Chapter 12

1850 Words
Kaya’s POV Late ako sa oras ng training ko kay Serena kaya may parusa tuloy ako sa kaniya. Nag-stay ako sa dagat ng isang oras habang hanggang leeg ang tubig. Madali lang naman nung una, kaya lang hindi ko inaasahan na pabugso-bugso pala ang malalakas na alon. Kung minsan, nalulunod na ako, kung minsan naman ay nakakainom na ako ng tubig. Hindi marunong maawa si Serena kasi kahit alam niyang nahihirapan na ako, nakatingin lang siya sa akin habang painom-inom lang ng juice. Pagkatapos ng isang oras na pagbababad ko doon, halos manlata tuloy ako. Pero hindi pa rin ako pinagpahinga ni Serena kasi tuloy agad kami sa training namin. Sa nangyari sa akin, hindi na ako magpapa-late pa sa training ko. Ayoko nang maparusahan ulit sa dagat na iyon. Aagahan ko na ang gising ko at aagahan ang pagkain ng almusal. Buwisit kasi si Kohen, kasalanan niya ito. Kung hindi niya pinagdiskitahan ang kaangkinan ko kanina, maaga sana akong nakapunta sa training ko. Báril, kutsilyó at espadá ang mga unang sandata na pinagamit sa akin ni Serena. Pero bago niya ako pahawakin ng mga ito, sinabi niya muna sa akin ang lahat ng dapat kong malaman. Kung paano ito hawakan at gamitin. Nakakatakot at nakakangilo, pero ito rin talaga ang gusto kong pagsanayin. Ito ‘yung training na gusto kong pag-focus-an kasi magagamit ko ito sa kahit na sino sa kanila sa oras na gumaling ako sa paggamit ng mga sandata. Lunch break nang maghiwalay na kami ni Serena. Pagdating ko sa villa namin ni Kohen ay naabutan kong busy siya sa pakikipag-usap sa telepono niya. Ngumiti siya sa akin, tumango naman ako at pagkatapos ay tumuloy na sa kuwarto ko para maligo ulit. Pagkatapos kong maligo, kumain na kami ni Kohen ng tanghalian namin kasi ako na lang pala ang hinihintay niya. “Halatang pagod na pagod ka sa naging training mo,” sabi ni Kohen nang makita niyang gutom na gutom ako. “Pinarusahan ako ni Serena kanina, e. Na-late ako sa oras ng training ko dahil sa ginawa mo sa akin kanina. Ayon, isang oras tuloy akong langoy nang langoy sa dagat. Isang oras akong—halos nakikipaglaban sa mga matataas na alon. Ang dami ko rin atang nainom na maalat na tubig. Ang hirap nun,” sabi ko sa kaniya habang abala ako sa pagbabalat ng sugpo. Ang dami na naman kasing pagkain na pinahanda si Kohen. Akala mo may birthday-han. Punong-puno ang lamesa namin ng mga masasarap na pagkain. Ako lang ‘yung maraming kinakain, habang siya naman ay patikim-tikim lang. Ganoon lang siya kumain “Ganoon talaga sa training, Kaya. Kailangan mong maparusahan kung minsan kapag may mali kang nagawa. Sa totoo lang, mabait pa si Serena sa naging parusa mo. Ang parusa kasi dapat para sa mga late sa pagte-training ay ang pagpu-push up ng isang daang beses. Mapa-babae man o lalaki, ganoon karami ang push-up pagdating sa parusa,” sabi niya kaya natakot ako bigla. Kung ganoon ang naging parusa ko kanina, baka hindi na ako makahawak ng baril at espada kasi tiyak na manginginig ang mga tuhod at kamay ko. Pagkatapos naming mag-lunch ni Kohen ay nagpasya siyang mag-half day lang muna ako sa training ko. Sabi niya kasi ay samahan ko raw siyang mag-ikot-ikot mamaya dito sa island. Marami raw taong papunta ngayon dito. Birthday daw kasi ng isang kaibigan niya at nag-request ito kay Kohen na sa island na ito dadalhin ang mga bisita niya. Pumayag naman siya kasi gusto raw ni Kohen na maging maingay ang buong island. Baka daw kasi nabibingi na ako sa katahimikan. Ngayon gets ko na kung bakit kanina, nakita kong maraming