Chapter 17 Allysa Nagising ako na mabigat ang aking pakiramdam. Masakit ang buo kong katawan idinilat ko ang aking mga mata at inilinga ko ang sarili sa buong paligid, ngunit hindi pamilyar sa akin ang silid na iyon. Napabalikwas ako ng bangon nagulat ako nang mapagtanto ko na wala akong saplot sa aking katawan. May nakita akong mga pulang marka sa iba’t ibang bahagi ng aking katawan. Shit! Nasapo ko ang aking noo si Crystal lang naman ang kasama ko kagabi. Saan niya ako dinala? Sino ang gumahasa sa akin? Niyakap ko ang aking sarili nang makaramdam ako ng takot. Sobrang sakit ng buo kong katawan. Pakiramdam ko namamaga pa ang p********e ko dahil sa kirot na aking nararamdaman. Naisip ko na baka pinagpasa-pasahan ako. Tumayo ako para tingnan ang buong silid ilang sandali pa biglang