Chapter 6

1520 Words
Kaya’s POV Nililipad ng malakas na hangin ang buhok ko habang nandito ako sa labas at nakatanaw sa galit na galit na alon ng dagat. Kahit gusto ko mang tumakas, hindi ko talaga magagawa dahil nasa kalagitnaan kami ng dagat. “Magandang tanghali po, Madam Romano,” singit ng isang crew ng yate na nilapitan ako dito. Bago ako humarap sa kaniya ay nagpunas muna ako ng luha. “Bakit?” tanong ko naman habang malamlam ang boses. “May dala po akong mga pagkain. Ilalapag ko na lang po dito sa lamesa. Sabi po kasi ni Boss Kohen ay hindi pa kayo kumakain ng almusal at tanghalian,” sabi niya. Hindi ako kumibo. Binalik ko na lang ang tingin sa dagat. Napairap ako. Pakitang-tao lang siya. May padala-dala pa siya ng pagkain sa akin matapos niya akong ibalibag sa lamesa. Demonyo siya. “Kung hindi niyo raw po kakainin ito, hindi raw po namin kayo titigilan nang kakadala ng pagkain. Kami po ang mahihirapan, Madam Romano, kaya sana po ay kumain na po kayo,” sabi pa niya bago siya umalis pero hindi ko na siya nilingon. Kahit malakas ang hangin dito sa tuktok ng yate, amoy na amoy ko pa rin ang mabangong amoy ng mga pagkaing dinala sa akin. Sa totoo lang, kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Kanina pa ako nagugutom. Hindi ko lang magawang kumain dahil hanggang ngayon ay nangangatog pa rin ang laman ko dahil sa ginawa sa akin ni Kohen. “Kailangan mo ng lakas, Kaya. Kumain ka na at huwag nang mag-iiyak. Nabalitaan ko ang nangyari sa suite ninyo. Mukhang may ginawa na agad sa iyo si Kohen. Payo ko lang, kung anong gusto niya, gawin mo na lang kung ayaw mong mapahamak.” Nilingon ko si Kellan. Napatulo ang luha ko nang tignan ko siya kaya lalo kong nakita ang awa sa mukha niya. Gusto ko sana siyang yakapin, pero hindi ko ginawa dahil alam kong nagkalat ang mga CCTV dito sa yate ni Kohen. Naisip ko na baka kapag nakita niyang magkayakap kami ay si Kellan naman ang mapasama. “Kakain ako at magpapalakas. Kailangan ko ng lakas. Kailangan ko ng lakas para makatakas dito,” sabi ko na lang sa kaniya. “Kellan, you have no right to approach the boss’s wife. Excuse me, Madam Romano, but no one instructed him to come here. I apologize, but what this chef is doing is not allowed,” sabi ng isang armadong lalaki na hinatak agad si Kellan para ilayo sa akin. “Wait, he is my friend, so please do not hurt him,” sabi ko naman kaya tumango na lang lalaki at saka niya hinayaang umalis si Kellan. Napangisi ako. Isang sabi ko lang ay sinunod agad ako ng armadong lalaki. Bilang asawa ni Kohen, sinusunod na rin nila ako. Ngayon ko lang napansin na marami palang nakamata sa akin dito. May isa sa gilid, may isa kanan at may dalawa sa may dulo ng yate. Mga armado sila na para bang kapag tumakas ako ay pauulanan na lang nila ako ng bala ng baril. Habang kumakain ako, isip-isip ko tuloy kung paano ako makakatakas ngayon dito. Mukhang bantay-sarado na talaga ako. “Iwan niyo muna kami,” biglang sabi ng isang babaeng matangkad na mahaba ang buhok na may hawak din na baril. Isang sabi niya lang ay sumunod agad sa kaniya ang mga armadong lalaki. Paglapit niya sa akin ay nginitian niya ako. “Hello, Madam Romano. I am Serena Montana, the Mafia Queenpin,” pagpapakilala niya. Mas maganda siya sa malapitan. Ang sexy din. Mas maganda pa nga ata siya kaysa sa akin kaya’t bakit hindi ang babaeng ito ang nagustuhan ng Kohen na ‘yon? “Ano ‘yung Mafia Queenpin?” tanong ko tuloy sa kaniya. “Ang Mafia Queenpin po ay tumutukoy sa isang babaeng lider o pinuno ng mga armadong tauhan ng mafia boss. Ito ay nagbibigay-diin sa mataas na posisyon ng isang babae sa loob ng mga armadong yunit ng mafia at sa mga krimen na operasyon ng organisasyon.” Kaya pala may hawak-hawak siyang baril at kaya pala isang utos niya lang sa mga armadong lalaki na ‘yon ay sumunod na agad sila. “Anong masasabi mo sa akin, Serena? Anong masasabi mo sa pagpapakasal ni Kohen sa akin? Sa tingin mo ba ay mukhang masaya siya ngayong kasal na siya sa akin?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. “Maganda ka at bagay naman po kayo. Sa totoo lang po, nakakagulat talaga ang nangyari kagabi. Lahat kami ay nagulat sa pagpapakasal ninyo. History para kay Kohen ang nangyari kagabi. Alam niyo po kasi, hindi seryoso sa mga babae ‘yang si Boss Kohen. Wala siyang siniseryosong kahit na sino kaya nang magpakasal kayo, nagulat talaga kaming lahat.” “Tinakot niya lang ako kaya nagpakasal ako sa kaniya. ‘Yon ang totoo, Serena, ” pag-aamin ko sa kaniya. “Maaaring kaya ka niya tinakot ay dahil ramdam niyang hindi mo siya gusto, pero ang totoo niyan ay nagkagusto na agad siya sa iyo. Natatandaan ko kasi ang nasabi niya noon na kapag sa isang tingin palang ng babae ay nagkagusto na siya, pakakasalan niya raw ito kahit pa wala itong gusto sa kaniya. Gagawin daw niya ang lahat para pakasalan siya nito kaya mukhang totoo nga ang sinabi niyang ‘yon.” “Sinaktan niya ako kanina, Serena. Ayoko lang kumain, tinulak niya agad ako sa lamesa na puno ng mga pagkain. Gusto pa niyang sabayan ko siya eh, wala nga akong ganang kumain.” Para akong tangang nagsusumbong kay Serena. Siguro ay gusto ko lang ng may kausap sa ngayon. “Madam boss Kaya, para hindi na maulit ang nangyaring ‘yan, maaaring sumunod na lang po kayo sa kaniya. Gusto lang sigurong magpaka-sweet ni Boss Kohen sa iyo. Bilang bagong kasal na kasi siya, naisip niya siguro na ang bagong bukas kasama ang bagong asawa niya ay magandang kasabay niyang kumain ng umagahan. Tumanggi po kasi kayo kaya siguro nagalit siya. Kung anong gusto niya, sundin niyo na lang. Mabait naman siya kapag okay ka. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ‘yung inaaartehan at tinataboy siya.” Hindi ko mapigilang maiyak. Ganito ako kapag may kausap na ibang tao tapos binibigyan ako ng advice. “Salamat, Serena. Gusto na agad tuloy kita. Kahit mukhang nakakatakot ka dahil lider ka pala ng mga armadong tauhan ni Kohen ay napagaang mo ang loob ko dahil sa pagiging mahinahon mong magsalita. Again, salamat,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya at saka ngumiti. Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin siya para hayaang kumain na ako mag-isa. ** Gusto kong maligo kaya pumunta na ako sa owner’s suite. Pagpasok ko doon, nakita kong nakaupo sa sofa si Kohen. Nakatingin agad siya sa akin kaya binaba ko ang tingin ko sa sahig. “Gusto kong maligo kaya lang ay wala akong mga damit dito,” nahihiya kong sabi sa kaniya. Ang sakit pa rin kasi ng ulo ko kaya baka kapag naligo ako ay maibsan ang sakit kahit pa paano. “Napakababaw ng problema mo, Kaya. Maligo ka na lang at ako nang bahala sa susuotin mo,” sagot niya habang cold ang boses. “S-salamat,” nauutal ko pang sabi. Papasok na dapat ako sa banyo nang huminto ako sa paglalakad para tignan ulit siya, “pasensya ka na nga pala sa inasal ko kanina.” Narinig kong bumuntong-hininga siya. Wala naman na siyang sinabi kaya tumuloy na ako sa loob ng banyo para maligo. Pagpasok ko sa loob ng banyo ay nagulat pa ako na tila ba handang-handa na agad ang banyo. Parang swimming pool sa laki ang bathtub na puro bula na. May nakabukas pa na kandila dito tapos may naka-ready na rin na wine. May nakaka-relax na music pa na tumutunog kaya nawala bigla ang stress ko. Ang sarap talagang maging mayaman. Maliligo ka lang ang dami pang arte. Hanggang nandito pa ako, susulitin ko na lang muna ang mga ganitong experience. “Boss Kohen, akala ko po ay maliligo na kayo?” dinig ko sa labas na tanong ng isang lalaki. “Pinauna ko na muna si Kaya, gusto na raw niya kasing maligo kaya ihanda niyo na rin siya ng mga damit na isusuot niya. Lagyan niyo na rin ng mga damit pambabae ang closet room ko. Basta lahat ng gamit na pambabae ay ilagay niyo na rin sa closet room ko. Ayoko ng mga mumurahing gamit. Kahit million pa ang presyo ng mga damit, bilhin ninyo na agad. Gamitin na lang kamo nila ang mga eroplano para masundan tayo dito sa gitna ng dagat. Kailangan paglabas ni Kaya sa banyo ay nandito na ang mga damit at gamit niya.” “Masusunod po, Boss Kohen,” agad na sagot sa kaniya nung lalaki saka ito nagmadali nang paglalakad palabas ng suite. Napanganga na lang ako sa narinig ko kay Kohen. Grabe siya mag-utos sa mga tauhan niya. Gusto niya talaga ay agad-agad? Bigla tuloy akong nahiya. Daig ko pa ang reyna o prinsesa dito dahil sa narinig kong sinabi ni Kohen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD