. Valderrama. Pinanuod ko nang maglakad sila papuntang hagdanan. Inakbayan pa ni Mr. Valderrama ang kanyang kapatid at marahang pinisil sa braso bago ginulo ang buhok nito. Mukhang kahit malamig ang pagtrato ni Mr. Valderrama sa akin, mainit naman ang pagtrato niya sa kanyang pamilya. Kung mayroon man akong gustong katangian niya, siguro’y iyon na ang pagi