Chapter 10
Matapos ang Pagtuturo ni Jinky kay Santa ay sinamahan siya nito sa gilid ng opisina kung nasaan ang isang maliit na kwarto. Dito ito pwedeng tumuloy minsan ring natutulog dito si Jinky pero kadalsan at umuuwi rin ito sa kanila.
Studio type lang pero kumpleto naman ito may sariling Cr at maliit na lababo kung saan may kalan na pwedeng paglutuan. Wala itong kwarto at kama pero nilagyan na lang nila ng tabing na kurtina ang pinaghatian nilang space.
Jinky:” Ano okay ka ba dito?”
Santa:” Oo maayos naman atleast safe naman dito diba?
Jinky:” Wala naman nakakapasok dito kaya safe saka dadalasan ko ang pag tulog dito para may kasama ka”
Santa:” Mabuti naman” May trauma pa rin kasi siya sa mga nangyari sa kanya.
Jinky:” Libre ang kuryente at tubig dito dahil sa konektado naman sa simbahan pagkain na lang ang bibilhin mo pero pag sabado at lingo libre may nagdadala dito kasi may mga meeting ‘yung mga officer. O kahit nga normal na araw pag may nag dala minsan kasi hindi naman kinakain ni Father at binibigay lang sa mga staff”
Santa: “Mukhang Malaki laki ang maiipon ko dito ah halos libre pala lahat. Alam mo ba nung una ay takot na takot ako na pumunta dito dahil baka san lang ako pulutin alam mo naman pag galing sa probinsiya tapos mapupunta sa siyudad”
Jinky: “Saan ba kayo nagkita ni Ma’am Selda?”
Santa: “Nakasabay ko siya sa bus mabuti nga at inaya niya ako dito kaya ayun nga nakapasok ako dito buong akala ko nga sa kalsada ako matutulog pagbaba ng bus”
Jinky: “Bakit wala ka ba pera? Gusto mo pahiramin muna kita? Sa Isang lingo pa ang sahod” Umiling ito.
Santa: “May ipon naman ako hindi lang kalakihan pero sasapat naman hanggang sa sahod laking tipid na nga at pagkain lang pala ang ibubudget ko”
Jinky: “Oo mas maski minimum alng dito ay laking tipid lalo ka na wala ka pang pamasahe dahil nandito ka na rin nakatira”
Santa: “Malayo pa ba ang bahay mo dito?”
Jinky: “Hindi naman mga dalawang sakay lang pag kasi may maagang events dati ay dapat maaga ako dahil ako ang nag aasikaso kaya pinagawa ‘yung kwarto minsan nandun din ang mga volunteer na nakikitulog” Kinabahan naman bigla si Santa na may ibang nakikitulog sa kwarto. Napansin ito ni Jinky.
Jinky: “Puro babae naman huwag kang mag alala tulad nung mga naabutan mo dito diba mga kabataan din” Tumango ito.
Santa: “Buti naman kung puro babae lang”
Jinky: “Madalang may lalake na maligaw dito maski mga offier hindi pumapasok dito. Sa susunod dadalhin ko yung isang TV para may mapanooran tayo. Sa Cellphone lang kasi ako nanood dahil libre din ang wifi. Bukod kasi sa isang electricfan ay wala ng ibang appliances na naroon”
Santa: “Ayos lang hindi naman ako sanay na manood ng TV maski doon sa amin”
Jinky: “Hahaha Parehas tayo ako mga English movies o Kdrama lang ang pinapanood ko”
Santa: “Pagsahod bumili tayo ng mga stock na pagkain dito”
Jinky: “Oo sige saka dadalhin ko yung mini ref naming sa bahay tambak lang doon pero gumagana pa naman para malamig naman ang mainom natin na tubig”
Santa: “Sige Jinky”
Jinky: “Dati hindi ako masyadong nag iistay dito kasi wala akong kasama kaya wala talagang gamit saka para rin iwas sa nakaw alam mo na minsan nga kasi meron din mga malilikot ang kamay na maliligaw”
Santa: “Ilan taon ka na nga pala?”
Jinky:”25 na ako”
Santa:”Kaedaran mo pala ang ate ko”
Jinky:” Kasing ganda mo siguro ang kaaptid mo ano? Nakakainsecure naman hahaha”
Santa:” Ikaw naman” Gusto sanang niyang sabihin kung hindi dahil sa gandang sinasabi nito ay hindi sana siya napahamak.
--------------------------------------
Dinampot na ng mga pulis ang mga anak ni Aling Tasing dahil nag sumbong na si Arnold sa ginawa ng mga ito. Isa sa mga tenant nila sa pinauupahang bahay.
Siya yung nakita ni Santa noon na namumula ang mga Mata na nakasilip sa isa sa mga kwarto. Ang totoo ay hindi naman siya adik talaga may sore eyes lang siya nung mga panahon na 'yun kaya namumula ang mata niya. Nahihiya lang siya makipag kilala kay Santa dahil baka mahawa ito sa kanya kaso ay mukha itong natakot sa kanya ng ngumiti siya sa babae.
Pinagsasampal ni Sabel ang mga lalake ng makarating ito sa pulis station matapos itong tawagan na may nagbigay ng statement laban sa mga anak ni Aling Tasing pati si Marlon na kadadating lang din ay nakikisapak na din sa mga ito at gigil na gigil.
Sabel:”Pagbabayaran ninyo ang lahat ng ginawa ninyo sa kapatid ko! Mabubulok kayo dito sa kulungan!”
Marlon:”Kinakapatid ko pa naman kayo tapos ganyan lang ang gagawin ninyo!”
Iyakan naman ng iyakan ang mga anak ni Aling Tasing dahil takot na takot ang mga ito na makukulong sila. Maski ang ina ng mga ito ay halos matulala din.
Nagdagdagan pa ang mga kaso ng mga ito ng makita ang mga shabu at iba pang droga sa bahay nila.
Sabel:"Mga hayop kayo! Binaboy ninyo ang kapatid ko!" Puro sampal, sabunot at tadyak ang inabot ng mga lalake kay Sabel maging si Aling Tasing ay na hinuli din ay hindi pinatawad ng ni Sabel pinasasabunutan din niya ang matanda.
Marlon:" Pati ba naman ikaw Ninang? Ano bang ginawa sa inyo ni Santa para ganunin ninyo? Wala kayo pinag iba sa tatay ko! Mga walanghiya kayo! Wala kayong awa! Wala kayong puso!"
Sabel:"Sinisiguro ko na mabubulok kayong lahat sa kulungan! Hinding hindi naming iuurong ang kaso lumuha man kayo ng dugo diyan!"
Pinigilan naman na ng mga pulis ang dalawa sa p*******t sa mga it at pinasok sa kulungan ang mga lalake na nag-iiyakan kung saan nandon din si Mang Tony at Ramon. Isinama naman sa mga babaeng preso si Aling Tasing kasama ni Pepay na kabit ni Ramon.
Pulis:"Arnold, Sigurado ka ba na lahat ng anak na nandito ni Tasing at maging siya na ina nila ay ang may pakana at gumawa ng lahat ng ito kay Santa?"
Arnold:"Opo Sir silang lahat po sigurado ako sa tulong na nanay nila kasi nung gabi na po na 'yon ay binigyan ng pagkain ni Aling Tasing si Santa nainggit pa nga po ako kasi never nagbigay ng libreng pagkain ang mga ‘yan mga bintangero pa nga pag may nawawala silang pagkain sa ref tapos wala pa po isang oras lumabas na din ang kasera ko sa kwarto siguro ay tiniyak na naubos ‘yung dinalang pagkain nung pababa na po siya narinig ko po na nag uusap sila ng mga anak niya tinanong kung naubos pinakita pa ni Aling Tasing na walang laman ‘yung mga pinggan at mangkok tapos 'yun po nga maya maya nag akyatan na yun apat na anak akala ko nga ho kung bakit kala ko po baka nag uusap usap lang sila tahimik naman kaya ahm lumapit po ako sa pinto ng kwarto ni Santa. Wala po ako naririnig na boses ni Santa eh parang wala naman nagsasalita. Ang ginawa ko po ay nilapat ko ang tenga ko sa pinto niya 'yun po narinig ko mga unggol nila alam ko na po nun na may ginagawa silang masama"
Sabel:"Eh bakit wala ka ginawa? Edi sana nag sumbong ka sa pulis agad! O sana pinasok mo sila para mapigilan! Para nakaligtas ang kapatid ko sa mga hayop na 'yun!"
Marlon:"Oo nga. Humingi ka sana ng tulong sa iba"
Arnold:"Gabing gabi na po nun saka po sitwasyon po na 'yon kahit sino matatakot naman unang una apat sila malalaki pa ang mga katawan kaya nila nga po ako balian ng buto. Saka po natatakot din ako mabalikan lalo at dun pa ako nakatira sa kanila"
Pulis:"Eh bakit ngayon nagsumbong ka na?"
Arnold:"Hindi ho kasi ako pinapatulog ng kunsensya ko saka nakita ko ho sila ate at kuya na sumugod sa bahay ni Aling Tasing. isa pa ho eto" sabay abot ng cellphone nito. Kitang kita dito na pumasok ang apat na lalake sa kwarto ni Santa.
Pulis:"Oh ayan mabuti may ibedensya ka sa mga statement mo. Magagamit natin 'yan para kasuhan sila at maging patunay"
Arnold:"Sir ang akin lang po sana ay huwag ako malagay sa panganib ako lang ang inaasahan ng pamilya ko"
Sabel:"Huwag ka mag alala bibigyan kita ng pera lumayo ka na dito. Salamat sa tulong mo para mapatunayan ang mga kasalanan ng mga hayop na ‘yun"
Arnold:"Opo wala po ‘yon salamat din po at sana mapatawad din ako ni Santa dahil ngayon lang ako nagsalita. Nasan nga po pala siya para makahingi din ako ng tawad"
Nagkatinginan si Sabel at Marlon. Hindi pa kasi kumokontak si Santa mula kahapon.
Sabel:"Lu-lumayo muna gusto kasi makalimot pero sir sana po makulong ang mga yan!"
Pulis:"Oo sa ngayon mabigat na ito na ebidensya pero kailangan namin si Santa para magbigay ng statement pa lalo siya ang biktima dito"
Marlon:"Sir Huwag ho kayo mag alala kapag malaman niya na nakakulong na ang mga 'yan ay tiyak papayag at pupunta agad 'yon dito para ibigay ng salaysay niya"
Umalis na sa presinto sila Marlon, Sabel at Arnold.
Marlon:"Arnold, dun ka muna sa bahay ko tumuloy kailangan pa kasi ng statement mo pag nag harap harap sa korte huwag ka mag alala may pulis na mag babantay para tiyakin ang kaligtasan natin"
Sabel:"Oo nga Arnold huwag ka din mag alala mag bibigay ako ng pera pangkain mo alam ko kasi nag stop ka sa trabaho" Isa kasi itong janitor sa eskwelahan.
Arnold:"Naku salamat ho"
Alam kasi nilang Sangkot din sa illegal na transaction ang mag-iina at nagtatakot silang balikan ng ibang kasangkot ng mga ito sa mga illegal na gawain.
----------------------
Jinky:”Ay teka dalhin kop ala muna sa files room yung mga document nung mga nakaraan na events. Hinihiwalay kasi ‘yung mga sinort natin na mga nag binyag at kasal dito para gawing records. Labas muna ko ha”
Santa:”Oo Sige”
Jinky:”Diyan ka muna”
Naisipan na ni Santa na buksan ang cellphone niya nabasa nito ang mga text ni Sabel na humihingi ng tawad sa mga nangyari. Sinabi nito na nakulong ang asawa nito dahil nahuli niyang may kasama sa mismong kama pa nilang mag asawa at dinagdag pa sa kaso ang pagtatangka sa kanya ng masama.
Gigil na gigil si Santa hayop talaga ang asawa ng kapatid niya!
Sunod niyang binasa ang text ni Marlon. Nagulat siya sa nabasa. Nakulong na ang ama nitong si Mang tony! Pati na sina aling Tasing at mga anak nito! Naiiyak na napaluhod sa tuwa si Santa.
Santa:"Mabuti naman! At mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa akin!"
Dali dali siyang tumawag kay Marlon pero wala pala siyang load. Tumakbo sya palabas at nakasalubong si Jinky.
Jinky:"Santa? oh bakit ka tumatakbo? May nangyari ba? Umiiyak ka ba?" Tanong nito sa kanya.
Santa:"Jinky! Na-nasan si Father? Gusto ko mangumpisal sana"
Jinky:"Ha? Ah andun yata sa likod puntahan mo nalang"
Santa:"Okay sige"
Tumakbo na si Santa sa likod ng simbahan na puno ng kaligayahan ang puso niya. Balak niyang mangumipisal para mas gumaan ang loob nagalit din kasi siya sa Diyos kung bakit ito nangyari sa kanya pakiramdam niya ay pinabayaan siya nito gusto na rin niyang mag paalam na din para sabihin na uuwi na siya O baka ayain nalang niya ang Ate Sabel at si Marlon na dito sa maynila. Ahh bahala na kung ano ang maipapayo ni Father.
Pagpunta niya sa likod ay nakita niyang mag kausap na naman ang pari at yung Cathy. Para tuloy siyang nahiya dahil parang nagtatalo ang dalawa.
Nagpipilit na lumapit ang umiiyak na babae pero umiilag naman ang Pari. Nagtago sa gilid si Santa. Napailing nalang. Kaya siguro malungkot na naman si Jinky malamang nakita din niya ang dalawa. Bumalik nalang siya sa opisina at naabutan na umiiyak na naman ang kasamahan. Mukhang tama siya ng hinala.
Inalo ni Santa si Jinky dahil nagsisimula na naman na lumuha ito.
Santa:"Tama na yan teka Jinky diba masama na makipag relasyon sa Pari? Umm naging kayo din ba talaga?"
Jinky:"O-oo. kaso parang hindi rin kasi tulad dati ni Cathy rebelde din ako sa magulang tapos isang araw nangumpisal ako para ako natauhan sa magandang payo ni Father parang nag ka crush ako sa kanya ayun lagi rin ako nandito noon para makausap siya ginanahan ako mag aral ulit at nakatapos naman ng pag aaral kaso gusto ko talaga siya kaya ginawa ko minsan inaya ko siya sa bahay namin akala niya nandun ang mga magulang ko tapos nilagyan ko ng pampatulog yung iniinom niya.."
Santa:"Ha?! Bakit mo ginawa yon? Eh anong nangyari?" Gulat na gulat nitong tanong.
Jinky:"Wa-walang nangyari pero sinabi ko sa kanya na meron akala nga niya meron talaga sabi ko pa ipagsasabi ko na may nangyari sa amin kung hindi siya papayag na maging kami.. kaso isang araw nalaman niya na wala talagang nangyari narinig kasi niya na kausap ko si Ma’am Selda nung pinaamin ako kung totoo yung nabalitaan niya na may nangyari sa amin ni Father kaso ewan ko ba naamin ko na hindi totoo. Ayun nagalit pero dahil mabait naman kasi si Father at alam naman niya ginawa ko lang dahil nga sa gusto ko lang talaga siya ay pumayag siya na magtrabaho ako dito. Nag aalala din siguro na bumalik ako sa pag rerebelde sa magulang at pag aadik pero lumayo na din ang loob niya sa akin hindi nga halos pumupunta dito sa opisina hanggang sa 'yan nga dumating si Cathy" nagsimula na naman itong umiyak. Iiling iling lang si Santa.
Hindi pa din niya gets bakit gusto nilang makipag relasyon sa pari. Oo at may itsura ito at manghihinayang ang kahit na sino dahil naging Pari ito pero di 'yon sapat para pumatol at magkaroon ng ugnayan dito.
Santa:"Jinky teka si nanay Selda ano ba siya? Ibig ko sabihin taga saan siya? Mayaman ba siya? Anong trabaho niya? Ma’am kasi ang tawag mo sa kanya at yung iba pang volunteer na naabutan ko" Nagpunas naman na ng mukha ang babae.
Jinky:"Ah Si Ma’am Selda ba isa siya sa mga nagbabasa pag may misa dito. Isa rin siya sa mataas ang posisyon dito sa simbahan at sa kooperatiba na hawak din ng simbahan. Malaki rin ang share capital niya niya doon at laging isa din sa major sponsor pag may misa o mga events dito. Kilala rin si Ma’am Selda kasi manggagamot din siya madaming nagpupunta at dumadayo sa kanya para pagpagamot pero.." Lumingon pa ito sa magkabila para makasigurado na walang makakaring tapos ay bumulong kay Santa
Santa:"Jinky? Bakit? pero ano?"
Jinky:" Pero umm Satin satin lang ito ha Kasi ang sabi mangkukulam at mambabarang daw siya talaga" pabulong nitong sagot.
Santa:"Ha? Eh ang bait bait ni nanay Selda ah"
Jinky:"Oo pero ’yon ang sabi sabi madami ng namatay daw dahil sa kulam niya. Lalo na yung mga nanggahasa, pumatay. Ang sabi nga ilang preso na ang bigla namamatay ng sa kulungan. Pinapakulam daw ng mga biktima. Alam mo na mga hindi kuntento na makulong lang ang mga umagrabyado sa kanila. Maski nga mga Pulis at pulitiko dito sa lugar ay naniniwala sa kanya eh"
Santa:"Ganun eh bakit siya nakakapag simba pa? Masama 'yon diba? Ang manakit ng tao maski na para sa mga biktima pa"
Jinky:"Alam mo Hindi naman lahat ng nagsisimba eh mga makadiyos. Yung iba nag pupunta sa simbahan para lang sabihin na taong simabahan sila pero ang totoo eh sasagap lang ng chismis, ipagyayabang lang ang mga damit o sasakyan o alahas. Mga gadget o minsan Nagpapayabangan kung magkano ang hinulog na donasyon. Tignan isa isahin mo kung ano ang misa hindi nila masasagot kasi nga lutang ang isip kahit nga ’yung mga batang choir? Naku laging nasisita kasi pagtinatanong sila hindi alam kung ano yung mga pagbasa na sinabi paano daldalan lang ng daldalan"
Santa:" kung sabagay tama ka kahit naman sa lugar naming noon kaya ang susungit ng mga pari"
Jinky:"Mararami talagang masusungit lalo ‘yung mgay mga edad na teka nakausap mo na ba si father?"
Napaisip naman si Santa kung sasabihin ang nakita baka kasi masaktan ito lalo.
Santa:"Mamaya nalang siguro teka pwede mo ba ako samahan kay nanay Selda?"
Jinky:"Hehe bakit may ipapakulam ka ba?" Natawa na ito habang pinupunasan ang kumalat na eyeliner sa mata. Naisip ni Santa sina Mang Tony at pamilya ni Aling Tasing. Pwede nga kaya?
Santa:"Eh kung Oo? Magkano ang bayad? Mahal ba?"
Natigil naman sa pagtawa si Jinky. Tinitigan mabuti si Santa. Napaisip ito.
Jinky:"Depende. Ang sabi kasi pag kulam lang tapos kung bibigyan lang ng sakit nasa ilang libo daw ang bayad pero pag gusto ipapatay iba ang bayad"
Santa:"A-anong ibang bayad?"
Jinky:"Hmmm. Di ako sure ah sabi sabi lang. Ang Sabi ikaw daw mismo ang kapalit."
Santa:" Ha? Paanong ako?"
Jinky:"Kaluluwa mo daw ang kapalit parang kaluluwa kapalit ng kaluluwa"
Santa:"Grabe naman" Kinilabutan bigla ito sa narinig.
Jinky:"Hahaha sabi sabi lang ‘yon malay natin baka hindi naman literal baka daang libo ang halaga kaya sinabi halos kaluluwa ang kapalit hehe teka bakit ba kasi sino papakulam mo? Bf mo? Nagloloko ba?"
Santa:"Wa-wala akong bf"
Jinky:"Weh? Ows? Ang ganda mo kaya! Mas maganda ka pa nga dun sa haliparot na si Cathy na 'yun noh! Mayaman lang at pa sosyal!"
Santa:"Ikaw talaga ano masasamahan mo ba ako sa bahay niya?"
Jinky:"Sige ipapakulam ko din si Cathy hehe papalagyan ko ng putok ng bad breath at papatadtaran ko ng pimples para layuan ng mga tao lalo ni father hehehe"
Santa:"Huwag ganyan"
Jinky:"Joke lang. ikaw ano bang sadya mo sa kanya?"
Santa:"umm magpapaalam sana ako sa kanya alam mo naman siya ang nagpasok sa akin dito. Di ko kasi alam kung uuwi na ako sa amin dahil ayos na kmi ng ate ko o kung aayain ko nalang si ate dito sa maynila. Kailangan ko sana ng payo niya at ni Father"
Jinky:" uy ano ka ba wag kang aalis! Kainis to! Now lang ako nagkaroon ng friend at kachikahan" kumapit pa ito sa braso niya.
Santa: “Sige pero Jinky kung sakali pwede kaya na dito din si Ate dito na tumuloy? Maski hindi siya dito magtatrabaho?”
Jinky: “Oo pwede papayag naman sila saka minsanan lang ako dito matutulog kung sakali na dito na ang ate mo basta huwag kang umalis ah”
Ayaw din naman niya umalis parang mas gusto na niya na dito nalang sila sa maynila at pasunurin ang kapatid. Mas malaki kasi ang oportunidad at sahod dito pwede naman siguro na paupahan ang bahay nila o ipasalo na sa iba.
Santa:"Jinky ayoko na din naman sana na aalis parang okay na ko dito pero kailangan kasi may makuhang trabaho din si Ate kung papasunurin ko dito tapos naman kami pereho ng pag aaral sa katunayan Manager nga siya sa pinapasukan niya na Pambrika sa amin kaya gusto kong makausap si Nanay Selda baka lang may mabigay siya na pwedeng ma applyan din ni ate. Alam ko kasing mas mahirap ang buhay dito at mas mahal ang mga bilhin kesa sa probinsya. Isa pa may bahay kasi si Ateng binabayaran pa hindi naman pwedeng matigil dahil baka makuha ng banko sayang ang pagod niya nakunan nga siya noon dahil sa pagnananais na mabayaran ‘yung bahay"
Jinky:"Manager naman pala siya mas madali siyang makakakuha ng trabaho dito dahil may experience na siya basta wag kang aalis ah! Sasamahan kita dun kila Ma’am Selda marami naman konekyon ‘yun makakakuha agad ang ate mo niyan. 5 pm na din naman na tara at mag out na tayo." Kinuha na nito ang bag sa tabi nito matapos isara ang mga computer.
Santa:"Sige sana nga pero di ba tayo mag papaaalam kay Father muna?" Ready na kasing umalis agad ang kasama.
Tumanaw si Jinky sa harap ng simbahan tapos sumimangot. Nginuso nito ang nakapark na sasakyan sa harap.
Jinky:"Huwag na anjan pa si bruha hmp saka hindi naman na ko dumadaan sa kanya para mag paaalam dahil may time card tayo" Inakay na siya nito palabas. Pumara ito ng tricycle at sinabi lang sa bahay ni nanay Selda ay alam na nito.
Santa:"kilalang kilala pala talaga siya dito noh?"
Jinky:"Oo walang hindi nakakakilala sa kanya dinadayo siya ng mga tao meron pa nga taga ibang probinsya o ibang city. May artista at mga kilalang politiko pa nga. Mga nakulam na gustong magpapagamot pero kadalasan ay mga nasasapian daw o mga nagkakasakit na di nalulunasan sa hospital ang dinadala sa kanya. Meron din mga gusto kausapin ang mga kapamilyang namatay. Medium din daw kasi siya" tumango tango lang si santa.
Bumaba sila sa isang bahay. Medyo malayo din ang bahay nito at nakahiwalay sa iba pa. Malaki ang bakuran na may mga nakahandang upuan para sa mga magpapagamot.
Nasa tatlong palapag ang bahay nito na parang lumang mansyon ang disenyo. Masasabi din na may kaya ito talaga.
Halos 3 na tao pa ang nakaupo sa labas ng pumasok sila sa loob. Nakita ni Santa na parang panahon pa ng kastila ang disensyo sa loob nito. Kumpleto naman ang mga gamit.
Jinky:”Malapit na matapos ang oras kaya konti nalang ang tao pero sa umaag naku grabe ang pila ‘yung iba nga hindi na umaabot”
Santa:”Mabuti ngayon 3 na lang” 5:30 na noon ng hapon
Jinky:” Strikto kasi si Ma’am Selda 30 katao lang sa isang araw ang tinatanggap niya nagsisimula ng 8 ng umaga hanggang 6 ng gabi maski magmapakaawa ka hindi ka na papansinin. Masunurin din naman ang mga tao basta nakitang may nakaupo na sa mga hinandang upuan ay hindi na sila papasok at babalik nalang bukas”
Santa:”Paano kung malayo pa ang pinanggalingan?”
Jinky:”No choice sila babalik sila bukas bawal tumabay sa laabs ng gate kundi dadamputin ng mga pulis”
Pumasok sila at sumilip sa isang pinto na bukas at nakita nila si nanay Selda na nakaupo nasa harap naman nito ang isang ginang na umiiyak.
Kumaway si Jinky kay nanay Selda na nakita naman sila. Tinawag sila nito at umupo sa gilid at Nakinig lang sila sa pag uusap ng dalawa.
Nanay Selda:"Mrs Sigurado ka ba na hindi naglayas ang anak mong si Cleo?"
Ginang;"Oo sigurado ako nagpaalam lang siya na bibili sa kanto nung gabi tapos hindi na siya umuwi huhuhu tatlong araw na siya nawawala huhuhu walang mahanap na lead ang mga pulis tanging pagpapakalat lang ng larawan niya ang nagagawa namin huhuhu! Nasaan na ang anak ko?" Atungal na iyak nito. Tumango naman si Selda.
Nanay Selda:"O sige tignan natin sa baraha kung anong magiging sagot" nag labas ito ng tarot card binulungan ito at bumunot tapos ay iiling iling.
Ginang:"A-ano hong nakita ninyo?"
Nanay Selda:"Wala na siya. Patay na si Cleo"
Ginang:"Ano aling Selda? A-ano ho? Wala na? Pa-patay na ang a-anak ko?!"
Tumango si Nanay selda. Nag-iiyak naman lalo ang ginang.
Nanay Selda:"Mrs, susubukan kong kausapin ang kaluluwa niya para malaman mo kung sino ang may gawa sa kanya ng pagpatay" tumango lang ang ginang na lumuluha pa din.
Pumikit si nanay Selda mamaya maya ay dumilat ito pero puro puti ang mata Bumuka din ang bibig pero hindi ito gumagalaw. Nang bigla itong mag salita pero boses dalaga.
Nanay Selda:" I-Inay? ‘Nay?"
Gulat na gulat naman ang ginang maging sina Santa at Jinky sa nasaksikan.
Ginang:"Diyos ko Cleo! Ikaw ba yan?! Anak ko huhuhu! Nasan ka na?!"
Nanay Selda:" Inay, Pinatay niya ko Inay. Pinatay niya ko. Pinatay niya ko" paulit ulit nitong sabi.
Ginang:" Sino?! Sino anak?! Sabihin mo at pagbabayaran niya!"
Nanay selda:"si tatay.”
Gulat na napatayo ang ginang. Nagkatinginan naman si Jinky at Santa. Maski sila ay nabigla. Mismong tatay nito ang pumatay sa sarili nitong anak.
Ginang:" Anak? Sigurado ka ba? Ta-tatay mo?"
Nanay Selda:”Opo binaon niya ang kutsilyo sa likod ng bahay kasama ang katawan ko ipapalkal mo sa pulis nandoon pa din ang bakas ng kamay niya sa duguang kutsilyo. Mapapatunayan siya ang may gawa inay. Bigyan mo ng hustisya ang kamatayan ko inay!" Biglang nawala ng malay si nanay Selda agad dinaluhan nila Santa ang matanda. Maya maya ay dumilat na ito.
Nanay Selda:" Ano nakausap mo na si Cleo?" tanong nito sa ginang.
Tumango ang ginang kung kanina ay parang lulugo lugo ito ngayon ay para itong puputok sa galit. Binuksan nito ang bag at naglagay ng halos 10,000 sa lamesa. Lumabas na ito ng bahay ng walang sabi sabi.
Jinky:" Ma’am Selda okay lang po ba kayo?"
Nanay Selda:" Oo medyo nakakahina lang pag sumasanib ang kaluluwa sa akin dahil madaming kaluluwa ang gustong pumasok kaya nahihirapan din ang tinatawag kong patay na makipag unahan. Ano nga palang sadya ninyo?" Tumanaw pa ito sa labas at tinawag ang susunod na mag papagamot.
Pinaliwanag naman ni Santa ang balak na pag papapunta sa Ate sa maynila. Pumayag naman si nanay Selda na irefer ang ate niya sa mga kakilala para makapasok sa trabaho. Masaya naman na nagpasalamat si Santa. Nauna ng lumabas si Jinky dahil tumunog ang cellphone nito kaya sinagot nito sa labas. Hinila naman bigla ni Nanay selda si Santa sa braso.
Nanay Selda:"teka Santa baka gusto mo din mag patingin sa akin" nakatitig ito sa mga mata niya na parang sinasabi na may alam ito.
Santa:" sa- sa ibang araw po nanay Selda pag hindi masyado maraming tao."
Nanay Selda:" gusto mo bukas? Kapag Linggo ay wala akong ginagamot pero para sa iyo magbubukas ako"
Santa:"naku salamat po sige po pagtapos ng simba po magkita po tayo"
Nanay Selda:" o sya sige. Teka sabihin mo pala sa ate mo na mag ingat." Kinabahan naman si Santa para sa kapatid
Santa:"bakit po?"
Nanay Selda:" parang may bumulong lang sakin na sabihin na mag ingat siya.”
Tumango lang si Santa at lumabas na din ng bahay nito. Dali daling nagbalasa ng tarot card ang matanda. Nanglaki ang mata nito sa kanita.
Nanay Selda:"kaya pala ang daming gustong pumasok kanina sa akin.” napatingin siya kay Santa na naglalakad na pauwi kasama ni Jinky. May nakita siyang maiitim na usok na nakasunod sa dalawang babae. Napangisi siya na sinundan ng tingin ang dalawa. Itinuloy na nito ang pang gagamot sa iba pa nitong pasyente.
-------------------------------------
Santa:”Grabe ang laki pala ng bahay ni Nanay Selda” Sabi nito kay Jinky ng nasa tricycle na sila.
Jinky: “Oo ang lawak noh?”
Santa: “Nasaan pala ‘yung asawa niya at mga anak?”
Jinky:” Ay Hindi mo ba alam matandang dalaga si Ma’am Selda sayang nga eh ang ganda niya diba? Mukhang alagang alaga naman niya ang sarili. Malamang nung kabataan nun sobrang ganda din parang ikaw”
Santa: “Naku hindi niya nasabi sa akin mabuti nalang pala at hindi ako ang tanong ng about sa pamilya niya kundi baka ma offend”
Jinky: “Hindi naman siguro hindi mo naman alam eh marami din ang nagugulat na wala siyang pamilya saan mo gustong pumunta? Gusto mo mag Mall?
Santa: “Sige doon na rin tayo kumain medyo nagugutom na ako”
Jinky: “Haha ako din hindi pala tayo nagmeryenda kanina tara” Bumili na rin ng sariling foam at unan si Santa para may mahigaan pagsapit ng gabi.
Santa: “Salamat Jinky ha” Nakabalik na sila sa kwarto sa opisina.
Jinky: “Aysus wala ‘yun pero sa ngayon uuwi muna ako tumawag kasi ‘yung kapatid ko kanina walang tao sa bahay ‘yung mga aso wala raw magpapakain saka para bukas madala ko na rin ‘yung mini ref at ibang gamit mga pinggan ganun para may magamit dito kesa bibili tayo marami naman sa bahay na extra”
Santa: “Salamat Jinky”
Jinky: “Basta Ilock mo lang. May guard naman dun sa labasan kaya hindi basta basta makakapasok ang sinoman dito Ilock mo na rin ang opisina para mas sure aagahan ko na lang bumalik bukas”
Nag paalam na ito ang umalis dahil mag gagabi na rin. Nahiga naman na si Santa pero agad napaiyak hindi niya alam kung anong mararamdaman kahit totoong nakulong na ang mga gumawa ng ganun sa kanya ay hindi naman na maibabalik kung ano man ang nawala sa kanya.
Pakiramdam niya ay wala na siyang maipagmamalaki sa kahit na sino naisip niya si Marlon sana pwede rin niya itong maisama dito sa maynila para mabago na rin ang buhay nito.
Hindi naman niya idadamay ito sa galit sa ama nito. Mula pagkabata ay palagi itong nakatulong sa kanya sayang nga lang at pagkatapos ng highschool ay hindi na ito nakapag patuloy ng pag aaral at pumalit na sa ama na mag tricycle na lang.
Alam at ramdan niya na may gusto sa kanya ito pero hindi niya pinapahalatang alam na niya ayaw naman niya kasing masira ang pagkakaibiga nila kung hindi lang siguro siya ginanun ni Mang Tony ay baka nabigyan na niya ng pagkakataon si Marlon na sagutin.
Lalo na doon siya dapat titira sa mga ito pero mukhang hindi pa panahon na magkarron sila ng mas malalim na pagkakaunawaan ang magagawa na lang niya sa ngayon ay matulungan din itong magkaoon ng maayos na trabaho at pagkakakitaan.
Gusto rin niya itong magkaroon ng oportunida na umasenso at malay niya baka baka matutunan na rin niyang masuklian ang pagmamahal nito sa kanya
itutuloy