Chapter 11 : * The Request *

1504 Words
Just a week after ng 15th birthday celebration ni Natasha ay muling bumalik si Albert sa Hongkong. " Hijo ! what a wonderful surprise ! this is the first time that you come back after your vacation ", nagulat pero natutuwa na sabi ng kanyang amah Amelia na isang filipina, yes they are people who are half blooded just like the Chan's family but they follow arranged marriage because kadalasan successful partnership ang resulta , habang nakangiti naman ang kanyang angkong Yang. Ang mag asawa na ang nagpalaki sa kanya matapos nasawi sa car accident ang kanyang magulang noong siya ay six years old lamang , kung saan ideneklarang patay ang kanyang amang si Sia , ang kanya namang inang si Lalai ay nadala agad sa ospital ngunit after 1 week lang pumanaw rin sa ospital sanhi ng heart attack. Ang kanyang ama ang nag iisang anak na lalaki ng mag asawang Lee ,na nakabase sa Phillippines na siyang nakatakdang maging CEO sa negosyo ng kanyang grandparents ngunit nag divert sa negosyong gusto nito at pinayagan naman ng magulang dahil nakita nilang maganda ang naging takbo ng negosyo sinimulan nito , dahil sa aksidenteng nangyari , nagdesisyon ang kanyang grandparents na pumirmi sa Pilipinas upang siyang mag asikaso sa kanya at sa negosyong iniwan ng kanyang magulang , ang negosyong Lee appliance center kung saan bukod sa pagbebenta ng magagandang klase at murang appliances ay nagpapautang rin sila at swerte rin namang good payers ang kanilang kustomers maski merong mangilan ngilan na pasaway at kinasuhan sa di pagbabayad , still lumago pa rin na kanyang tinake over sa edad na sixteen mula sa pamamahala ng kanyang grandparents. ngunit di pa rin siya iniwan ng dalawang matanda , nandoon pa rin ang mga ito para i-guide siya sa pagpapatakbo ng naturang negosyo. Naging responsable siyang tao at inalagaan ang kabuhayang iniwan ng kanyang magulang. Kaya naman sa edad na nineteen ay tuluyan ng ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang grandparents ang nasabing negosyo at nagdesisyon ang mga ito na bumalik sa Hongkong para asikasuhin din ang sarili nilang kabuhayang nasa pangangalaga ng anak naman nitong babae ang nakababatang kapatid ng kanyang ama na si Aunt Mai at ng asawa nitong si uncle King ,kung saan investor naman ang magulang nina Natalie at Natasha.Mayroon namang sariling bahay ang mga ito kasama ang tatlo nilang mga anak na kambal at bente anyos na parehong lalaki at ang twelve years old at bunsong nag iisang babae. " Amah, Angkong ! bakit ? ayaw nyo po bang bumalik ako rito agad?", kunwa ay nagtatampong tanong ni Albert. " Of course we want you here and we want you to stay hijo ", nakangiting sagot ng kanyang abuela. " Meron bang problema sa Pilipinas hijo? ba't bigla kang napasugod rito sa Hongkong?", seryosong tanong ng kanyang abuelo. " Wala naman po angkong , gusto ko lang po kayong makasama ulit ", sabi ni Albert. " Oh siya ! ang mabuti pa ay kumain ka muna at magpahinga ,alam kong pagod ka at tiyak meron ka pang jetlag " ,nakakaunawang turan ng kanyang abuela. " Nah ! I'm done eating , I just want to rest for a few hours ", nakangiting sagot ng binata at agad ng umakyat sa kwartong ginagamit nito kapag naroon sa mansyon ng mga ito bitbit ang travelling bag na bitbit nito. "Okey ,we'll just talk if you had been fully rested " , sabi ng kanyang abuelo. " Talagang kilala mo ang iyong apo , alam mong may gustong pag usapan ah !", puna ng abuela nito sa kanyang asawa. " Alam mo namang sa kanyang sariling condo 'yan nakatira kapag nandito sa hongkong. Kapag dito sa bahay dumiretso at magstay tiyak may gustong pag usapan !", paniniyak ni angkong , kilala na niya ang apo , masyado itong independent sa mga desisyon at di nila pwedeng pakialaman ang mga ideas nito , pero ang mahalaga masunurin sa lahat ng kanilang hiling . Ngayon ay nahihinuha nilang may importante itong pakay na hihilingin sa kanila , wag naman sanang magpapakasal ito doon sa nobya nitong mayroon din namang ibang lalaki ,naku! di pwede !!!!di sila papayag !!!!! humiling na ito ng iba wag lang ang bagay na 'yon. " Tama ka nga , pero hintayin natin na magkusa siya sa pagsasabi ", suhestyon ng ginang na masuyong hinawakan ang kamay ng asawa bago pumunta sa direksyon ng kusina upang ipaligpit sa mga kasambahay ang pagkaing nakalapag sa mesa na ipinahanda ng ginang