Chapter 7 : * Meeting The Crush *

1011 Words
Natalie POV " Sino ba 'yung kasama mo ? siya ba si crush mo?", nagbibirong tukso ko kay Natasha na agad nagblush ang mukha dahil nakikinig ang gwapong tsinitong kasama nito na agad ngumiti ng marinig ang sinabi ko. Haler ! naintindihan niya ba ang sinabi ko? Ako ang sumundo kay Natasha dahil tumawag si Mr.Li na meron silang emergency sa bahay nila at dahil wala naman akong work schedule ngayon, mostly ng bookings sa akin ay abroad pero ayaw ng parents ko dahil kailangang doon ako mag stay , I'm too young to live away from my family ganyan sila ka conservative. " Ate naman eh, siya nga pala si Brent Co , classmate ko ", nagrereklamo man eh pakilala pa rin ni Natasha. "Ni hao ma, ?", bati naman ni Brent sa akin , matagal ko ng alam na crush ito ng kapatid ko at talaga namang gwapo , charming at matangkad rin bagay siya kay Natasha . Hmmm, may taste sa boys ang kapatid ko ,mana sa akin hi,hi, hi. " Hen hao ", nakangiti namang sagot ko kay Brent . Agad rin kaming umalis ni Natasha dahil maraming dadaan na sasakyan na sundo rin ng ibang estudyante, doon kasi ako nakaharang malapit sa gate . Kumaway pa si Brent sa amin na ginantihan rin naman namin ni Natasha ng nakangiti. "Uyyyy! ang ganda ng ngiti natin ah," tukso ko sa katabi ko na di maitago ang kilig na animo nag daydreaming habang yakap ang bag nito. "Di ba ang gwapo niya ate? sobrang bait pa!", ani Natasha na halatang bilib na bilib sa kanyang crush. "Wag munang magseryoso ha! kasi ang bata mo pa , maski wala na ang future husband mo pumili ka pa rin ng tamang lalaki para sa 'yo ", advice ko rito. .. "Grabe ka ate, ang bata pa namin para sumeryoso ano ?", sabi ng kapatid ko. " Maswerte ka nga dahil may pagkakataon ka ng piliin ang gusto mong lalaki, wala ng bisa ang arranged marriage mo, ", sabi ko rito. " Pero siyempre di ibig sabihin nagrereklamo ako dahil type na type ko rin si Albert , kaya okey lang sa akin ", agad ko ring bawi. " Ate ,paano kung matempt si kuya Albert sa iba? kasi tingin ko sa kanya eh, babaero talaga at manyakis di malabong may babae yun sa Pilipinas ", sabi ni Natasha sa akin. " Ano ka ba ! napaka gentleman ni Albert ni hindi nga nagtangkang hawakan ang kamay ko.", depensa ko kay Natasha.. " Basta lang ! ang sa akin eh, suspetsa lang naman ", ani Natasha. " Wag mo namang pag isipan ng ganyan si Albert dahil magiging brother in law mo yun , kailangan mo siyang igalang , tiwala ako sa kanya kasi antagal na nga ng hinihintay namin para makapagpakasal na ,kainis ! ba't kasi ang tagal kong maging eighteen ", himutok ko na tinawanan lang ni Natasha. " Gustong gusto mo na bang matikman ang luto ng Dyos?", nang aasar na sabi ni Natasha. " Kanino mo narinig 'yan ha! marunong ka na ng ganyan", nanlalaki ang mata na kiniliti ko ito tutal malapit na kami sa bahay. Humahalakhak namang umiiwas ito sa kamay kong tinutusok siya sa tagiliran. " Ate ha,ha,ha,ha ,ano bang ginagawa mo? magconcentrate ka kaya sa pag da drive dyan at baka madisgrasya pa tayo !", ani Natasha na tinabig ang kamay ko palayo sa kanya . "Sus ! hayan na ang bahay oh, saka wala namang ibang sasakyan ngayon kaya solo natin ang daan !", ika ko kaya ng makapasok na ako sa gate ay agad itong bumaba ng kotse at tumakbo papasok sa loob ng bahay para iwasan ako at magtago.. " Ingat ! at baka madapa ka ! naku hingal na hingal 'tong batang ito ", narinig kong saway ni mama sa kanya. " Si ate kasi kinikiliti ako mama ," dinig kong sumbong nito. Naabutan ko si mama napapailing habang may hawak na platong may lamang freshly baked cookies . " Wow! the best talaga si mama ", agad akong kumuha ng isang pirasong cookie dahil it is one of my favorite snack , na agad ko ring ibinalik sa plato dahil mainit pa pala. "Ingat anak dahil mainit pa 'to, ayan kasi di man lang nagtanong kung mainit basta lang kinain, napaso ka tuloy ", paalala ni mama. " Opo nga ma, napaso ako ", sabi ko na agad hinipan ang daliri kong napaso. "Naku 'tong mga anak ko mukha ng mga dalaga pero parehong isip bata pa rin ", sabi ni mama habang hinihimas ng buong pagmamahal ang buhok ko. Magaling na homemaker si mama, magaling magluto , di naman siya naglalaba at naglilinis dahil meron naman kaming mga househelp sa bahay dahil ayaw ni papa na napapagod si mama. Minsan na rin daw muntik magkahiwalay sina mama at papa dahil natukso si papa ng kanyang sekretarya , sekretaryang minana pa niya kay angkong , don't get me wrong , newly hired lang ang girl ng mag take over si papa, ngunit ng umalis si mama at nagtago natakot si papa at narealize niyang mas mahal ni papa si mama kaya tinanggal niya ang kanyang malandi na sekretarya at lalaki na ang kinuha niyang sekretarya para iwas tukso. Umakyat ako at pumunta sa kwarto ni Natasha naabutan ko itong may kausap sa phone. sumenyas 'to sa akin na tumahimik at yun nga ang ginawa ko. " Si Brent ba yan?", kunwari di ko alam pero siyempre obvious naman na si Brent ang kausap nito dahl she talks in cantonese. Tumango lang ito bilang kumpirmasyon kaya lumabas na ako ng kwarto nito at dumiretso sa sarili kong kwarto at agad nahiga sa kama ko. Naalala ko ang sinabi ni Natasha kanina, paano nga kung meron ibang babae si Albert? arrange marriage lang kami probably meron itong girlfriend talaga sa Philippines dahil doon siya naglalagi. Paano kung magdesisyon itong mag asawa ng iba ? ngayon pa lang feel ko na ang sakit. At this point tiwala lang ang panghahawakan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD