Chapter 5
Fierce Mitzy's POV;
"Tayron"ani ko ng makita ko si Tayron na nasa sofa pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Terron.
"Buti naman mom naisipan mo pang silipin ang kapatid ko dito?"walang emosyong ani nito sakin na ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Hindi ko tuloy alam kung bata pa ba itong kausap ko.
"Tayron mommy mo pa din ako matuto kang gumalang"saway ko sa anak ko bago lumapit sa kama at halikan sa noo si Terron.
"Hanggang kailan ka magsisinungaling mom?"tanong ni Tayron na kinatingin ko.
"What do you mean?"tanong ko habang nakatingin kay Tayron.
"Tuwing pipikit si Terron at hinahanap ang daddy namin si Mr.Tayson ang ang pinapakilala mo."sagot ni Tayron bago tumayo at lumapit sakin dala ang isang recorder ng iplay niya yun.
'Nalulungkot ako tuwing tinatanong ko kay mommy kung nasan ang daddy natin nagsisinungaling siya..hindi man niya ang makilala ang daddy natin pero tayo makikilala natin siya dahil anak nila tayo hindi ba alam yun ni mommy Tayron?'
Ang boses na yun..Terron.
"Hindi ko maintindihan mommy bakit kailangan niyong paulit ulit magsinungaling samin"dagdag ni Tayron bago bumalik sa sofa at kuhanin ang bag.
"Uuwi na ako sisilipin ko pa si Terry"paalam ni Tayron bago lumabas ng silid.
Napahilamos na lang ako sa mukha at napaupo sa gilid ng kama ni Terron dahil sa sobrang frustration ko.
Bakit kasi siya pa?kung ibang lalaki lang yun baka posible pang ipakilala ko siya sa anak namin pero hindi.
Siya at ang pamilya ang mga demonyong sumira sa pamilya ko sila ang dahilan bakit wala na akong pamilya ngayon sila ang sumira ng buhay ko.
Ace Lawrenz's POV;
"Madaling araw na ah"napatingin ako sa harapan ng upuan ko ng umupo si Prime kasunod si Ephimer at Ice na naghanap ng kani kanilang pwesto.
"Bakit gising pa kayo?"tanong ko bago magsalin ng alak sa baso.
"Pinatulog ko pa yung triplets"sagot ni Prime na kinatawa ko.
"Nasan si Sheena at ikaw ang nagpatulog?"tanong ko ng kuhanin niya yung hawak kong wine.
"Hirap makatulog si Light kaya ako na nagpatulog sa triplets"sagot ni Prime.
"Kamusta na si First Ephimer?"tanong ni Prime na kinatingin naming dalawa ni Ice.
"Okay lang naman hanggang ngayon tulog pa din siya."sagot ni Ephimer.
"Eh ang puso mo buo pa ba?"natatawang tanong ko na kinatawa ni Ice.
"Gago!"mura ni Ephimer na kina apir naming dalawa ni Ice na kinailing naman ni Prime.
Kahit kailan napaka kj talaga nito ni Prime.
Fierce Mitzy's POV;
"Hanggang kailan mo ako susundan?"naiinis na tanong ko bago lingunin ang taong kinamumuhian ko ng buhay ko.
"Hanggang sa makauwi ka masyado ng gabi para sa isang tula--"
"Hindi ba dapat ako ang mag alala?dahil kasama ko ang taong nanamantala sakin?"putol ko na kinatigil niya.
"Umalis kana hindi ko kailangan ng tulong mo"malamig na sambit ko bago ipagpatuloy ang paglalakad ko.
Bakit pa kasi nasira ang kotse ko at walang dumadaan na sasakyan dito kung iniisip niyo na natatakot ako nagkakamali kayo..dahil kayang kaya ko na protektahan ang sarili ko kaya kong pumatay ng kahit sino maliban kay--.
"Diba sabi ko wag mo akong susundan!"bulyaw ko kay Lawrenz ng makita kong nasa harapan ko na ito.
"Wag kang feeling hindi kita sinusundan nakita mo nasa harapan mo na ako?ikaw ang sumusunod sakin."nakangising sagot nito tangna!
Ace Lawrenz's POV;
Nang nasa labasan na kami kung nasan ang mga sasakyan mabilis na pumara ng taxi si Mitzy na kinabuga ko ng hangin.
"Sana kahit isang beses lang hayaan mong makapag explain ako"bulong ko habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Mitzy.
3rd Person's POV;
"A-ano?"halos mawalan ng kulay ang mukha ni Mr. Montevero ng pagbalik na pagbalik niya galing ng France bumungad sakanya ang katawan ng kaisa isa niyang anak na wala ng buhay.
"S-sinong gumawa nito?Erica!"sigaw ng matanda bago hawakan ang kamay ng anak.
"Pinasok ng mga Vancouver ang lab My lord at ayon sa mga Scientist na nakalabas ng Lab nagwala na lang daw bigla yung bata at lahat ng Scientist na nagchecheck sa bata pinatay."sagot ng binatang nasa edad dalawangput walong taong gulang.
"Vancouver!Vancouver! Putanginang mga Vancouver yan!"galit na galit na sigaw ng matanda.
"Pagbabayarin nilang lahat ang ginawa nila sa anak ko magbabayad sila"walang emosyong dagdag ng matanda bago halikan sa noo ang anak.
"Hindi ako papayag anak na mawala ka sakin ng ganun ganun na lang pagbabayarin natin lahat ng taong gumawa nito sayo"bulong ng matanda bago haplusin ang buhok ng anak.
Tayron's POV;
"Gising kana."bungad ko ng makita kong bumangon ang kakambal ko.
"Kuya Tayron"ani nito ng makita akong nakaupo sa sofa.
"Ilang days--"
"Tatlong buwan ka ng tulog"putol ko sa tanong niya na kinabuga niya ng hangin.
"Wala naman akong sakit diba?"tanong niya na kinailing ko.
"Mas mabuti na ding lagi kang tulog para hindi malaman nina mama n--"
"Pero ikaw kuya kaya mo hindi ka ba nahihirapan?"putol niya sa sinasabi ko na kinatingin ko sa kakambal ko.
"Kailangan ako ni Mom at Terry hindi ako pwedeng maging mahina."sagot ko bago tumayo at lumapit sa mini ref na nasa kwarto.
"Anong gusto mong kainin?"tanong ko bago buksan yun.
"Nagpa dye ka ng buhok"komento ni Terron pero imbis pansin ang sinabi niya kinuha ko yung ice cream at chocolate sa ref.
"Kumain kana"ani ko.
"Kuya Tayron natatakot ako sa maaring mangyari sayo pag pinagpatuloy mo pa yang ginagaw--"
"Okay lang ako Terron"putol ko sa kakambal ko.
"Pero kuya--"
"I said im okay Terron!kaya ko kailangan kong kumilos.. ako ang pinakamatanda sating tatlo at hindi ako pwedeng nakahiga lang."naiinis na putol ko sa kakambal ko.
Kailangan ko maging malakas para sa mga kakambal ko at kay mom hindi ako pwedeng maging mahina.