Chapter 8

1174 Words
Kaya’s POV Dumating na kami sa napakalaking private island ni Kohen. Ang dami agad na nakaabang sa amin sa ibaba ng yate. Ang gagara ng suot, halatang mayayaman. May red carpet pa na tila doon pa kami maglalakad. Nasa hagdan palang kami ni Kohen, kinakabahan na ako. I couldn’t help but keep my hand on my chest because, damn, it felt like this would be the first thing people would notice here. “You seem tense, Kaya. You don’t have anything to be afraid of. I’m a mafia boss; everyone here sees me as their boss or king. Lahat ng bisita natin dito, mga tauhan o kakampi natin sa business o kahit saang pang tungkol sa yaman ko. Just chill and enjoy yourself here,” sabi niya nang hawakan na niya ang kamay ko. Nanginginig kasi ako. Pakiramdam ko may mga taong mangungutya sa akin dito. Boss ang tingin nila kay Kohen, tapos simpleng tao lang ako kaya may masasabi at masasabi sila sa akin kasi biglaang kasal lang din ito. I don’t know, sometimes I’m brave, but sometimes I’m cowardly. Maybe it’s because I know I have no allies here. Mayroon sanang isa, kaya lang ay tila wala rin siyang powers na ipagtanggol ako kasi takot din siya kay Kohen. But if I get the chance to talk to Kellan, I will find a way to escape from here. I really want to go home. I really want to see Tatay and Nanay. Umuulan ng petals nang maglakad na kami sa red carpet. Everyone is cheering and applauding while looking at Kohen and me. But what I noticed is that they are looking more at me than at Kohen. I already knew this would happen, so I’m not surprised. Hindi ako nakangiti. Seryoso lang akong naglakad hanggang sa makarating na kami sa villa. Doon, sinalubong kami ng mga staff ni Kohen. Agad nila kaming inabutan ng maiinom kasi pinagpawisan kami sa paglalakad sa red carpet. Akala ko kaunting tao lang ang madadatnan namin dito, hindi ko naman inaasahan na ganoon pala karami. Siguro lagpas isang libong tao ang bisita namin ngayong dito, I mean mga bisita pala ni Kohen. “Kohen, how are Vala Sinclair and Selena Sinclair related to her? Why does she resemble that famous fashion model so much? Don’t tell me they’re triplets?” tanong bigla ng isang babaeng lumapit sa amin na mukhang madam ang itsura dahil sa bonggang damit at sa dami ng suot niyang alahas sa katawan. Tinignan tuloy ako ni Kohen. “Sino ang mga babaeng tinutukoy niya?” pabulong tuloy na tanong sa akin ni Kohen habang nakaupo na kami sa kama. Umiling naman ako. “Hindi ko alam,” sagot ko na lang pero hindi ito ang unang beses na narinig ko iyon. Narinig ko na rin ang pangalan na Vala, pero iyong Selena, hindi pa, ngayon lang. “You might be mistaken, Rosita. Kaya is the only child of her parents. Anyway, iwan mo muna kami ng asawa ko dito sa sala at gusto muna naming magpahinga.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Kohen. Kitang-kita ko tuloy sa mukha ng babaeng iyon ang pagkadismaya nang dapat ay uupo na ito sa sofa para makipag-chikahan sa amin. Hindi natuloy ang pag-upo niya. Umalis ito nang maarte pa rin ang paglalakad, pero alam kong sa loob-loob nito, hiyang-hiya siya kasi parang napahiya siya sa akin. Ang lakas pa naman ng confident niyang lumapit sa amin, tapos paalisin lang pala siya ni Kohen. Ganito nga pala si Kohen kasungit sa iba. Kung ano-anong drinks ang pina-serve ni kohen sa amin dito sa sala. Hindi na niya ako tinanong. Ang sabi na lang niya ay mamili na lang ako sa lamesa kung anong gusto kong inumin. Gubayano ang na-trip-an ko kaya ito na ang ininom ko. Ang sarap, ang lamig at tamang-tama lang ang tamis kaya napawi ang pag-iinit at pawis ko. Nang makapagpahinga na kami, doon lang kami humarap ulit sa mga tao. May program pa nga kaya kahit pa paano ay nalibang ako sa mga babaeng sumasayaw at kumakanta. Nagulat lang ako sa mga regalo sa amin ng mga bisita ni Kohen. May kotse, pera, gold, lupa at kung ano-ano pa. Sinabi pa sa akin ni Kohen na wala na siyang pakelam sa mga regalong iyon kaya sa akin na lang daw lahat. “Kaya, maiwan muna kita. Makikipag-usap muna ako sa ibang mga bisita natin. Kung gusto mo sa villa ka na lang, kung wala kang makausap dito, mauna ka na sa kuwarto natin at magpahinga ka na, tapos naman na ang program. Saka, halata namang ayaw mo sa maraming tao.” Bago pa niya ako iniwan ay hinatid niya ako sa villa namin. Tumawag din siya ng security guard at mga staff na magbabantay sa akin at mag-a-assist ng kung anong kailangan ko. Ibigay daw sa akin ang kahit na anong hilingin ko. May mga security guard sa labas ng villa. Para raw sa safety ko iyon kasi minsan, kahit nasa island na, may mga kalaban pa rin si Kohen na bigla-bigla na lang susulpot. Mainam na raw iyong safe ako. Puwede na rin akong magbihis kaya inutos ko sa mga staff niya na dalhin na dito sa villa ang mga damit na dala-dala ko. Ayoko kasi talaga nitong suot ko. Nangangawit na ako sa kakatakip ko ng kamay sa dibdib ko. Habang hinihintay ko ang mga damit ko, pumunta ako sa itaas na kung saan ay mayroong terrace. Mula dito, natanaw ko ang magandang view ng dagat at ang maraming puno. Kahit na stress at natatakot ako sa lahat ng oras habang kasama ko si Kohen, sa ganda ng view ngayon dito, kahit pa paano ay nawawala tuloy ang stress ko. Sa ibaba, nakita kong may kumaway. Nagulat ako kasi si Kellan pala iyon. Dali-dali tuloy akong bumaba para puntahan siya. “Bumaba rin pala kayo ng yate?” tanong ko agad paglapit ko sa kaniya. Hindi siya nakasagot kasi sa dibdib ko agad siya nakatingin. Nagulat siguro siya kasi ganito ang suot ko. “Parang kang ewan sa suot mo, Kaya. Ano ba iyang pinasuot sa iyo na damit ni Kohen?” Napapailing tuloy siya. Inaya niya akong maglakad-lakad. Sa totoo lang, parang hindi pala island ito kasi ang daming mga restuarant dito sa gitna ng isla. Lahat may lamang tao. Lahat may kumakain. Sabi niya, libre raw lahat ng kainan ngayong araw dito dahil ito sa kasal namin ni Kohen. Sayang naman kung hindi ko mata-try ang mga kainan dito kaya kasama si Kellan, kumain kami sa mga gusto naming kainan. Para kaming nagde-date ni Kellan kaya buong oras na kasama ko siya, nalibang at nag-enjoy ako. Pero pakiramdam ko maraming nakamata sa amin. Na para bang pakiramdam ko ay may sumusunod na mga tauhan ni Kohen sa amin. Nakaramdam ako ng takot na baka makarating ito kay Kohen kaya inaya ko na lang si Kellan na lumayo sa maraming tao. Mahirap na, siraulo pa naman daw magselos si Kohen. Baka mapahamak na ni Kellan nang dahil sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD