Nahihiya akong nag-ayos ng sarili. Pinosisyon ko 'yung napilipit at nahubad kong t-back kanina, at saka ako umupo sa massage table nang magkadikit ang mga hita. Tinanggihan niya kong galawin, first time 'to nangyari sa'kin kaya medyo dinapuan ako ng hiya lalo pa't nalaman ko na may mapapangasawa na pala siya. "Kung may fiancee ka na bakit ka pa nagpupunta sa ganitong lugar? That's considered cheating," saad ko, pinanood siyang makisig na umupo na akala mo'y pag-aari niya 'tong lugar. "We're not engaged," sagot niya. Naguluhan ako. "Hindi mo pa siya asawa, hindi rin mapapangasawa pero 'misis' ang tawag mo sa kanya. Ayos ka lang ba? Mukhang hindi ka naman pangit siguradong maraming magkakadanrapa sa'yo diyan. 'Wag ka mag-settle sa imaginary girlfriend mo." Mataman niya akong tiningnan,