Chapter 14 : * Family's Decision *

1518 Words
Parent's POV " Honey ? what's wrong , ilang araw ko ng napapansin na parang malungkot ka? tuwing nandito ka sa bahay ay ganyan ka , iniisip mo ba ang tamang gagawin para sa mga anak natin ?", tanong ng ginang sa kanyang asawa na .malalim ang iniisip habang umiinom ng alak na nakapatong sa pabilog at kristal na mesita sa gilid ng kanilang lawn sa gitna ng kanilang garden sa tahanang minana pa ni Mr. chan mula sa magulang nito at ang mga mata ay nakatitig sa maliwanag na buwan na pati repleksyon ay mapapansin sa swimming pool at animo ay humihingi ng himala ang may edad ng lalaki sa liwanag ng naturang buwan. " Kailangan nating makausap si Natalie ganon din si Natasha to clear things up , hon , at gusto kong i confirm ang katotohanan sa ipinagtapat ng mag asawa pati na rin ni Albert ", himig pakiusap na sabi ni Mr. Chan sa kanyang asawa. " Tama ka dahil kailangan na rin nating magdesisyon tungkol sa bagay na 'to dahil dalawang araw na lang at sunday na , para matantiya na rin natin paano magdesisyon." sang ayon ng ginang sa asawa nito. Napakalaking suliranin ang bigla ay nakalatag sa harap nila at parang kay hirap i solve kung pwede nga lang na magkunwaring everything's fine at kusang mawawala ang problema para walang masaktan. Kinausap nga ng mag asawa ang kanilang mga anak , una ay ang kanilang panganay na si Natalie. Natuwa naman sila dahil maski masyadong personal ang kanilang tanong ay naging tapat naman ang kanilang panganay. " Ano ang masasabi mo kay Albert ? naging maganda ba ang trato niya sa 'yo tuwing magkasama kayo ?",tanong ng ama habang tahimik lang na nakikinig ang ina. " Opo naman pa , he was a perfect gentleman whenever we're together ", nakangiting sabi ni Natalie . Ngunit nawindang ang mag asawa ng ang bunso naman ang tinanong nila " I don't like him, he is a pervert !", animo'y gustong manakit ng kanilang bunso habang nagsasalita. " Meron ba siyang ginawang di maganda sa 'yo kaya ganyan ang reaksyon mo", tanong ng kanyang ama at waring nabigla rin ang dalagita sa kanyang sinabi at sa tanong ng ama. Ilang minuto rin na natahimik ang dalagita na nakatitig lang sa ama at ina na bahagyang nakanganga ang bibig . " Ah....eh..... wa -- wala naman po papa " , nakayukong deny ng dalagita habang ang mga mata'y halatang iniiwasan ang titig ng naghihintay na mga magulang sa magiging sagot niya sa nakabinbing tanong ng ama. " Yung totoo anak , gusto naming malaman ang katotohanan , meron ka bang di magandang karanasan kay Albert? kasi meron siyang ipinagtapat sa amin ngunit gusto naming malaman mula sa 'yo ang totoo ", sabi ng ama , nagulat ang dalagita sa sinabi ng ama. Ilang minuto ang lumipas bago humihikbing may sekretong inamin ang dalagita sa ama. Nataranta ang mag asawa sa reaksyon ng anak nakumpirma nilang tama nga ang sinabi ni Albert at dahil sa pangyayari ay nagkaroon ng solidong desisyon ang mag asawa na mapagkakasunduan nila sa darating na linggo. Nang dumating ang linggo ay mayroon ng pinagkasunduan ang magkabilang panig na lubhang makakaapekto sa buhay ng pamilya Chan lalo na kay Natalie , ngayon pa lang ay di na nila alam kung paano ipapaliwanag sa kanilang panganay ang pagbabago sa kasunduan at isa rin sa malaking tanong ay kung tatanggapin ba ng maluwag ni Natasha ang nasabing kasunduan. Di maitago ang kasiyahan sa mukha ni Albert ng marinig ang pasya ng mga nakatatanda ngayon ay tiyak na niyang tuluyang mapapasakanya ang dalagitang sa kabila ng murang edad ay pumukaw ng matindi sa kanyang interes. Sa ngayon ay di niya masasabing mahal niya 'to pero ang tiyak ay ayaw niyang mapunta ito sa ibang lalaki , handa siyang maghintay ng apat na taon pa para tuluyan itong maangkin, tutal bata pa naman siya kaya niyang hintayin ang tamang panahon. " Kuya Albert ?", gulat na tanong ni Natasha sa binata ng muli itong makita sa labas ng eskwelahan na mahigpit na hinawakan siya sa braso at iginiya sa kotse nito. " Halika ihahatid na kita pauwi ", sabi ni Albert sa dalagita na walang nagawa kundi sumama , narinig pa niyang tinawag siya ng kanyang boyfriend na si Brent ngunit agad namang pinasibad paalis ni Albert ang kotse maski nakiusap siyang kausapin niya muna si Brent saglit. " Nakausap mo na ba ang magulang mo? tanong ni Albert sa dalagita. " Tungkol saan? may dapat ba akong malaman sa kanila?", nagtatakang tanong ni Natasha . " Meron ,at hahayaan kong sila ang kusang magsabi sa 'yo , saka gusto ko na ring magpaalam sa 'yo dahil babalik na ako ng Pilipinas , gusto kong iwasan mo na si Brent at ayokong marinig na palagi kayong magkasama ", sabi ni Albert. " What ? kuya naman eh ! di naman ako ang fiancee mo ba't ko naman iiwasan si Brent eh siya ang boyfriend ko ! si ate lang ang pwede mong pagbawalan at di ako !", nagmamaktol na sabi ni Natasha , naiinis siya dahil ang lakas naman ng loob nitong pagbawalan siya sa personal niyang buhay na para bang may karapatan 'to ! kapal din naman ng mukha ng lalaking 'to , di porke't gwapo siya ay mag eexpect na itong susunod siya sa gusto nito ' no way ' ba, sa isip ng dalagita. " Basta ! 'yun ang gusto ko ang iwasan mo di lang si Brent ,maski sinong lalaki na magpapakita sa yo ng interes ", giit ng binata , ngayon ay makakampante na siya sa pagbabalik niya ng pinas. Nang sumunod na araw ay lubhang napakahigpit ng mag asawang Chan sa kanilang bunsong anak na pati relasyon nito kay Brent ay lubhang naapektuhan na di rin agad naintindihan ng dalawang anak nila hanggang kusa ng nagtanong ang kanilang panganay .. " Papa, mama , what's wrong with you? di naman kayo ganyan kahigpit kay Natasha noon ?", nagtatakang tanong ni Natalie sa magulang. " Ginagawa lang namin ang palagay namin ay mas makakabuti sa inyong magkapatid ", sagot ng kanilang ama habang ang kanilang ina naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanyang asawa . Sabihin mang parang wala siyang kwenta bilang magulang dahil bow lang siya ng bow sa lahat ng desisyon ng kanyang asawa tama nga at aminado naman siyang sa halos lahat ng bagay eh never siyang kumontra sa kanyang asawa lalo na't pagdating sa kanilang mga anak., Tiwala siya sa kanyang asawa at alam niyang ang desisyon nito ay para sa ikabubuti ng mga anak at pamilya nila. Aminado siyang di niya ito maaaring kontrahin sa mga naging desisyon nito dahil napaka dominante ng kanyang asawa ngunit sa ganitong pagkakataon di niya rin alam ang gagawin lalo na at mayroon palang lihim na nabunyag na ni sa imahinasyon niya ay di niya inakala. " ba't ganon di nyo naman pinagbabawalan si Natasha sa kanyang relasyon kay Brent noon ba't ngayon eh bigla nyong hinigpitan ?", isang araw ay nagtatakang usisa ni Natalie sa ama. " Dahil noon ay di namin alam na mayroon na palang di magandang nangyari sa kanya at inilihim pa niya sa amin na kung di ipinagtapat ni Albert mas malamang wala pa rin kaming alam na binastos ka na pala sa sarili nating tahanan ng minsang natulog siya rito ", sabi ng ama na direktang tiningnan ang reaksyon ng bunsong anak na ikinagitla naman ni Natalie. " Po? sino po , si Albert? as in si Albert Lee ? ang fiance ko ?", usisa ni Natalie na gulat na gulat sa tinuran ng ama nito. " Tama ! si Albert Lee nga ! kaya mabuti pang sabihin na namin sa inyo ngayon pa lang na napagdesisyunan namin at ng kabilang panig na di na ikaw Natalie ang ipapakasal kay Albert kundi si Natasha na !", nagtitimpi ng galit na sabi ni Mr.Chan kay Natalie. " P - po ? pero papa ! mahal ko na po si Albert ", mangiyak ngiyak na sabi ni Natalie , halatang tutol ito sa desisyon ng ama. " Ngunit may dapat siyang panagutan sa kapatid mo at siya mismo ang nagbunyag noon kaya napagpasyahan naming sila ang dapat ikasal ", mariing sabi ng ama nito. " Ngunit papa ! napakabata pa ni Tasha saka that's unfair kasi ni hindi ako nag entertain ng manliligaw o tumingin sa ibang lalaki dahil si Albert lang ang gusto kong pakasalan at pinaasa nyo ako !" , histerikal na si Natalie. Hindi agad nakasagot ang ama nito sa mga sinabi ng anak , dahil tama ang lahat ng sinabi nito sa kanila saksi sila kung paano ito naging loyal sa kasunduan dahil ayon dito ay mahal nito si Albert at naaawa sila sa kanilang panganay ngunit wala silang magawa dahil si Albert ang nagdesisyon na si Natasha ang pakasalan na sinang ayunan ng nakatatandang Lee , tama naman ang mga 'to di sila tumalikod sa kasunduan 'yun nga lang imbes na yung panganay ay yung bunso ang ipakakasal nila rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD