Albert 's P O V
Nagulat ako ng pumasok ako sa opisina ng araw na yun , kasi naghihintay si Macy sa akin sa labas ng Lee's sa parking lot , at sabi ng gwardyang naka assign sa parking ilang araw na raw siyang pabalik balik ,di lang makapasok dahil ban siya sa Lee's at may out of the country commitment ako for a week isinama ko ang asawa at mga anak ko para makapagbakasyon rin sila ipinagpaalam ko nga lang si Natasha sa university , kaya di nagkaroon ng pagkakataon si Macy na makausap ako ng personal. Tinapunan ko siya ng masakit na titig ng naglalakad siya palapit sa akin habang ako naman ay naglalakad papunta sa direksyon ng Lee's. Malapit na ako sa pinto ng Lee's ng hinawakan niya ang kamay ko .
" Albert , saglit lang please ! mag usap tayo ", sabi nito sa akin .
" Ayaw kong kausap ka ! besides wala tayong dapat pag usapan ", naiiritang singhal ko sa kanya. Wala pala talagang kahihiyan 'tong babaeng to..
" Meron.! kailangan nating pag usapan ang tungkol sa magiging anak natin !", malakas na sabi nito na para bang ang gusto'y marinig ng lahat ng nasa malapit sa kinaroroonan namin ang kanyang sinabi , biglang para akong pinagsakuban ng langit at lupa sa sinabi nito.
" Ano?!... .. di ko inaako ang batang
'yan di ko anak yan, malay ko ba kung kaninong anak yang batang yan !", di ko na naisip na baka may makarinig sa napalakas na sinabi ko .
" Basta ! kailangan nating pag usapan ang tungkol sa opinagbubuntis ko ! kung ayaw mo eh, ang asawa mo ang kakausapin ko at tiyak kapag siya ang nagsabi sa 'yo makikipag usap ka sa akin !", sabi nito sa akin , nakita kong parang nabigla ang ibang empleyado kasama na ang dalawang gwardya nagbabantay sa entrance ng Lee's tiyak narinig nila ang deklarasyon ng babae sa sobrang inis maski pangalan niya ay ayokong banggitin, dagli ko siyang nilingon at nanlilisik ang mata na pinagbantaan.
" Wag mong idamay sa kalokohan at katarantaduhan mo ang asawa ko at baka mapatay kita sa galit ko !", banta ko sa kanya. Alam kong malaking gulo kapag narinig ng asawa ko ang pinag sasabi ng babaeng ito . Kapag nagkataon at iniwan ako ng asawa ko baka mapatay ko talaga itong babaeng 'to dahil sa sobrang galit...
." Then see me ! when I told you yo come so we can talk you must come so I won't be pressured to tell your wife the truth !", warning rin ng babaeng ito.
" Okey ! then call me at this number , just make sure you will spare my wife from all of these troubles ", I told her after handing her my new contact number.
." Sure...sure... just come and talk to me ", she assured me.. Nang makarating ako sa aking opisina ay nanghihina ang aking tuhod na napaupo sa swivel chair at agad kong
isinandal ang aking waring napagod na katawan sa upuan at pinikit ang aking mga mata. Lagi naman akong handa noon tuwing aalis ng bahay ,lagi akong may condom sa bulsa .
Bakit ba ako nagpadala sa panunukso ng babaeng 'to?ginamit ko siya na walang proteksyon ng gabing iyon?...di ko naman kasi akalaing makikipag s*x ako sa iba dahil matagal na akong di gumagamit ng ibang babae maliban sa asawa ko! haysss... ano ba 'tong ginawa ko? dapat ay di malaman ng asawa ko hanggang maisilang niya ang bata at mapatunayan na di ko anak ang ipinagbubuntis ng babaeng 'to through DNA test. Ngunit mula sa araw na iyon ay palagi na akong kinokontak ni Macy.
" Magkita tayo ngayon sa tita Marie Restaurant sa Laguna ", si Macy.
" Ano ba ang kailangan mo! saka na natin pag usapan ang tungkol sa batang 'yan kapag natiyak ng akin 'yan ", sabi ko sa kanya.
" I need your emotional support right now! anak natin 'to kaya tulungan mo naman akong malagpasan to! di ko kailangan ng pinansiyal dahil meron ako noon, ang maramdaman ko lang that you're there when I need you is enough ",
nangungunsiyensyang sabi nito.
" Haysss!...mas demanding ka pa sa asawa ko ah !", sumbat ko sa kanya.
" Basta puntahan mo ako manayang 6pm sa tita Marie , dahil gusto kitang makita at makasama at kung di ka darating ay makakarating to kay Natasha !", pananakot nito.
