PREVIEW

269 Words
"Mali 'tong ginagawa ko, hindi dapat ako nandito!" Halos mapasabunot na ko sa sa aking buhok, pano ko nagawang gantihan ang halik niya. Umiling-iling naman siya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Walang mali sa pagmamahal Kate! Kaya ka nandito dahil alam mo sa sarili mo na may kulang, at handa ako'ng punan ang pagkukulang na 'yun and please hayaan mo ko at hayaan mo ang sarili mo na mahalin ako, mahalin natin ang isa't-isa." Hinawi ko ang magkabilang kamay niya at tinalikuran ko siya. "Ano bang sinasabi mo, I have a husband at isa pa babae ka, babae ako, at mas babae pa nga ang ayos mo kaysa sa akin, mas maganda at sexy siguro naiingit lang ako sa'yo dahil mas maraming kang oras para sa sarili mo, I'm just a bored wife na naghahanap ng makakausap, ng bagong kaibigan kaya ako nandito, 'yun lang yun!" Hinablot naman niya ang isang braso ko at pilit ako'ng ipinaharap sa kanya. "Walang problema sa akin kung may asawa ka, at ano naman kung babae ako, walang pinipili ang pagmamahal, mahal kita at alam 'kong mahal mo din ako, please sabihin mo na gusto mo din ako, na mahal mo din ako!" Umiling-iling ako at pilit 'kong tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. "Hindi pwede ang gusto mo, hindi kita pwedeng mahalin sa paraan na gusto mo!" At nagmadali ako'ng lumabas sa apartment na tinutuluyan niya at hindi na lumingon pa. ❗WARNING: This story contains adult themes and sensitive topics (strong language, detailed sѐx, alcohol, etc.) that are unsuitable for some readers. Reader discretion is advised.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD