ATHENA Maaga pa lang nagising na ako. Hindi ako mapakali dahil ngayon ang araw nang luwas naming Manila para mag attend sa korte. Medyo kabado ako dahil unang araw kaming talo na maghaharap makalipas ang ilang taon. Ngayon lang din ako haharap sa husgado sakabila nang mga panloloko nila saakin. Naway manalo ako sa labang ito. Nasa byahe pa lamang kami at hindi na ako mapakali halo-halo ang pumapasok sa isipan ko, pangamba, pagkatakot at pagkabalisa sa mangyayari mamaya. Napansin naman ni Geoff ang pag tahimik ko kaya hinawakan niya ang kamay ko na kasalukuyang namamawis na. "All is well. Mananalo ka sa kaso. I will make sure of that." pampalakas nang loob na wika nito. "Medyo kabado talaga ako. Pero para sa kambal at sa peace of mind ko gagawin ko 'to. Salamat na lagi kang nandyan p