" Okey!.. okey !... I'll be there !" , sang ayon ko na lang para iwas sa gulo. Magmula nga noon ay tumatawag ito para samahan ko siya kung saan saan at
iniiwasan ko na talagang may mangyari sa amin dahil duda akong buntis nga ito
Ngunit na confirm kong buntis nga ito ng minsang nagpasama sa akin sa kanyang OB at ayon sa doktor ay mahigit tatlong buwan ang ipinagbubuntis nito ,nagduda din akong baka nga anak ko ang ipinagbubuntis nito dahil mahigit tatlong buwan na nga ng may mangyari sa amin.
" Hon, where have you been this morning? kasi hinanap ka ng accountant dahil may papipirmahan sa 'yo palagi ka raw wala? three days in a row ka ng hindi mahagilap sa office mo from 9 - 12 pm.?", tanong ng asawa ko isang gabing magkatabi kaming nakahiga sa kama habang nanonood ng latenews sa t.v.
" May tsinek lang akong isang property na pwede nating patayuan ng another branch ng Lee's.", totoo naman 'yun pero isang beses ko lang pinuntahan ang area.
" Anong nangyari ? okey ba ang area for business?", interesadong tanong ng asawa ko.
" Hindi masyadong maganda, kaya naisip kong wag na munang magdagdag dahil dito pa nga lang sa main ubos na ang oras natin , baka tuluyan na tayong mawalan ng oras sa mga bata , kawawa naman ", pagdadahilan ko , pero ang totoo ay nagkikita kami ni Macy at tuwina ay niyayaya niya akong magsex kami sa condo niya pero di na talaga ako bumigay. Eh, sa asawa ko pa lang wala na akong mailalabas minsan sa ilang rounds na ginagawa namin dahil tumatagal lalong gumagaling sa kama at nagiging aggressive ang asawa ko at marami siyang natutunan sa akin na siya na mismo ang nag iinitiate para maenjoy naming dalawa ang s*x act at syempre gustong gusto ko naman. ba't ko pa gagamitin si Macy?.
" Maglunch tayo sa usual place natin ", naglalambing ang boses na sabi ni Macy.
" Sorry di pwede dahil may lunch kami ng asawa ko ngayon ", turn down ko sa gusto niya.
" Where?", usisa nito sa akin.
" Pwede ba?! wala ka ng pakialam sa kung saan kami kakain ng asawa ko?", galit na sabi ko sa kanya.
" Basta bukas I expect you to come sa usual meeting place natin ", may finality na sabi nito.
" Ano ba?! nagtatanong na ang asawa ko kung saan ako nagppupunta kapag nawawala sa office at di ako sanay na nagsisinungaling kaya hirap na akong mag isip ng alibi!", paliwanag ko sa kanya although mahinahon ay may diin.
" Basta I want you here tomorrow ! that's final ", napakademanding talaga ng babaeng 'to. Kaya napilitan akong makipagkita sa kanya kinabukasan.
------------
Macy's POV
Naiinis na ako sa lalaking ito masyadong attach sa kanyang asawa lahat na lang ng paraan at pang aakit ay ginawa ko na para mapasaakin siya ngunit walang epekto , yung asawa niya pa rin ang gusto niya , ni ayaw na akong galawin maski anong seduce ang gawin ko kaya gagawa na lang ako ng paraan para magkahiwalay sila. Dapat makita ni Natasha na nagkaroon kami ng kaygnayan ng asawa niya. Kaya habang nasa tabi ko ito rito sa Tita Marie's ay sinadya kong idinaiti ang sarili ko sa kanyang dibdib at kinuha ang kanyang mga kamay para dalhin sa tiyan ko na wala pa man umbok napaka intimate siya tingnan. Meron akong kinuhang taga picture at video para kunan ang eksena ng palihim. Sumenyas ako kay Ambet. ang aking camera man kung nacapture niya ba at sumenyas naman itong okey kasi agad akong itinulak palayo ni Albert at parang diring diri na ipinagpag pa ang mga kamay.
" Eto naman !...naglalambing lang eh, para namang di tayo nag s*x kung makareact kailan mo ba ako pagbibigyan na matikman ulit 'yang malaki mong ari !" sabay himas sa umbok nitong nakatago sa loob ng pantalon nito ulit , natatawang turan ko sa kanya ,sumenyas ako ulit kay Ambet at nagthumbs up na naman iti.
" Tigilan mo ako at nakakadiri ka kung ilang lalaki na kaya ang naikama mo kaya ang dumi mo na! malay ko ba kung may aids ka na ",masakit ang mga binitiwan nitong salita.
" Sobra ka naman! palagi naman akong nagpapatsek kaya I'm sure na malinis ako at okey ang medical result ko !", natatawang sabi ko rito.Pero humanda ka sa akin dahil ako'y may pasabog sa yo , just wait for it mahal ko at tiyak iiyak ka .
"