“Since wala ka naman dito, I’ll just go drive around tomorrow. Sasamahan ko rin si Tita Lorna in the afternoon doon sa mag susupply ng mga materials sa ipapa tayo nya na bakery. Mag-uusap pa lang naman sila.” Kakagising pa lang ni Raius. Kaka message ko pa lang kasi sa kanya na maaga ako nagising dahil maaga ako nakatulog kagabi. Past eight ako naihatid ni Habagat sa amin. Sya na ang nag volunteer since along the way ang place namin pauwi sa kanila, and si Zyrus naman ang sumundo sa akin that morning so he insisted na rin. It was fun in the tree house. Naka apat na bote rin yata ako? I am not sure. Mas nag focus kasi ako sa kwentuhan. I was able to take a few shots and clips while we were drinking and when Habagat arrived. I put the camera in a certain place na kuha kaming lahat habang n