mga staff niya ang palisaw-lisaw sa labas. Naghahanda pala sila dahil mag-o-open ang mga restuarant dito. At dahil mamaya na parating ang mga bisita, naka-open na raw ngayon ang mga restuarant dito. Buong island ay malinis at maayos na ulit. Kaya nung alas dos na ng hapon, nag-ikot-ikot na kaming dalawa. Para ngang tanga si Kohen kasi gusto niya nakabihis pa kaming dalawa. Kaya ito, naka-floral dress ako habang siya naman ay naka-floral na polo. Parang date ata ang gustong mangyari ni Kohen. Island lang ito pero para akong nasa Boracay ako. Sobrang dami kasing kainan. Ganito kayaman itong lalaking nakapangasawa ko. Napangasawa ko sa katangahan ko. “Ang sarap nung mga food sa Korean restuarant na ‘yon,” sabi ko kay Kohen paglabas namin doon. Ito ang unang kinainan namin. “Oo, masarap talaga ang mga pagkain diyan kasi lahat ng chef ko doon at mga staff ay mga half korean, half pinoy. Saka, lahat ng chef diyan, pinag-training ko sa isang magaling na paaralan sa pagluluto sa bansang Korea,” sagot niya habang magka-holding hands pa kami. Sa totoo lang, ibang Kohen na iyong nakikita ko ngayon. Mabait at mukhang hindi walangya. Mukhang tinototoo na niya ang sinabi niyang magiging mabait na palagi pagdating sa harap ko para hindi na kami nag-aaway. Talaga ngang bumabawi na siya sa akin dahil sa ginawa niya kay Kellan. “Dito naman tayo, gusto kong matikman ang mga japanese food,” aya ko sa kaniya sa japanese restuarant dito. Ang bango kasi pagtapat namin sa pinto kaya parang inaaya ako ng mga pagkain doon. “Sige, tara sa loob at magpakabusog ulit tayo,” sagot niya. Pagdating namin sa loob, agad naman kaming inasako ng mga staff niya dito. Ang gara nga kasi isang senyas lang ni Kohen ay alam na agad ng mga staff doon ang mga dapat nilang gawin. Sa tingin ko, ang ibig sabihin niyon ay iluto nila ang lahat ng best seller dito. Ganoon din kasi ang ginawa niya kanina sa Korean restaurant. “Nga pala, Kohen, ano itong island mo na ito, nag-o-open lang ba ito kapag may event kayong gagawin dito?” tanong ko sa kaniya habang hinihintay ang mga pagkain namin. Marami akong gustong malaman sa kaniya at dito sa island kaya oras na rin siguro para makipag-chikahan ako sa kaniya. “Actually, open naman talaga ito sa lahat ng oras, pero dahil dito tayo naka-stay ngayon, nagpasya akong hindi muna isa-publiko ang island na ito. Gusto ko, pang sa atin lang muna ang island na ito,” sagot niya kaya napantango na lang ako. Naisip ko na baka sobrang mahal kapag nagpunta dito sa island na ito. Bukod kasi sa malaki at maganda na ang island na ito ay masyado pang malayo. Hindi ko pa alam kung anong plano ni Kohen. Dito na kaya niya ako bubulukin? Dito na niya kaya ako aanakan ng marami at patatandain? Naiisip ko palang iyon ay nalulungkot na agad ako. Kasi sa totoo lang, mahirap talagang tumakas dito. Lahat kasi ng dulo, gilid at bungad nitong island ay maraming mga armadong tauhan niya na nagbabantay. Mga nagbabantay para sa mga kalaban niya at para na rin siguro hindi ako makatakas. “Kohen?” tawag ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. Binaba niya tuloy ang cellphone niya sa lamesa. “Yes, Kaya?” seryoso naman niyang sagot. “Hanggang dito na lang ba ako sa island na ito? Hindi na ba tayo lalabas dito? I mean, hindi sa gusto kong umuwi na at layasan ka na. Naisip ko lang, gusto ko pa rin talagang malibot ang buong mundo. Gusto kong ma-experience magpunta sa ibang bansa, kaya gusto kong itanong sa iyo na dito na ba tayo maninirahan habang buhay?” tanong