...AKIRO...
Naalala pa ni Akiro ng unang beses niya itong nakita. Gandang ganda siya sa dalaga, napakasimple lang naman ng ayos niya wala man lang kolorete sa mukha, pero daig niya pa ang mga modelo sa showbiz.
Ayon nga lang napaka suplada at akala mo laging may dalaw. Dragona nga ang bansag niya dito. Akala mo kasi laging bubuga ng apoy kapag sila ay nagkakasalubong.
Ang bilis ng mga araw, ikalawang linggo na. Ngayon ang araw ng prom ball nila. Ngunit 'di man lang kumikilos si Athena. Kong siya lang talaga ang masusunod ayaw niyang dumalo.
Naiilang siya dahil para sakaniya hindi siya kabilang sa mga gano'ng okasyon.
Mag aalas otso na at hindi pa din siya nag-aayos. Hanggang sa bigla na lang syang nakarinig ng busina ng isang sasakyan sa tapat ng kan'yang apartment. Sumilip muna siya sa bintana at gayon na lamang ang gulat niya ng makita kong sino ang na sa labas.
Ang gwapo ng binata. Biglang namula ang pisngi ni Athena. Hindi niya mawari ang ka'nyan nararamdaman ng masilayan ang binata.
Dali-dali siya naligo at nag-ayos. Hinanap niya ang gown niyang tinahi pa ng kaniyang lola.Hapit na hapit saka'nyang katawan ang gown. Magaling pa din ang kaniyang lola, kahit na ito'y may edad na. Gamay pa din nito ang makina at nakakagawa pa din ng magagandang gown.
Samantalang sa labas naman halos kalahating oras ng nag-aantay si Akiro. Hindi niya alam kong sisiputin pa ba siya ng dalaga.
Paalis na sana siya ng bumukas ang gate. Laking gulat niya ng makita si Athena. Kong maganda na dati ito kahit simple lang ayos at mas lalo pa itong gumanda ng naayusan.
"Hoy! Bakit ganiyan ang tingin mo?” tanong ni Athena na nagtataka sa reaksyon ng mukha ko.
"Ah! eh, wala hindi ko alam na mas maganda ka pa pala kapag naayusan. Shall we go?" pag aaya ko, baka kasi ano pang masabi ko.
Inalalayan ko sya at lulan na kami ngayon ng sasakyan. Kita ko naman sa review mirror na 'di sya mapalagay. Nahihiya siya sa pag nakaw tingin ko saka'nya.. Bigla ko tuloy siyang natanong.
"Are you okay Athena,?” tanong ko para mawala ang agam-agam nya.
"Yah!" She simply nod her head and saying that..
Pasado alas nuebe na ng kami ay nakarating sa school. Madami dami na din ang mga tao at nagkakasayahan na. Bumaba ako ng sasakyan para alalayan si Athena sa pagbaba.
Naglakad kami ng sabay. Na center of attraction tuloy sa pagdating. Kitang-kita ko naman na nahihiya sya kya bigla na lng syang yumuko, mukhang hindi sya sana sa mga gan'tong okasyon..
Hinatid na siya ng binata sa kaniyang table at pumunta na din ito sa kabilang table. Maingay na ang paligid dahil na din sa music na pinapatugtog ng DJ.
Lumapit ako saka'nya at inaaya ko na din syang sumaya.
"Shall we dance,?" wika ko, sabay lahad ng aking mga kamay.
Maswerte inabot naman agad niya ang kan'yang mga kamay. Dinala ko siya sa gitna ng gymnasium. Nagsimula na kaming sumayaw. Napaka ganda ng musika at ramdam ko ang bilis at kaba ng puso nya.
Samantalang 'di naman nila namamalayan na umiikot na ang spot light para sa magiging Prom King & Queen of the night.
Sweet na sweet ang dalawa habang nag-uusap at hindi man lang nila namamalayan na sakanila tumigil ang spot light. Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao. Maya-maya pa nilapitan na sila ng dalawang estudyante at sinusuotan na sila ng crown at cape.
Nag salita ang MC ladies and gentleman may I now present you our King & Queen for tonight. Nagpalakpalakan muli ang mga taong naroroon.
Bigla na lang nag play ang kantang King & Queen ni David Pomeranz. Kaya lahat ng estudyante ay kilig na kilig sa dalawa.
Nang mapagod kaming mag-sayaw, pina akyat na kami ng stage at naroron na ang trono namin, para kaming mga King & Queen tonight. Habang kami ay nakaupo na, sinamantala kong kausapin sya may tinatagong kakulitan rin naman pala sya at tawan-tawa sa mga binanato kong jokes. Kaya sabay na lang kaming nag tawanan at 'di rin kasi kami ready at makapaniwala na kami ang tatanghalin ngayong gabi.
Samantalang nasa gilid naman si Bella at nagpupuyos sa galit. Hindi na naman niya matanggap na sa muling pagkakataon ay mauungusan na naman siya ng dalaga.
Natapos ang gabi ng masayang masaya si Athena. Hinatid na din siya ng binata sa apartment at nagpaalam na din ito sakaniya.
Hindi namamalayan ni Athena ang paglipas ng mga araw. Para sakaniya masaya siya dahil malapit ng magtapos ang kaibigan. Hanggang doon muna sila , dahil nangako si Athena saka'nyang lola na bago mag nobyo ay magtatapos muna siya ng kolehiyo.
Naiintindihan naman ni Akiro ang gusto ng dalaga. Handa naman itong mag antay para sa matamis na oo ng dalaga. Napaisip si Athena na mali ang pagkakakilala niya noon dito.
Hindi pala talaga babaero ang lalaki. Mabait at maalaga si Akiro. Gusto niya ang pagiging maginoo nito at marespeto sa lahat ng gusto niya.
Dumating na nga ang araw ng pagtatapos nito, siyempre present ang dalaga. Dahil nag request ang binata na siya ang mag sabit ng medalya dito, dahil malayo ang pamilya ni Akiro. Humanga naman ang dalaga sa angkin galing ng lalaki. Nagtapos lang naman ito ng suma cumlaude at hakot awards pa.
Nagpasiya silang mag celebrate at kumain sa labas. Pumunta sila ng Mall at humanap ng restaurant. Habang kumakain sila hindi maiwasang humanga talaga ng dalaga sa kaniyang kaharap. Kahit gwapo at matalino ito napakasimple pa din.
Suwerte ang magiging nobya nito o asawa. Lihim naman na kinilig ang dalaga sa sinabi.
Napansin ko naman ang pag smile nya, and out if nowhere I simply ask her.
"Bakit ka naman nakangiti,?" tanong ko dito, medyo weird kasi sya.
"Nothing,” tipid na reply nito.
I'm not convince, so to make sure everything is ok. I ask her once.
"Are you sure,?" balik na tanong ko saka'nya at nanimbang kong totoo amg sinasabi nya.
"Yah! May naisip lang ako," sabi nito at nakampante na rin ako.
Nang matapos silang kumain, nag aya naman si Akiro manuod ng movie. Pumayag naman ang dalaga dahil maaga-aga pa naman. Gusto din niyang masulit ang araw na kasama ang lalaki dahil balita niya uuwe muna ito sa pamilya. Nalulungkot man ang dalaga pero wala siyang magagawa para pigilan ito dahil wala naman namamagitan sakanila.
Sa loob ng cinema. Hindi naman mapigilan mapaluha ni Athena sa napapanuod. Ang eksena kasi may dalawang mag kasintahan at nagpapaalam ang lalaki sa dalaga. Nakaka relate siya dito kasi ilang araw na lang magkakahiwalay na sila ng landas.
Napansin ko naman ang luha sa mga mata ni Athena. Medyo na bother ako kaya nag tanong ako..
"Is there any problem,?" tanong ko. I feel that she's not comfortable with me.
"W-wala naman," tipid na reply nito.
I'm not satisfied her answer, so I ask her twice this time I comfort her.
"Are you sure,?" Oh! Baka naman nadadala ka lang sa eksena. Don't worry mabilis lang naman ang oras at araw babalik din agad ako” sabi ko, pang pawala ng lungkot nya. Nag didiwang naman ang puso ko ng malaman na mamimiss nya rin ako.
Natapos ang palabas na magka hawak ang kamay nilang dalawa. Kulang na lang ang matamis na oo ni Athena, dahil sa inaakto nila para na din silang magkasintahan.