JC Tulog si Trixie nang pumasok ako sa kanyang hospital room. Payat siya at humpak ang pisngi. Nangingitim rin ang gilid ng kaniyang mga mata at namumutla ang mukha at mga labi. “Kumusta si Trixie?” walang emosyon na tanong ko sa nurse na nagbabantay sa kanya dito sa silid. “Ngayon lang po siya nakatulog, sir,” mabilis na sagot nito. Kunot ang aking noo nang bumaling ako sa nurse na kasama ko at tinanong ito. “Anong ngayon lang natulog?” Wala naman siyang ginagawa dito sa silid niya maghapon. Maliban sa araw kapag may gagawing treatment, kain at tulog lang ang araw-araw na routine ni Trixie, kaya hindi ko inaasahan na nagpupuyat siya. “Kahapon pa po, hindi maganda ang pakiramdam niya, sir, kaya tinawagan ko po kayo kagabi, kasi nakikita ko pong malungkot siya. Pero may mga pagkakata