ko sa kaniya habang seryoso ang mukha at boses ko. Nang sa ganoon ay hindi siya mag-inaso. “Hindi, may mga plano rin naman ako sa ating dalawa at sa mga magiging anak natin. Saka, huwag lang mag-alala, mangyayari naman ang mga gusto mo. Kung anong gusto mo, gagawin natin, promise ko sa iyo ‘yan. Pero sa ngayon, hindi ko muna mabibigay iyon kasi may mga inaasikaso pa akong mga trabaho ko. Anyway, tungkol sa trabaho, kapag handa ka na, pahahawakin na rin kita ng mga business natin. Sa ngayon, enjoy mo na lang muna ang lahat-lahat dito sa island,” sabi niya kaya parang tumataas ang balahibo ko. Sa kung paano kasi siya magsalita ay parang seryoso at nagsasabi ng totoo. Para bang tanggap na tanggap na niya na asawa na niya ako. Na parang pakiramdam ko ay parang hindi naman pala ganoong kasama si Kohen. Pero hindi pa rin dapat akong maniwala at magtiwala hanggang hindi ko pa siya nakikilala nang lubos. Sa ngayon, tanging pagtango at pagsunod na lang muna ang gagawin ko para walang maging problema. Pagka-serve ng mga japanese food namin ay nag-umpisa na agad kaming kumain. Unang tikim at subo palang sa mga pagkain dito, napapalaki agad ang mga mata ko sa sobrang sarap ng mga pagkain. “Alam mo, Kaya, chill lang. Huwag kang magpakabusog sa mga pagkain, tikman mo lang para makain mo pa ‘yung ibang restuarant na pupuntahan natin,” suggest niya kaya tumango na lang ako. Kaya lang kasi kapag sobrang sarap, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Napapasunod-sunod din talaga ang kain ko. Pagkalabas namin doon, sinabi ko sa kaniya na mamahinga muna kami kahit saglit lang. Sabi niya kasi ay sa ice cream shop naman kami kakainin namin. Pinagtatawanan tuloy ako ni Kohen kasi nakita niya na lumaki ng kaunti ang tiyan ko sa dami nang kinain namin ngayong hapon. Kaya ang nangyari, inaya na muna niya ako sa tuktok ng light house dito sa island niya. Kung mamahinga raw kami, magandang place ang light house dito sa island. Tamang-tama, umakyat kasi kami ng mahabang hagdan kaya kahit pa paano ay matutunaw agad ang mga kinain kong pagkain. Napanganga ako nang makarating na kami sa itaas ng light house. Mula kasi dito sa itatas ay tanaw ang kabuuang dagat. Tanaw din dito ang palubog ng araw. Tapos, nakita rin namin dito na pababa na sa mga yate ang mga bisita ng kaibigan ni Kohen. “Sa tingin ko, sa ibang araw nalang natin tikman ang ibang kainan dito, marami ng tao ngayon,” sabi niya sa akin habang nakaakbay sa balikat ko. “Bakit, hindi ba tayo puwedeng makisabay sa kanila?” tanong ko tuloy sa kaniya. “Eh, ikaw kasi ang iniisip ko. Baka ayaw mo kasi ng maraming tao na kasabay sa pagkain sa mga restuarant natin dito,” sabi naman niya kaya tumawa ako. “Nung una lang iyon kasi nahihiya pa ako. Pero, nandiyan ka naman na. May kasama na ako kaya hindi na ako mahihiya,” sagot ko sa kaniya. Nakita kong ngumiti siya dahil sa sinabi ko. “Natutuwa ako, Kaya, kasi pakiramdam ko ay nagkakasundo na tayo. Mag-asawa na tayo kaya dapat lang na maging ganito na tayo ka-close ngayon,” sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Para tuloy kaming nasa isang pelikula. Na kung saan ay narito kami sa isang romantic place habang nagde-date. Bakit pakiramdam ko ay bigla akong naging panatag na kasama si Kohen. Anong ibig sabihin nito? Ang sabi ko kikilalanin mo muna siya, pero bakit sa inaasta ko ngayon parang tanggap ko nang si Kohen na talaga ang asawa at makakasama ko habang buhay. Anong nangyari sa akin?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD