Chapter 21 GABRIEL Nag-uusap kami ng kapatid ko nang tumawag sa akin ang asawa ko. Tinanong ako nito kung sa mansyon ako mag-dinner, pero tinangihan ko siya at binababaan ng cellphone. Nakikipaglaro ako sa dalawang kambal. Nasa mansiyon ako nina Liam, ngunit ang kapatid ko lang ang nandoon dahil nasa opisina ang asawa nito. Napansin ni Shiena na nakasimangot ako. “Bakit humahaba na naman ang nguso mo?" tanong nito habang may bitbit itong pagkain para sa kambal. "Tumawag lang kasi ang asawa ko," walang gana kong sagot kay Shiena. “Kuya Gabriel, dapat intindihin mo na lang ang asawa mo. Alam kong mahal ka niya hindi mo siya dapat ginaganiyan," payo ng pinakamamahal kong kapatid sa akin. "Walang puwang sa akin ang babaeng iyon. Dapat nga magalit ka sa kaniya dahil sinaktan ka niya," wi