“This will be a hit, too. I know it!” Hindi ako magkandatuto tikman ang bagong experiment ni Tita Lorna. When she learned na pupunta ako dahil nagpaalam ako na sa kanila na muna ako pupunta habang hinihintay makauwi si Raius that night ay nagplano sya agad na matikman ko ang mga bago nyang gawang pastry products. “Nagustuhan mo ba?” parang nahihiya at alanganin na tanong ni Tita Lorna. “I like it so much! Paano nyo ginawa itong puree?” I can’t get enough of the new donut fingers she just baked tapos isasawsaw sa tatlong options – strawberry, mango and chocolate. “May special ingredients!” Natatawa na sabi nya. “Pero okay naman, ano? Hindi ko muna sya ilalagay sa menu online. Para sa mga walk in lang kung sakali. Maglalagay kami ng waiting area kasi.” Nag thumbs up ako. “Ayos ‘yang