JC Hindi agad sinagot ni Trixie ang tanong ko sa kanya kung bakit siya pinuntahan ni Danaya dito sa ospital at kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. “I'm asking you, Trixie.” Hindi ko napigilan ang inis na nararamdaman ko ngayon dahil nakikita kong ayaw magsalita ni Trixie. Mas lalo lamang tuloy akong nakaramdam ng pagdududa dahil sa nakikita kong kilos niya ngayon sa harap ko. “Wala naman akong isyu kay Danaya, JC. Ayos naman kami nang pumunta siya dito sa silid ko, kaya hindi ko maunawaan kung bakit tinatanong mo ako ngayon tungkol diyan.” Ramdam ko na umiiwas si Trixie na sagutin ang tanong ko. Ayaw kong magpadalos-dalos ngayon sa harap niya, kaya kumalma ako dahil alam kong hindi maganda ang kondisyon ni Trixie. “I have no problem with that, Trixie. I just wanted to know kung