KABANATA 3

1705 Words
KABANATA 3 “Shan!” “Shan~” “Hey c’mon, Shan!” Inis akong nagtago sa likod ng paaralan matapos kong masalisi si Raine. Tatlong araw. Tatlong araw magmula nang magbukas ang klase at sabihin ni Raine na gusto niya akong maging kaibigan ay hindi na niya ako tinantanan. Sinabi ko na sa kaniya noong araw na iyon na ayaw ko, pero matigas yata ang ulo niya. Lagi siyang nakaabang sa labas ng classroom namin kasama ang nabuburyo na niyang mga kaibigan para lamang ambangan ako. Kada pasok ay binabati niya ako sa gate, kada tanghalian ay pinipilit niya akong sumabay sa kanila, at kada uwian ay nakabantay siya sa labas ng classroom para raw sabay kaming lahat maglakad palabas. Bakit? Dahil kaibigan daw nila ako. Bumuntong-hininga ako at napakamot sa ulo ko. Sa totoo lang, medyo naiinis na ako sa kaniya kahit sa tatlong araw na iyon ay wala naman talaga siyang ginagawa na masama. Sa totoo lamang din ay nakaramdam ako ng tuwa dahil sa unang pagkakataon ay may gustong kumaibigan sa akin, kaso hindi nakatutulong. Mas uminit ako sa mga mata ng lahat lalo na sa mga babae. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na halos lahat ng mga babae rito ay may gusto kay Raine. Kaya bakit ba siya nagsasayang ng oras sa kagaya ko? Gusto kong hayaan na lamang nila akong lahat. Wala naman akong ginagawa para dumikit sa kanila, pero bakit ba sila dikit nang dikit sa akin? If they hate my existence, then they should just leave me alone. Naupo ako sa damuhan at sumandal sa pader. Hindi kaaya-aya ang paligid rito sa likod ng paaralan, pero magmula pa man noon ay heto na ang taguan ko. Dito ako nakararamdam na ligtas ako at nakaiiwas sa mga taong hindi ko alam kung bakit ayaw akong pabayaan na mag-isa. Siguro nga sa mukha at esatado ko ay nakatutuwa talaga akong pagkatuwaan. Sabi nga nila, people are easy to judge. Kinuha ko sa bag kong lumang-luma na ang natatanging baon ko sa pananghalian na tinapay. Habang kagat ko iyon ay kinuha ko rin mula roon ang notebook ko kung saan ako nagsusulat ng pinakamamahal kong mga kuwento. I was already engrossed and out of the world when I heard voices that made me shiver. “Found you.” Sam grinned and I already panicked. Akala ko ay siya at ang dalawa niya lamang na alipores, ngunit may kasama pa siyang halos sampu na iba pang mga babae. Hindi na ako magtatanong, tiyak patungkol ito kay Raine. Kilala ko ang ilan sa mga babae na kasama rito ngayon nila Sam. Ilan sa kanila ay nakikita ko minsan na umaaligid kay Raine. Kahit sila Sam man, sigurado akong may gusto rin kay Raine. “U-Umalis kayo…” naroon ang kakaibang takot sa boses ko na mukhang mas nagpatuwa kay Sam. Tumayo ako yakap ang bag ko. Ang pananghalian kong isang pirasong tinapay lamang ay nalaglag na sa lupa. Kung sasaktan nila ako ngayon, tiyak na sobra akong mapupuruhan. Hindi na ako kaagad malakas na klase ng babae at ngayon pang gutom na gutom ako ay doble na akong mahina. Well, at the first place, I’m already weak. “You’ve been cocky recently don’t you, weirdo?” Lumapit si Sam sa akin na may kakaibang ngisi sa mga labi. “Nagpapapansin ka na rin kay Raine, huh? Sobra ka bang natuwa noong niligtas ka niya? Huwag kang mayabang!” galit niyang sigaw! Napakagat ako sa ibaba ng aking mga labi. Ako pa ang nagpapapansin ngayon? Bulag ba sila? Kita naman nila na si Raine ang lapit nang lapit sa akin hindi ba? O masyado lamang silang nabulag na hindi ang tipo ni Raine ang makihalubilo sa kagaya ko? Masyado silang nabulag sa pagkagugusto nila sa kaniya. Iyong tipo na nasa harap na nila ang mga ebedensiya at nakahain, ayaw pa rin nilang lunukin. Ang tingin kasi nila kay Raine, iyong tipo na sinasamba at hindi bastang papatol sa isang hampaslupa. “W-Wala akong kasalanan! Siya ang lumalapit sa akin, hindi ako!” panlaban ko. Nakita ko kung paano nalukot ang mukha ni Sam dahil sa pagsigaw ko sa harap niya. Naisip ko na kailangan ko ring tumayo para sa sarili ko. Habang buhay na lamang ba na ganito? Habang buhay ko na lamang silang hahayaan? Kung hindi ko ipaglalaban ang karapatan ko ngayon? Kailan? “Mayabang ka na nga…” Tumingin siya sa mga babaeng kasama nila. “Hawakan niyo ‘yan at huwag niyong hayaan na pumalag.” Napaatras ako nang unti-unting lumapit sa akin ang mga kasama nilang babae. Sila Sam at ang dalawa niyang alipores ay nakatayo lamang doon, bahagyang tumatatawa. They all pinned me on the dirty ground. Dahil sa mahina na kaagad ako at gutom pa, hindi na ako nakalaban. Palihim akong napadaing dahil sa masakit kong katawan na may iba pang pasa na hindi humihilom. Ano sumpa ba ang mayroon sa araw na ito? First day na first day ng taon ko bilang fourth year, ganito agad ang bungad. Mukhang kasumpa-sumpa ang huli kong taon bilang highschool. “B-Bitawan niyo ako.” I felt dizzy. “Ilalagay ka lamang namin sa tamang lugar, weirdo.” Lumapit si Sam at inapakan ang ulo ko. “Masyado ka nang masakit sa mga mata.” Kagaya ng nakasanayan, pinahirapan na naman nila ako. Ngunit, mas matindi ngayon dahil marami sila. Kung mga kalmot, sabunot, at sampal lamang ang ginagawa nila Sam noon sa akin, ngayon ay may tadyak at sapak na sa mukha. Sigurado ako na kapag nakita ni tatay ito pagkauwi ko ay dadagdagan niya pa. Isa pa iyon, hindi anak ang tingin sa akin. Inaapi na nga ang anak sa labas, inaapi niya rin sa loob ng bahay. “Alam mo, kyruyoso talaga ako palagi kung bakit nagsusuot ka ng mga mahahabang damit kahit sobrang init. Siguro may tinatago ka riyan sa katawan mo, ano?” mapaglarong sabi ni Sam na labis na nagpatibok ng puso ko. “Ano kaya kung hubaran natin siya at ipakita sa lahat ang tinatago niya?” suhestiyo ni Francheska. “That’s a good idea.” I was filled with horror. Nagpumiglas ako sa mga kamay na may hawak sa akin pero sa rami nila, ano ang laban ko? Thoughts came flooding on my mind, tila may mga boses na bumubulong sa akin. I can clearly feel my eyes are already bloodshot. Nang marinig ko ang bahagyang pagkapunit ng jacket ko dahil sa marahas nilang paghila noon ay tila may sumirit sa mga tenga ko. I was close. Close to madness. To the other me that I can’t control sometimes. Ang isang ako na nagbibigay ng mga sugat sa aking katawan. Mabuti na lamang, may isang babae na mukhang look-out nila ang humahangos na tumakbo sa kinatatayuan ni Sam. Kung hindi siya dumating para sabihin ang isang magandang balita, hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin. Will I let myself be hysterical in front of these people? Baka nga. “Sam! Sam! Mukhang pupunta sila Raine dito sa likod, kanina pa niya hinahanap si weirdo sa mga kaklase nito!” Sam got alarmed at binitawan na rin ako ng mga babae nilang kasama. Naiwan ako roon, nakasalmpak sa lupa. Gulo ang buhok maging kasuotan. Tila ako na-r**e. Marumi na rin ako dala ng pagsalampak nila sa akin sa lupa. Pinilit kong maupo kahit nalukot kaagad ang mukha ko sa nananakit kong katawan. Inayos ko ang damit ko at kinalma ang aking sarili. I hugged myself, I am trembling. It’s okay, Shan. I hate them. It’s okay. Sana mamatay na silang lahat. Kalma. Gusto ko na ring mamatay. Wala na sila. Tulong. Tulungan niyo ako. I gasped to myself when I realized I’m on it again. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinaalis ang boses na iyon sa aking isipan. Unti-unting nawawala ang panginginig ko at nagising ako sa aking pagkatulala. Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang likod ng aking mga kamay. Hinanap ng aking mga mata ang aking mga kagamitan at nang makita ay pagapang ko iyong kinuha. Nasasayangan akong tumitig sa nasayang kong pagkain ngunit wala na akong magagawa, marumi na iyon at inapakan pa nila. Nanghihina akong tumayo at kinuha ang mga dumi sa aking kasuotan. Nakagat ko ang ibaba ng aking mga labi nang makakita ng kaunting dugo malapit sa aking palapulsuhan. Hinila ko ang manggas ng aking jacket para maitago iyon. Mukhang nagdurugo na naman ang aking hiwa. “There you are!” Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Raine. Kaagad akong yumuko, pilit na tinatago ng magulo at mahaba kong buhok ang aking mukha. Bakit ba siya lapit nang lapit sa akin! Imbes na mabawasan ang problema ko ay dumagdag pa dahil sa kaniya. “Bakit ba pilit mo pa ring kinakaibigan ang weirdo na iyan?” I heard the disgust on one of his friend’s voice. “Franciz, itigil mo ‘yan.” I jolted kung gaano kaseryoso ang boses ni Raine. Kailangan ko nang umalis. Baka may makakita na naman na magkalapit kami. Pahihirapan na naman nila ako. Baka nasa paligid pa sila Sam. Baka next time, hindi lang ito ang abutin ko. I feel so anxious. Nakayuko akong nagsimulang maglakad and as much as possible, hindi ko hinahayaan na maging malapit sa gawi nila. Ni hindi ko rin sila tinitignan pero alam kong nasa malapit lamang sila. Nakararamdam na rin ako ng pagkahilo at kumakalam na rin ang sikmura ko. “Teka, Shan!” Nagulat ako nang makalapit si Raine sa akin at hawakan ako sa palapulsuhan kung saan sariwa pa ang isang hiwa. “T-Teka… anong nangyari sa iyo?” Nanlalabo na talaga ang paningin ko. Nanghihina na rin ako. Gusto ko na lang ipikit ang nambibigat ko nang mga mata at huwag nang gumising. Nakita kong bumubuka ang bibig ni Raine, tila may sinasabi pero wala akong marinig. Nakatitig lang ako sa kaniya. Nakita ko ring lumapit ang mga kaibigan niyang sunggab ang mga kilay. Pagod na ako. And the next thing I knew, everything became dark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD