Chapter 16 : The Honeymoon *

1562 Words
" Manang Siony gising pa ba sina Amah at Angkong ?", tanong ni Albert sa katiwala ng kanyang grandparents ng dumating sila sa bahay . " Tulog na sila Albert , pagod na pagod kasi ang mag asawa pag uwi nila galing sa kasal ninyo ", sagot ni Manang Siony. " Ganoon po ba? sige ho , bukas na lang namin sila kausapin ", sabi ni Albert. " Oo nga iho , akina yang maleta mo at tutulungan kitang dalhin sa kwarto ninyo nitong asawa mo" , sang ayon ng katiwala na agad nagpresenta ng tulong ng mapansin ang maletang bitbit ni Natasha . " No Manang , it's alright , kaya ko na hong bitbitin ito ,magaan lang naman po ito at konting personal stuff ko lang ", tanggi ni Natasha naisip niyang nakakahiya naman kung ang may edad pang kasambahay ang bibitbit ng kanyang gamit eh, kaya niya naman ito, besides di nga niya pinabitbit sa asawa dahil talaga namang magaan lang ito buti naman at agad ding tumango bilang pagsang ayon ang nakakatandang babae. " At last ! masosolo na kita , wala ka ng kawala sa akin ngayon he,he ,he !", nakangising sabi ni Albert na agad niyapos ang asawa ng masolo na ito sa kwarto . Ni hindi na nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan ang kagandahan ng kwarto nito dahil mukha agad nitong nakangisi ang bumulaga sa kanyang paningin pagpasok nila ng kwarto ng iharap siya nito matapos niyang mailapag sa gilid na bahagi ng kwarto ang bitbit na maleta. " Pwede ba wag muna ngayon at pagod ako?", sabi ni Natasha na pilit binabaklas ang braso ng asawang nakakapit na parang tuko sa baywang niya. " Antagal mo akong pinasabik , palagi na lang akong bitin na bitin sa 'yo tuwing magkasama tayo , ngayong kasal na tayo di ka na pwedeng tumanggi sa akin dahil kasal na tayo wala ka ng dahilan he, he,he!", ani Albert. " Por Diyos naman Albert ! pagod na pagod ako ngayon please baka pwedeng ipagpaliban mo muna yang masama mong balak ? ", naiiritang sabi ni Natasha sa asawang di matanggal ang brasong nakakapit sa kanya. " No ! I want you now ! I'd been fantasizing about this since this morning kaya di pwedeng walang mangyari sa atin ngayon ", sabi ni Albert na desi didong isagawa ang plano sa asawa. Ano mang pagpupumiglas ni Natasha ay ayaw siyang bitiwan ng asawa. Nagsisimula na itong halikan siya sa labi pababa sa leeg. " T- teka ! let me take a bath man lang kasi ! feeling ko ang lagkit lagkit ko na ", pigil ni Natasha sa asawang pilit siyang sinisibasib ng halik sa labi. " Mmmn , but you smell good to me maski di ka maligo I love your smell ", ani Albert na inamoy amoy pa ang asawa at halatang ayaw papigil sa gustong gawin at nagsisimula ng maglumikot ang kamay sa katawan ng asawa. " Please , just a few minute ,gusto ko lang talagang mag freshen up to feel comfortable ", sabi ni Natasha , masyado ka namang bastos gustong ibulalas ni Natasha. Pero syempre sa isip niya lang 'yon dahil ayaw naman niyang ma offend ang lalaking 'to at baka mag away pa sila . Ayaw niya namang magsimula ang pagsasama nila sa away at baka magtapos rin ang kanilang relasyon sa away ,that's badluck !!! " Okey, okey ! don't get mad I just want to claim what's literally mine ," ani Albert na naghands up pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko sa kagustuhan ng asawa. " Thanks , nanlalagkit na kasi talaga ako dahil sa pawis kanina ", nakangiti ng sabi ni Natasha ng bumitiw na ang braso nito sa kanyang katawan. " Okey , but make it fast ! nakakainip kaya ang maghintay sa matagal na oras nawawala ang excitement ng momentum", sansala ni Albert. " Naku sorry ! ngayon pa lang sinasabi ko ng medyo matagal akong maligo , minsan nakakatulog pa ako habang nasa bathtub ", nakangiti ng pagbibigay alam ni Natasha. " Ha !?", tanging nasambit ni Albert na kakamut kamot sa ulo na para bang gusto pang magsisi at pinayagan ang asawa. Sabagay nakapaghintay siya ng mahigit tatlong taon eh 'yung ilang minuto o oras pa kaya ? di na muna siya maliligo naisip niya matapos amuyin ang dalawang kilikili dahil di pa naman siya nangangamoy sa oras na 'to mamaya na lang matapos ang strainous exercize nila ni Natasha dahil tiyak pagpapawisan rin siya mamaya ng husto pagkatapos . " Mauna ka ng mahiga , wag mo na akong hintayin at baka mainip ka lang sa kahihintay sa akin ", sabi ni Natasha sa asawa. Tuwang tuwa si Natasha dahil may plano siyang magtagal sa paliligo at lalabas lang sa banyo kapag tiyak na siyang tulog na ang lalaki. ------------------------------------------ Albert's POV Binalewala ko na lang ang sinabi ng asawa ko , kapag ganitong buwan ng June ay napakainit rito sa Hongkong at napakataas ng humidity . Kahit malakas ang andar ng aircon ay naiinitan pa rin ako kaya hinubad ko ang aking kasuotan at tanging brief ang itinira bago nahiga sa kama para hintaying matapos sa paliligo ang maganda at batambata kong asawa. Sanay akong matulog ng nakahubad dito man sa Hongkong o sa Pinas , kaya dapat masanay na rin ang asawa kong makita akong nakahubad dahil palagi niya akong makikitang hubad. Nasa ganoon akong pagmumuni muni ng narinig kong tumunog ang aking celfone na agad kong kinuha dahil nakalapag sa ibabaw ng lamesita kung saan rin nakapatong ang aking laptop. " Hello love ?", narinig kong may pag aalinlangang sabi ni Melissa sa kabilang linya. " What!?", naiiritang tanong ko rito. " Love , kelan ka babalik rito sa Pilipinas ?", anito. " Puwede ba , Melissa ! alam mo namang ngayon ang kasal ko di ba? and stop calling me at baka kung ano pa ang isipin ng asawa ko!", sita ko rito , narinig kong humihikbi ito sa kabilang linya. " Love !? ba't naman ganon parang kay dali sa 'yo ang talikuran ang 8 years na relasyon natin? hu, hu, hu! di mo ba talaga ako natutunan mahalin kahit kailan ?" , nagsesentimyentong tanong ni Melissa. " Alam mo naman maski nong una pa lang na di kita pwedeng seryosuhin dahil may fiancee akong dapat pakasalan ", pilit kong hinihinaan ang boses ko habang kausap si Melissa sa celfone at panay ang tingin sa pinto ng banyo at baka biglang lumabas mula roon si Natasha , bago ako umuwi rito sa Hongkong for my wedding ay kinausap pa ako ni Melissa at nagmamakaawa na siya na lang ang pakasalan at gumawa pa ng kwento na kesyo buntis raw siya at dapat kong panagutan , paano kaya iyon nangyari eh sobrang ingat ko na wag makabuntis siya man o ng ibang babae kaya dinala ko siya at pinatingnan sa doktor ng di niya alam sabi ko lang ay kilala ko at nakasama namin sa overnight sa isang beach resort ,ewan ko kung pano nila nakuhanan ng urine sample si Melissa at napatunayang nagsisinungaling ito , magpumilit man ito ay di ko ipagpapalit si Natasha dahil ito lang talaga ang minahal ko ng sobra at di ako papayag na di matuloy 'yon sa tagal ng kailangan kong hintayin bago nito narating ang tamang edad ng eighteen . " I know minahal mo ako dahil di naman tayo magtatagal kung hindi ", malakas na sabi ni Melissa ngayon ay naririnig ko na ang malakas na iyak nito. " Let's stop this conversation now at baka marinig ka ni Natasha malintikan pa ako ", sabi ko kay ,Melissa. " Natasha? sino yun ?", agad na tanong ni Melissa. " Ang asawa ko !", pabalang ng sagot ko. " Di ba Natalie ang pangalan ng mapapangasawa mo ? sino 'yang si Natasha ? nakahanap ka pa ba ng ibang pakakasalan diyan ? bakit naman di na lang ako ang pinili mo kung sa iba ka rin lang naman pala mapupunta ?", again ay tanong ni Melissa, saglit akong natigagal di malaman kung ano ang isasagot sa tanong nito ,dahil tama ito iba nga ang babaeng pinakasalan ko di naman talaga si Natalie. " Let's stop this nonsense ! may asawa na ako at kung ayaw mong pati trabaho mo ay maapektuhan tigilan mo na ang pagtawag sa akin ,from now on purely work na lang ang relasyon natin because I am already married and I want to focus in strengthening my marriage ", buong determinasyong sabi ko rito. " Ang swerte naman ng Natasha na 'yan , nakakainggit siya dahil masosolo ka niya ", sabi ni Melissa. " And one thing more ayokong mapansin ni Natasha ang relasyon natin be discreet as you can dahil kung hindi ay wala akong magagawa kundi tanggalin ka sa trabaho ", pagbabanta ko sa dati kong nobya dahil determinado akong gawin siyang ex mula ngayon di ko lang siya tinanggal dahil naawa ako sa kanya na tuluyang tanggalan ng pagkakitaan , dahil bago ako pumunta rito sa Hongkong para sa kasal namin ni Natasha ay tuluyan ko ng pinutol ang monthly financial support ko kay Melissa dahil ayokong pagtakhan yaon ni Natasha at magtanong ito kung bakit may monthly support mula sa akin si Melissa at isa 'yun sa ayaw kong masilip ng asawa ko... "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD