Chapter 25 Allysa Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Shiena, na magkapatid pala sila ni Gabreil. ''Ibig sabihin 'yong kambal na ipinanganak mo kay Liam, iyon?'' mahinang tanong ko at hindi makapniwala. ''Oo, no'ng araw na pagdating ko sa mansion tuwang-tuwa ako dahil nariyan si Liam. Gusto ko ipakilala siya kay Lola, pero no'ng sinalubong niya ako ng sampal hindi ko na nagawang magpaliwanag saka naman ang pagdating mo. No'ng araw na paglabas namin ni Gabriel sa labas ng mansyon dinugo ako. Dinala ako ni Gabriel sa hospital at doon nalaman ko na buntis na ako sa mga kambal namin ni Liam.'' Napakagat ako ng labi sa sinabing iyon ni Shiena. “s**t! Ang tanga-tanga ko, kaya pala galit na galit sa akin si Gabriel dahil ako ang naging dahilan kung bakit muntik ka ng maku