para sa pagdating ng apo ngunit dahil busog naman daw ito kaya ipakakain na lang nila sa kanilang mga kawaksi sa bahay at ang matitira ay ipaliligpit na lang nila. Kailanman ay di nila pinagdamutan ang kanilang mga katulong sa bahay di tulad ng iba na halos di pakainin ang mga ito ng masasarap na pagkain o di kaya ay may sariling pagkain ang mga kawaksi na tulad ng galunggong o mumurahing isda sa araw araw , sa kanila kung anong kinakain nila ay 'yun din ang pagkain ng kanilang mga kasama sa bahay kaya karamihan sa mga ito ay matagal ng naninilbihan sa pamilya nila tulad ng kanilang driver na halos thiry years na sa kanila , ang kanilang tatlong gwardya na salitan kung magbantay sa kanilang tahanan at ang tatlong katulong na nagsisilbi sa kanilang mag asawa.Kung tutuusin ay maswerte rin sila sa mga ito dahil maaasahan at di sila iniwan sa loob ng mahabang panahon. ___________________________ " Amah, pwede ko po na kayong makausap ni angkong?", kinabukasan ng umaga ay banggit ni Albert sa kanyang abwela , habang nagbibigay ng instructions ang matandang babae kung ano ang lulutuin at ihahandang pagkain sa araw na iyon , lalo na at dumating ang kanyang apong si Albert kaya tinitiyak niyang mga paborito nito ang ipinahahanda niya. " Sure hijo ! kailan mo ba gustong kausapin ang iyong angkong?", tanong ng ginang sa apo. " Nandiyan po ba si angkong ngayon?", balik tanong ng binata. " Sige ,mamaya ay bababa na 'yun para saluhan tayo sa almusal ", sabi ng ginang. Nang matapos silang makapaghanda sa hapagkainan ay ipinaalam na sa matandang lalaki at di nga nagtagal ay dumating na ang nakatatandang lalaki at agad dumulog sa hapag kainan bitbit ang isang dyaryo na paborito nitong basahin tuwing umaga. " Hijo ! how's your sleep? your jetlags gone?", usisa ng nakatatandang lalaki sa apo nito bago binulatlat ang dyaryong bitbit at binasa ang nasa front page. " I'm fine angkong , I had a good night sleep ", sagot ng binata nasanay na sya sa kanyang abwelo na nakikipag - usap habang nagbabasa ng dyaryo. Nang inilapag ng matandang lalaki ang dyaryo ay nagsimula na silang kumain ng tahimik. Para bang minamatyagan ang isa't isa kung sino ang unang iimik para magbukas ng usapan. " Angkong , meron ho sana akong ipakikiusap sa inyo ", sabi ng binata ng matapos siyang kumain. Meron siyang pakiusap sa abwelo na natigilan at di agad nakapagsalita at hinintay na lamang ang susunod na sasabihin ng kanyang apo. Di rin malaman ng matanda kung ang pakiusap ba ng apo ay maaaring pagbigyan dahil mayroong dapat isaalang alang di lang ang magulang ng kanyang fiancee kundi ang fiancee mismo nito pati na ang kapatid ng dalaga .Masyadong kumplikado ang hiling ng kanyang apo , kung siya ang tatanungin ba't naman hindi ! lahat ng ikaliligaya ng kanyang apo ay ibibigay nilang mag asawa , at gusto nilang maging maligaya ito sa magiging buhay nito sa hinaharap. Dahil yun ang makapagpapasaya sa apo ay kakausapin nila ang magulang ng mga dalagitang involve. Tuwang tuwa ang binata dahil sa positibo ang naging reaksyon ng kanyang grandparents sa kanyang pakiusap , nakikinita na niyang may magandang resulta ang kanyang pakiusap kaya hiling niya na lang ay sana pumayag rin ang mag asawang Chan sa kanyang gustong mangyari. Alam niyang may masasaktan ngunit willing naman siyang harapin ang lahat at aminin ang kanyang pagkakamali kung maituturing bang pagkakamali ang lahat gayung ang alam niya'y umibig lang siya at susundin niya lang ang itinitibok ng kanyang puso. " Sana po eh pumayag sila !", sambit ng binata. " Sana nga hijo , pero alam nating di magiging madali ang lahat pero willing naman tayong magbayad kung gusto nila ng compensation for the pain it will cause to Natalie , but we'll talk to them about it dahil gusto naming maging masaya ka ", promisa ng matandang lalaki sa kanyang apo. " Thanks angkong , you're the best talaga .... pareho kayo ni amah , I'm so lucky to have you both ", madamdamin sabi ng binata. " Naku , 'tong apo naming 'to , dahil kailan man ay di mo kami binigyan ng sakit ng ulo kaya gusto namin lahat ng gusto mo basta't for your own good , ibibigay namin ", natutuwang sabi ng abwela nito na buong pagmamahal na hinahaplos ang buhok ng apo na buong tamis na nakangiti sa mag asawa , talagang di nila matiis ang apo kapag ganitong naglalambing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD